Joyce Ching laughs off comment that Barbie Forteza has gone ahead of her in the race for acting award

Joyce Ching is getting noticed for her acting range, particularly her effortless shift from kontrabida roles to goody ones. She explains, "Kasi po, siguro, bata pa lang ako, gusto ko na talagang mag-artista. Passion ko po, hilig ko talaga."


Marami na ang nakakapansin sa pagiging epektibong young actress ni Joyce Ching, lalo’t nabibigyan nito ng magandang pagganap ang pagiging kontrabida at ganun din ang sympathetic roles.

Sa presscon ng bagong primetime teleserye ng GMA Network, ang Strawberry Lane, noong Martes ng gabi, September 9, ay nagbahagi si Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang mga pananaw tungkol sa ginagawa niyang pagtugon sa kanyang acting craft.

"Kasi po, siguro, bata pa lang ako, gusto ko na talagang mag-artista. Passion ko po, hilig ko talaga," sabi ni Joyce, bilang mga pangunahing dahilan.

Dagdag niya, "Hindi ko ipinipilit sa sarili ko na, ’Mag-artista ka’ o ’Umarte ka...’

"Talagang gusto ko yung ginagawa ko."

Marami nang nilabasang teleserye sa Kapuso network si Joyce. Sa pelikula, naipakilala siya sa Tween Academy ng GMA Films bilang ka-loveteam ni Kristoffer Martin, her ex-boyfriend.

Pero higit na napansin ang seryosong pagganap ng young actress sa una niyang indie film na Kamkam (Greed).

Magagandang reviews ang natamo ni Joyce sa role niya bilang isa sa mga anak nina Jean Garcia at Allen Dizon. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Bukod sa acting workshops na pinu-provide ng GMA para sa mga talents nito, may paraan din daw si Joyce para maging epektibo ang gagawin niyang pagganap—sa TV man o pelikula.

"Pinag-aaralan ko po at nag-o-observe po ako ng mga tamang tao," pagbabahagi pa niya.

REUNION WITH TEEN KAPUSO. Ikinaka-excite din ni Joyce ang muling mapasama sa cast ng project na karamihan ay mga kabataang artista ng GMA.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong teleserye na Strawberry Lane.

And this time, posibleng magkakaroon ng bagong love interest si Joyce—si Kiko Estrada.

"Parang si Kiko po ang magkakagusto sa akin... ayaw ni Kim [Rodriguez]!" natatawang biro ni Joyce.

Dagdag niya, "Masaya po... para kasing reunion po ng Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun po yung vibe namin sa set… lahat po kami teenagers."

Kasama ni Joyce sa apat na bida ng kuwento sina Bea Binene (as Clarissa), Kim Rodriguez (as Jack), at Joanna Marie Tan (as Lupe).

"Natutuwa po ako dito kasi parang ngayon ko lang makakasama si Bea sa isang seryosong show na medyo dramatic.

"Sa Tween Hearts lang kami nagkasama before.

"Plus, nandiyan sina Kiko, Jeric [Gonzales], si Jake [Vargas]…

"Ngayon lang po kami magkakatrabaho nang seryoso."

NO COMPETITION. Si Barbie Forteza ay isang ring Kapuso young actress na ngayon ay kinapansinan ng angking husay sa seryosong pagganap.

Pinalad pa nitong makasungkit ng Best Supporting Actress award sa Cinemalaya Film Festival kamakailan para sa pelikula ng direktor na si Milo Sogueco, ang Mariquina.

Birong komento ng PEP kay Joyce, naunahan siya ni Barbie sa pananalo ng acting award. Hindi rin naman kasi nailahok sa Cinemalaya Filmfest ang Kamkam, Joyce’s starrer.

"Ay, naunahan talaga!" natawa si Joyce sa komento.

"Best friends po kami ni Barbie kaya sobrang tuwang-tuwa din ako [sa pananalo niya]."

Unang nagkasama sina Joyce at Barbie sa afternoon drama series ng GMA, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin (2011).



NON-KONTRABIDA. Sa Strawberry Lane, ayon kay Joyce, isang mabait na teen character ang kanyang gagampanan, bilang si Dorina.

"Mabait po ako… sobrang challenging po sa akin na magpakabait at magpaka-sweet.

"Medyo na-stress ako!" kuwelang sabi ni Joyce.

Patuloy pa niya, "Kasi nga nasanay yung mga tao na kontrabida ako, na ’pag Joyce Ching, masama ang ugali.

"Kontrabida like yung sa mga huli kong projects, Villa Quintana, Paraiso Ko’y Ikaw, Dormitoryo... sa Anna Karenina, medyo masama rin ako.

"At least, ngayon, na-try ko na maging sobrang bait naman, na refreshing [para sa akin].

"Natutuwa po ako, iba-ibang role yung naibibigay sa akin.

"Tingnan niyo dito [Strawberry Lane], kailangan sobrang bait ko talaga para ma-convince ko sila na hindi naman ako masamang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa role ni Bea mas magiging malapit ang character ni Joyce.

Ayon kay Joyce, "Magkababata kami, naging close kami noong bata pa kami, ’tapos nagkahiwalay.

"Paglaki namin, hindi namin inakala na dun pa kami sa detention center magkikita uli."

Ang tawag sa detention center o reformation center for girls na maagang nagkaroon ng kasong labag sa batas ay Angel’s Haven, o Bahay Bagong Pangarap, na nasa pamamahala ng istriktang si Ms. Digna (Chanda Romero).

LESSONS FROM VETERANS. Bukod kay Chanda, tinitingala din ni Joyce ang respetadong veteran actress na si Ms. Boots Anson-Roa.

"Hindi lang po on-cam, pati off-cam, kung gaano sila ka-professional sa trabaho.

"Sobrang bait po, very approachable silang lahat.

"At magagaling!

"Nakakatuwa po, kasi sobrang bongga si Ms. Chanda doon," sabi pa niya tungkol sa role ng beteranang aktres bilang tagapagbantay ng mga kabataang nasa Angel’s Haven,

"Siya po ang nagpapanatili ng cleanliness namin sa set.

"Siya po talaga yung nagme-maintain, na ’pag may nakikita po siyang kalat, pinupulot niya talaga.

"So, lahat kami, talagang nape-pressure at nahihiya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN