Renz Fernandez on being loveless: "Ang dami kong crush, kaya lang, may mga boyfriend lahat, e!"

Renz Fernandez wants to concentrate on his work rather than focus on his lovelife. He says, "Pakiramdam ko kasi, hindi pa talaga dumarating yung tamang babae, e. And, sabi nga, hindi naman hinahanap ‘yan. Hinihintay lang."


Masaya si Renz Fernandez sa takbo ng kanyang acting career ngayon at kuntento raw siya sa mga oportunidad na ibinibigay ng GMA sa kanya.

Saad ng bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez, “Pagdating sa acting capabilities ko, tina-try kong mas matuto pa.

“Mas gumaling. Mas maipakita ko nang truthful yung ginagawa ko.

“Hindi ako tumitigil sa pag-undergo ng mga acting workshops.

“Yung pagiging artista kasi, dapat continuous lang yung learning.

“’Tapos nagdyi-gym ako, pinapaganda ko yung katawan ko.”

May plano ba siyang mag-Cosmo Bachelor Bash din?

Tugon niya, “Ini-encorage ako ng handler ko.

“Pero sabi ko, dun na ‘yon sa mga talagang macho, ‘di ba? Sa kanila na ‘yon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa taping ng Don’t Lose The Money—ang pinakabagong game show ng GMA Network hosted by Tom Rodriguez—noong Martes, September 9.



BIRTHDAY BOY. Noong Lunes, September 8, ang 28th birthday ni Renz.

Dahil busy sa trabaho, hindi na raw siya nakapagplano na i-celebrate ito.

Kuwento niya, “May taping ako.

"Pag-uwi ko, nag-bonding kami ni Mama [Lorna Tolentino]. E, si Kuya [Ralph], nasa taping din.

"So, nag-bonding lang kami ni Mama. Magkatabi kami, ’tapos kuwentuhan kami. Nanood kami ng TV."

Dagdag niya, “Okey lang na hindi ako nagkaroon ng birthday party. Masaya ako na marami naman ang bumati sa akin.

“Kasama ko naman ang mama ko pagkagaling ko ng taping.

"So, okey na ’yon sa akin. Celebration na ’yon sa akin.

“’Tapos si Mama, binigyan ako ng pera bilang birthday gift, para ako na lang daw ang pumili kung ano ang gusto ko.”

Mayroon ba siyang birthday wish?

Sabi ni Renz, “Ang birthday wish ko, sana gumaling kaagad ang nanay ko sa pakiramdam niya.

“’Tapos yung kapatid ko, mataas din ang cholesterol niya at saka uric acid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sana maging okey rin ang kundisyon niya."



LORNA’S CONDITION. Three weeks ago, aksidenteng nadulas ang kanyang mommy, pero maayos na raw ang lagay nito sa ngayon.

Ayon kay Renz, “Ngayon, recovering na siya.

"Siguro mga one or two months, okey na siya ulit.

“Kasi naka-brace siya ngayon.

"Kasi na-injure ang kanyang spine… yung bandang ibaba ng likod niya.

“Nakakalakad naman siya.

"Thank God na hindi siya naoperahan. Hindi umabot na kakailanganing operahan ang likod niya

“Tulong-tulong kami sa pag-aalaga sa kanya.

"Feeling ko nga, puwede na akong pumasang nurse. Gumagaling na ako sa pag-aalaga!” tawa pa niya.

Patuloy ng Kapuso actor, “Kapag umaga, nilulutuan ko siya ng oatmeal.

“Ngayon, nagri-rehab siya. Nagpi-physical therapy, ganun.”

LOVELESS. Loveless pa rin daw hanggang ngayon si Renz at matagal na rin siyang walang girlfriend.

“Isang taon na nga yata, e! Trabaho lang muna ngayon.

“Pero ang dami kong crush, kaya lang, may mga boyfriend lahat, e!” tawa na naman niya.

Marami rin namang may crush sa kanya...

“Hindi ko nababalitaan yung mga ‘yan,” nakangiting reaksiyon ni Renz.

Sobrang pihikan yata siya sa pagpili ng bagong magiging girlfriend?

Sagot niya, “Hindi. Kaya lang, kung meron nga akong mga nagiging crush, may mga ano na, e.

“Hindi talaga nakatadhana, e.”

Wala bang inirereto ang kanyang mga kaibigan na maka-date o maligawan niya?

“Minsan, meron. Okey din naman.

“Pero pakiramdam ko kasi, hindi pa talaga dumarating yung tamang babae, e.

“And, sabi nga, hindi naman hinahanap ‘yan. Hinihintay lang.

“Sa ngayon, puro crush.

"Marami nga akong crush, kaya lang may mga boyfriend na nga sila, e.

"Like si Solenn [Heussaff], crush na crush ko.

"Si Marian [Rivera] na ikakasal na.

"Si Heart [Evangelista] din ikakasal na.

“E, sa ngayon, wala sa panliligaw ang interes ko. Focused muna sa trabaho,” sabi ni Renz.



BATANG YAGIT. Naikuwento rin ni Renz ang tungkol sa remake ng seryeng Yagit kung saan isa siya sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pulis ang character ko dito. Ito yung dating role ni Direk Rowell Santiago.

“Magiging close ako sa apat na batang yagit. Mag-i-intertwine yung mga destinies namin.”

Kumpara sa character niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko, kung saan naging ka-love triangle siya ni Aljur Abrenica kay Kris Bernal, mas kumportable raw si Renz na gampanan ang role niya ngayon sa Yagit.

“Dun kasi sa Prinsesa Ng Buhay Ko, mayaman ang role ko. So, lagi akong naka-suit.

“Ang init-init lagi. ‘Tapos lagi mong iisipin yung isusuot mo kung maganda ba at bagay sa ‘yo yung mga kulay.

“Dito sa Yagit, wala akong costume kundi yung police uniform. Hindi ganun kainit kapag isinuot.”

Marami na raw eksenang nakunan na kasama niya ang apat na baguhang child stars na bida sa nabanggit na teleserye.

“Okey sila. Actually, bagay na bagay sa kanila yung mga roles nila. Sumakto talaga sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN