Rocco Nacino defends girlfriend Lovi Poe against director Erik Matti’s Facebook rant

Rocco Nacino on being supportive boyfriend to Lovi Poe: “I told her to be strong. Sabi ko sa kanya, wala siyang kasalanan. She doesn’t have to feel bad about it. ’Di mo kailangan na matakot kasi everyone in the business knows what kind of person you are,’ sabi ko sa kanya. And she’s not like that para tumanggi. May rason talaga. May personal reason talaga."


Ang reaksiyon ni Rocco Nacino tungkol sa Facebook post ng direktor na si Erik Matti laban sa girlfriend ng aktor na si Lovi Poe ang itinanong sa kanya ng entertainment writers sa presscon ng Ibong Adarna, ang pelikulang pinagbibidahan niya at ipalalabas sa mga sinehan sa October 1.

Ginanap kaninang hapon, September 11, ang presscon ng Ibong Adarna.

Inaasahan na tungkol pa rin sa isyung ito ang itinanong kay Rocco sa presscon ngayong gabi, September 11, ng Hiram Na Alaala, ang bagong primetime drama series ng GMA Network na tinatampukan nila nina Dennis Trillo, Kris Bernal, at Lauren Young.

Malaki ang ipinayat ni Rocco nang humarap siya sa presscon ng Ibong Adarna dahil pinaghahandaan daw niya ang The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench, sa Mall of Asia Arena, sa September 19, at ang Jiu-jitsu tournament na sasalihan niya.

Ang Jiu-jitsu ang martial at combat sport ang sikreto ng mabilis na pagpayat ni Rocco.



IN DEFENSE OF LOVI. Agad na nakarating kay Rocco ang Facebook rant ni Direk Erik dahil nagkausap sila ni Lovi tungkol dito.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Kuwento ni Rocco, “Noong mismong araw, ako ang kinakausap niya noon.

“Of course, I was there para pakinggan siya.

“I’m not in the position to talk, but then medyo na-upset din ako sa nangyari.

“Sinasabihan ko siya ng mga dapat gawin.

“How she should feel about it… to take the higher road.

“Parang mag-usap sila ng manager niya kung paano nila iha-handle ‘yon.

“Siguro dapat mag-usap sila in person, in a closed-door meeting para magkaayos ang lahat.”

Dagdag ng Kapuso actor, “For sure, it’s a misunderstanding.

“We all know that Lovi is not like that.

“Mga cameos niya sa indie movies, ginagawa niya, e.

“Hindi dapat ganoon ang pag-atake sa isang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always a way to talk about the problem.

“Social media is not one of them kaya sana idaan sa pribadong usapan.”



HURTFUL LOVI. Sinabi rin ni Rocco na nasaktan si Lovi sa mga sinabi ni Direk Erik laban sa kanya.

“Na-hurt siya. Very hurtful naman yung mga words na nandoon.

“I told her to be strong. Sabi ko sa kanya, wala siyang kasalanan.

“She doesn’t have to feel bad about it.

“’Di mo kailangan na matakot kasi everyone in the business knows what kind of person you are,’ sabi ko sa kanya.

“And she’s not like that para tumanggi.

“May rason talaga. May personal reason talaga.

“They just have to talk, yun lang, pag-uusap lang talaga.”



SUPPORTIVE BOYFRIEND. Bilang boyfriend ni Lovi, ano ang naging reaksiyon ni Rocco sa masasakit na salitang binitawan ni Direk Erik laban sa girlfriend niya?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Una, nagalit din ako, but then wala ako sa posisyon para magalit o mangialam sa isyu.

“Ang puwede ko lang gawin ay makinig sa kanya [Lovi] at suportahan siya at bigyan siya ng advice.”

Gusto niya bang kausapin si Direk Erik kung saka-sakali?

Ayon kay Rocco, “Hindi ko pa siya nami-meet. Hindi ko pa siya nakakatrabaho.

“Ayokong dumating sa point na… ano naman, I won’t be the person na won’t work with him.

“Magiging open pa rin ako, mahaba ang pasensiya ko. May respeto pa rin dapat.

“But for sure, kapag nakita ko siya, kakausapin ko… kakausapin ko.

“But then, I won’t take things into my own hands.

“Usap na lalaki sa lalaki. We have to be mature about it.

“Kaya diyan ako nagpapasalamat sa Jiu-jitsu. Nakaka-humble talaga yung sport na ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN