Maricel Soriano overwhelmed by her experience doing Ang Dalawang Mrs. Real

Noong una raw ay nag-alangan pa ang Diamond Star na si Maricel Soriano na tanggapin ang role niya sa Ang Dalawang Mrs. Real, pero kalaunan ay pinilit daw niyang sakyan si Millet Gonzales sa ipinaglalaban nitong karapatan sa kanyang asawa at pamilya.


Sa susunod na linggo na ang finale week ng GMA primetime drama series na Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa kuwento, isang ulirang asawa si Maricel Soriano (bilang si Millet Gonzales) ni Dingdong Dantes (bilang si Anthony Real), na nagpakasal din kay Lovi Poe (bilang si Sheila Salazar).

Ayon kay Maricel, marami ang naka-relate sa kuwento ng kanilang teleserye na tumakbo sa ere ng mahigit tatlong buwan.

Pero ano sa palagay niya ang pinakamalaking aral na naibahagi ng kanilang programa sa mga manonood?

Tugon ni Maricel, “Alam niyo, usually they always ask us kung meron tayong makukuhang aral.

"Ang sa amin naman, ngayon iba, kayo ang makakapagsabi sa amin kung meron kayong aral na nakuha sa aming ibinigay na mensahe sa aming programa.

“Kasi po, usually dito, maraming nakaka-relate, amazingly.

"Ang mga babae, ‘Ganun pala dapat ang ginawa ko. Teka nga, balikan ko nga.’ May mga ganun, ‘di ba?

“Minsan naman, sabi nila, ‘A, tama yung ginawa niya, kasi mahal mo pa. Huwag ka nang mag-iipokrita, mahal mo pa.’ Yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Maricel sa pocket interview na inihanda para sa kanya ng GMA, kahapon, September 11, sa Wheatberry Café and Bakeshop, sa Quezon City.



THE UNEXPECTED ENDING. "Expect the unexpected" daw ang nalalapit na pagtatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Kumbaga, yung hindi inaasahang ending ang mapapanood sa pagwawakas ng teleserye.

Ayon pa sa production staff, isang “intelligent and mature ending” ang maaasahan ng mga tagasubaybay nito.

Bilang isa sa mga bida, ano ang hindi malilimutang eksena ni Maricel sa Ang Dalawang Mrs. Real?

Saad ng Diamond Star, “Alam mo, hindi eksena, kundi ang buong soap opera na ito ang hindi ko makakalimutan, dahil... iba, iba.

"Nahirapan ako kay Millet, nahirapan ako sa kanya honestly.

“Natakot nga ako nung una kasi, ’Dyusko, Mary, hindi ikaw ito!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos palagi kong sinasabi na, ‘Direk [Andoy Ranay], bantayan mo ako, ha, baka lumabas si Maria. Uulitin natin.’"

Bilang isa sa itinuturing na pangunahing dramatic actress sa bansa, sinabi ni Maricel na ang Ang Dalawang Mrs. Real ang kanyang kauna-unahang heavy drama role na ginawa sa telebisyon.

Saad niya, “Sa telebisyon, oo.

“Alam mo, proud na proud ako, kasi tingnan mo naman ang mga kasama ko dito.

"Salamat po sa mga ibinigay niyong oportunidad sa akin, GMA, maraming-maraming salamat.

"Sobra po akong masayang-masaya. Totoo po ‘yan.

"At sa mga fans salamat.”

Papalit sa Ang Dalawang Mrs. Real, simula sa September 22, ang Hiram Na Alaala, na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Kris Bernal, Lauren Young, at Rocco Nacino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN