Nikki Gil on Billy Crawford’s recent controversy: “I wasn’t raised to celebrate the misfortune of others.”

Paiwas ang pahayag ni Nikki Gil nang matanong tungkol sa isyung kinasangkutan kamakailan ng kanyang dating boyfriend na si Billy Crawford. “I respect the other parties, respetuhin na lang natin yun,” pakiusap ng singer-actress.


“Wonderful. Fabulous. It’s a very healthy friendship.”

Ito ang paglalarawan ni Nikki Gil nang matanong tungkol sa napapabalitang idini-date niya ngayong non-showbiz guy.

Dagdag pa ng Kapamilya actress-TV host, “I’m enjoying it because it’s a source of inspiration.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Nikki sa Mercedes-Benz C-Class launch nitong Huwebes, September 11.

Isa sa performers noong gabing iyon si Nikki.

Biniro rin si Nikki kung gaano niya ilalayo sa publiko ang susunod niyang magiging relasyon, lalo pa’t naging public ang matagal na relasyon nila noon ng dating boyfriend na si Billy Crawford.

“Not very far. In fact, not at all!” natatawang sagot ng dalaga.

BILLY CONTROVERSY. Speaking of Billy, inusisa rin ng press si Nikki kung ano ang masasabi niya tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang dating boyfriend.

Nitong weekend ay na-detain si Billy sa Taguig Police Headquarters matapos ang ginawa nitong pagwawala sa isang presinto.

Read: Billy Crawford charged with malicious mischief, disobedience to person in authority

Pahayag ni Nikki, “I was asked about it, which I don’t understand, because I’m not involved.

“But I wasn’t raised to celebrate the misfortune of others. That’s all I have to say.

“I respect the other parties, respetuhin na lang natin yun.”

UPCOMING PROJECTS.Samantala, abala ngayon si Nikki sa primetime series ng ABS-CBN na Hawak Kamay, kasama sina Piolo Pascual at Iza Calzado.

May iba pa ba siyang proyektong gagawin?

"I’m doing a movie, but I’m not sure if I can divulge the information yet. Abangan na lang natin."

Hindi raw muna siya gagawa ng theater plays at magpo-focus muna siya sa TV.

Ilan sa mga ginawang musical plays ni Nikki ay ang Legally Blonde: The Musical, Sweet Charity, They’re Playing Our Song, at The Last 5 Years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ba niyang ipagpalit ang passion niya sa stage plays para sa TV projects?

Sagot ni Nikki, “I think it has more to do with the audience than it being my choice.

"As long as gusto nila and there’s room for it, [I’ll continue]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN