James Yap welcomes babysitting job assigned by Kris Aquino for their son Bimby

To worried fans of James Yap, his back problem is minor, and according to him, it just needs tweaking. Is he up for international competition? “Kung healthy tayo, ang importante naman diyan yung health din. Kung okay, tingnan natin.”


Si James Yap ang napagkatiwalaan ni Kris Aquino na magbantay paminsan-minsan sa anak nilang si Bimby sa shooting nito ng pelikulang Praybeyt Benjamin 2 kasama si Vice Ganda.

Sinabi ni Kris sa story conference noon ng Feng Shui 2, hindi niya palaging masasamahan ang anak dahil may araw na magsasabay ang shooting ng pelikula niya at ng Praybeyt Benjamin 2.

Kaya inihabilin niya kay James ang pagbabantay sa kanilang anak.

Parehong entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Feng Shui 2 at Praybeyt Benjamin 2.

Kung noong nakaraang taon ay magkasama ang mag-ina sa pelikulang My Little Bossings, ngayon ay magtatapat na ang kanilang mga pelikula sa takilya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay James noong Miyerkules, September 10, sa launch ng Shot Magazine, kung saan nasa cover ang basketbolista.

Dito ay nagpahayag si James ng excitement na masamahan si Bimby sa shooting nito, lalo’t panibagong bonding nila itong mag-ama.

“Ako, anytime, masaya ‘yan saka excited ako. Willing na willing ako talaga.

"Tatanungin ko siya [Kris] kung kailan shoot ni Bimby.

"First time ko na magbabantay sa ganito."

GETTING COZY. Habang nagiging mas malapit sa isa’t isa ang mag-ama, gumaganda rin daw ang relasyon ng Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola kay Bimby.

Kuwento ng PBA player, “Okay naman, magkikita kami this coming Friday.

"’Pag kasama ko ang anak ko, kaming dalawa, nag-e-enjoy talaga... bonding.

"Pinagpe-pray ko lagi na maging okay ang lahat, sana tuluy-tuloy na."

Nag-request pa nga raw ang anak na ipagluto ito ni Michaela ng carbonara.

"Sabi ko, ’I’ll tell Tita Mic.’

"So, sabi ko sa kanya [Michela], ’Patay ka, bahala ka diyan!’

"Siyempre, pressure sa kanya, may food tasting nga kami."

NEW HOME, HEALTH ISSUE. Kagagaling lamang nina James at Michela mula sa mahigit isang buwan nilang bakasyon sa Italy, kung saan ipinanganak at lumaki si Michaela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni James, “Kain lang kami doon, pasyal... ang taba nga namin!

"Mayroon kaming pasalubong kay Bimby at kay Josh.

"Kung anuman yun, secret na lang.”

Nabalita noon na naghahanap na ng bahay si James at kasunod nito ang balitang may balak na raw silang pakasal ng kasintahan.

Paglilinaw naman niya, “Wala, wala pa.

"Basta ini-enjoy lang namin, nag-e-enjoy lang kami."

Bago nagbakasyon sa Italy ay sinabi ni James na isasabay na niya sa kanilang bakasyon ang pagpapatingin ng kanyang likod.

Kumusta na ang likod niya?

"Wala naman ito, okay naman.

"Tiningnan lang, may kaunting ginawa.

"Nag-i-spasm lang talaga, wala namang major problem.

"Kailangan maintenance," sabi niya.



GILAS. Samantala, nanood din daw si James ng laban ng Gilas Pilipinas kontra Croatia sa Spain.

"Nandun din ako, live, nakita ko.

"Talagang nakaka-inspire sila dahil ginawa nila ang best nila para maging proud tayo sa kanila.

"Although ’di man tayo pinalad na manalo, nakita natin na lumaban talaga sila.

"Walang ini-expect na ganun kadikit ang laban.

"Laging iniisip nila na matatambakan tayo, pero talagang lumaban sila.

"Nung nanonood ako, talagang kinikilabutan ako.

"Lahat ng mga kababayan natin, nandun para suportahan sila."

Marami lang ang nagtatanong kung bakit hindi nakasama sa koponan si James, gayong isa siya sa pinakamagaling na manlalaro ng bansa.

Paliwanag niya, “Kasi nung time na yun, nagkaroon ng injury yung likod ko.

"Naisip ko na-experience ko naman, nakapag-RP naman ako before, bakit ’di natin bigyan ng chance yung iba?

"Kaya nagpapagaling muna ako."

Dagdag niya, “Wala namang pagsisisi.

"Proud na proud ako sa mga players natin… world class na sila.

"Sobra akong proud.

"Kinakabahan din ako, iba pala yung feeling."

Sa mga susunod na laban ay sasama na raw siya, basta wala lang siyang maging problema sa kanyang kalusugan.

“Kung healthy tayo, ang importante naman diyan yung health din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung okay, tingnan natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN