Jake Cuenca on his last Bench fashion show appearance: “I’m gonna make this count. This is gonna be one that people won’t forget.”

Gusto ni Jake Cuenca na makapagbigay ng magandang acting sa lahat ng kanyang proyekto kaya nagdesisyon siyang kumuha ng isang buwang acting workshop sa New York. Aalis ng bansa si Jake sa September 29.


Pansamantalang aalis ng bansa si Jake Cuenca para sa isang buwan na method acting workshop sa New York.

Saad ng 26-year-old Kapamilya actor, “I just wanted to widen my perspective when it comes to acting. I want to keep on mastering my craft.”

Bago pa magsimula noon si Jake sa taping ng teleseryeng Ikaw Lamang, sumabak na siya sa acting workshop na pinangasiwaan ni Ivana Chubbuck, isang kilalang acting coach and author na nag-train sa Academy award-winning actors na sina Halle Berry at Charlize Theron.

Nai-apply raw ni Jake ang kanyang mga natutunan sa naturang workshop, at dahil dito ay marami ang pumuri sa kanyang acting sa Ikaw Lamang bilang kontrabidang si Franco.

Bunsod nito, mas naengganyo siyang paghusayan pa lalo ang kanyang pag-arte kaya sinubukan niyang mag-apply sa Lee Strasberg Theatre and Film Institute.

Sa kabutihang-palad ay nakapasa naman siya.

Sa pamamagitan ng Skype, na-interview si Jake ng mga namamahala ng prestihiyosong acting school.

Kilalang sa mga produkto rito ang sikat na Hollywood celebrities na sina Sean Penn, Angelina Jolie, Scarlett Johansson, at Claire Danes; at ang acting legends na sina James Dean, Marlon Brando, at Robert De Niro.

Ang nagbigay raw ng idea kay Jake na doon mag-aral ng acting ay ang dati niyang co-star sa Ikaw Lamang na si Cherie Gil.

Sabi pa ni Jake, “I’m going there ano... ’tulad ng sinabi ko na magandang experience for me not, just an actor but as a person.

"Because I’m gonna go there parang newbie, parang baguhan.

"And wala naman akong… no one knows me there, so I’m gonna have to be… start from scratch."

Ano ba ang gusto niyang ma-achieve in the future dahil parang napakalawak ng gusto niyang mangyari pagdating sa kanyang acting skills?

Tugon niya, “I wanna continue mastering my craft. I wanna perfect my craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, I have this obsession with always improving myself when it comes to acting.

"Kasi mahal na mahal ko ang pag-arte.

“And the industry has been so good to me.

"And I feel as if I owe it to my audience, directors, my co-actors, to give them original performance, something they have never seen before.

"Yun ang gusto kong gawin pagbalik ko dito from New York—to give everyone a new performance that they have never seen before."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Jake kaninang tanghali, September 12, sa Chronicle Room ng 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS-CBN, Quezon City.



THE NAKED JAKE. Pero bago siya lumipad patungong Amerika, mag-iiwan muna ng marka si Jake sa mga manonood ng The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench, na gaganapin sa September 19.

Isa si Jake sa may pasabog na eksena tuwing rumarampa siya sa Bench fashion show.

Ngayong taon na raw ang huling pagrampa niya sa Bench fashion show.

Ano ang ipapakita niya sa pagkakataong ito?

Aniya, “’Tulad ng sinabi ko kanina, I’m gonna put on a show.

"I’m gonna make this one count because this is my last.

“Pero siyempre, I’m gonna leave the theatrics sa mga new ones this year.

"So, for me lang, expect the unexpected with me, but I’m gonna make this count.

“This is gonna be one that people won’t forget.”

Bakit niya sinasabing "last" na?

Paliwanag ni Jake, “I’ve done everything na, e.

“I was thinking na, ’Ano pa gagawin ko?’

"‘Di ba nga, like I said, I’m evolving.

"For me, isasabay ko lang whatever I achieved in Ikaw Lamang, I wanna focus more on my acting.

"And this is why I’m going to school."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN