Marian Rivera on being Primetime Queen: “Ito ay salita lamang, title lang, ang importante yung ginagawa mo."

Marian Rivera is all set for the second season of her dance show Marian. There will be changes such as more exposure for Christian Bautista as co-host, and Mark Reyes will take over as the show’s director after Louie Ignacio.


Unti-unti nang nabubuo ang mga plano nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa pagpapakasal nila.

Ang honeymoon na lang nila ang hindi pa nila maplano sa ngayon.

Ayon kay Marian, “Actually ito yung pinaka-hindi namin naiisip na dalawa.

"Kasi every year kasi nagta-travel kaming dalawa, e.

“Kasi naman lahat ng gusto naming puntahan, winter! Hindi ka makakagala.”

Bakit, honeymoon naman nila iyon ni Dingdong?

“E gusto ko gala," at tumawa si Marian.

May nag-suggest na sa Australia sila mag-honeymoon dahil summer doon sa panahon ng plano nilang mag-honeymoon.

“O sige iko-consider ko ’yan. May nagsabi nga sa amin, Hawaii.

"Okey daw yung weather doon. Sige tingnan natin.”

Isang buwan daw ang honeymoon nila, ayon sa isang panayam kay Dingdong.

“One month? One month lang?!” at tumawa ang aktres.

“Ang alam ko nga walang one month, e.

"Kasi kailangan kong bumalik, kailangan din niyang bumalik."

Two weeks nga lang daw, ang balitang nakarating sa amin. Bitin yata para sa honeymoon?

"Okey lang po yun, palagi naman kaming nagta-travel.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa GMA Network Center sa pocket presscon para sa Marian dance show ng Kapuso Primetime Queen noong Miyerkules, September 10.



CELEBRITY SHOWDOWN. Ang Marian naman ay magkakaroon daw ng celebrity dance showdown. Ilan sa mga pangalang nabanggit ni Marian na posibleng maglaban ay ang mga produkto ng Starstruck Season 1.

Ito ay sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, ang Ultimate Female and Male Survivors, Yasmien Kurdi at Rainier Castillo na First Princess at Prince naman.

“For example ang tema ko hip-hop, iyon ang paglalabanan nila.

"Maghi-hiphop sila, magiging contest na siya,” paglinaw ng aktres.

Ngayong Sabado ang pagtatapos ng first season ng Marian at sa susunod na Sabado ang ikalawang season nito. Kung si Marian ang tatanungin, sino ang nais niyang maka-showdown sa show niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maka-showdown? Hmmm…

“Siguro yung mga kaibigan ko, like Roxanne Barcelo.

“May album siya pero alam mo yun, hindi alam ng tao na sobrang galing niyang sumayaw, napaka-talented.

“Si Anna Feleo din na akala n’yo gaganun-ganun lang, opera singer yun.

"Kasama ko ring mag-Zumba yun, magaling ding gumiling!”

Si Dingdong daw ay malamang na magkaroon ng dance number sa Marian Season 2.

SHOW CHANGES. Sa mga co-hosts niya ay malamang na si Christian Bautista ang madalas na makakasama ni Marian kaysa kay Paolo Ballesteros na isa rin sa mga co-hosts ng show.

“Si Paolo kasi nag-i-Eat Bulaga siya, makukunan namin siya every time matapos ang Eat Bulaga.

"’Tapos siyempre may mga raket pa siya, so, hindi ko alam paano siya gagawin.

“Pero more on Christian na muna yata kami, kung meron mang karelyebo.”

Samantala, papalitan na ang direktor ng Marian. Hindi na si Louie Ignacio na humawak nito nang nagsimula itong umere sa GMA.

“Mag-iiba kami, si ano naman, si Direk Mark Reyes naman.

“’Tapos sa Season 3, baka iba uli para iba-iba yung nakikita ng mga tao.”

Wala raw intriga sa pagkakapalit ni Direk Louie bilang direktor ng Marian.

“Hindi, wala. Magka-text kaming dalawa, kaka-text ko lang sa kanya.

“Kasi natuwa ako sa kanya, kung wala man siya dito sa Marian, siya mismo ang nag-text sa akin, ‘Yan, kahit ano mangyari, maka-Marian pa rin ako!’

“So wala kaming problema, sabi ko nga minsan dalaw siya sa set o ano.”

Parte raw talaga ng programming ng Marian ang pagpapalit ng direktor.

“Ganun talaga, para iba-iba po yung nangyayari.”

Tiyak daw na sa last episode ng Marian na si Direk Louie ang direktor niya ay balde-balde ang luha nila, ayon pa kay Marian.

QUEENLY. Inamin naman ni Marian na nami-miss na niya ang gumawa ng soap opera pero hindi raw niya kaya sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Next year, malay natin?”

May nagtanong naman kay Marian, since ikakasal na siya at kapag nabuntis siya, may pagpapasahan na ba siya ng korona niya bilang Primetime Queen?

“Alam nyo po, ’eto lang po yan, ha...

“Pag sinasabing ako ang Primetime Queen... kasi ang title na ’yan ay ibinigay sa akin ng GMA, hindi ko po hiningi.

“Malamang po pinaghirapan ko po ’yan, nakita nila kung ano ang potensyal o kung gaano ko kamahal yung trabaho ko.

“Ito ay salita lamang, title lang, ang importante yung ginagawa mo.

"Mahal mo yung trabaho mo, dun sa trabaho mo maraming nagmamahal sa iyo.

“Iyon ang importante.”

Hindi kaya ang maaaring pumalit sa kanya in the future bilang Primetime Queen ay ang magiging anak niya?

“Anak ko? Ay, dyusko! Harinawa,” at tumawa si Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN