Sarah Lahbati relieved that her life has quieted down; jokes, “I might surprise you again.”

Back in front of the cameras again, Sarah Lahbati is somewhat overwhelmed, “I’m super busy. I can’t imagine if I have a [another] show. It’s gonna be crazier, but of course, I’m so blessed to be working again.”


“I’m very good, I’m happy and there are so many things going on,” positibong sagot ni Sarah Lahbati nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng YES! Magazine sa isang event na ginanap nitong September 11, Huwebes.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress, “I’m very blessed. I’m doing a movie and just balancing life and personal life and my work.

"I’ve been busy with work and Zion,” aniya, pagtukoy sa anak nila ni Richard Gutierrez.

Naganap ang panayam sa aktes sa Bench Tower sa The Fort para sa kauna-unahang Bench Fix Hair Competition, na partnership ng Bench Fix at Majirel by L’Oreal Professionnel na iniendorso ni Sarah.



QUIET LIFE. Tinanong ng PEP si Sarah kung sang-ayon ba siya na marahil ito na ang pinakatahimik na estado ng kanyang buhay ngayon, matapos ang mga kabi-kabilang kontrobersiya at intriga na pinagdaanan niya noon.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan si Sarah sa talent arm ng GMA, ang GMA Artist Center, noong nakaraang taon nang akusahan niya ang Artist Center na siyang nagma-manage ng kanyang career noon ng “under the table deals.”

Read: Sarah Lahbati accuses GMA Artist Center of "under the table" deals with talent-management group ICONS

Nauwi pa sa demandahan ang dalawang kampo sa nasabing isyu.

Pabirong bungad ni Sarah sa tanong na tahimik na ang buhay niya ngayon: “I might surprise you again.”

“It’s been peaceful, I guess. I’m just enjoying my life with Zion.

"He’s such a happy and healthy baby, and growing up super-fast.

"So I’m trying to balance my personal life and work-life and it’s been peaceful, so far.”

Kinumpirma rin ni Sarah na babalik ang reality TV show ng pamilya Gutierrez, ang It Takes Gutz To Be a Gutierrez, sa October 5.

OTHER PROJECTS. Kwento pa ng StarStruck V alumnae tungkol sa kanyang upcoming film project: “I’m doing a horror movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The producer is APT Productions and the director is the amazing Richard Somes.”

Makakasama raw niya sa pelikula sina Bea Binene at Jake Vargas.

Inaasahang ipapalabas ang proyekto sa January 2015.

Inusisa rin siya ng PEP kung ano ang susunod niyang television project.

Ang pinakahuling acting project na ginawa ng aktres sa telebisyon ay ang More Than Words sa TV5, kung saan nakasama niya si Alice Dixson.

“Right now I’m doing Sunday All Stars (SAS) every Sunday and the last acting project I did was with TV5.

“I’m happy and content and waiting for a show but I’m not naman rushing,” pahayag niya.

“I’m super busy. I can’t imagine if I have a [another] show. It’s gonna be crazier, but of course, I’m so blessed to be working again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN