Richard Gomez no regrets about missing out on chance to host Kapuso game show: “We should be happy for other artists na nabibigyan ng opportunity.”

Richard Gomez narrates that he was offered to host the Kapuso game show Don’t Lose the Money before it was given to Tom Rodriguez: “In-offer din sa akin yung game show na iyon. Sa akin unang in-offer yun bago ibinigay kay Tom. Hindi ko naman tinanggihan yun. Medyo na-delay yung airing ng Quiet Please! kaya nag-overlap yung schedules, kaya hindi ko na magawa yung sa kabila.”


Confident daw si Richard Gomez sa hinu-host niyang game show sa TV5, ang Quiet Please! Bawal Ang Maingay.

Kaya naman wala raw dahilan para mabahala si Goma (palayaw ni Richard) sa pagsulpot ng bagong game show ng GMA-7, ang Don’t Lose the Money, na ihu-host ni Tom Rodriguez.

Pag-amin pa niya, nauna raw in-offer sa kanya ang nasabing Kapuso game show.

Sabi ni Richard, “In-offer din sa akin yung game show na iyon.

“Sa akin unang in-offer yun bago ibinigay kay Tom. Hindi ko naman tinanggihan yun. Ang sabi ko ’pag matapos na kami dito sa game show [sa TV5] and then ready na sila, gagawin ko yun.

“Medyo na-delay yung airing ng Quiet Please! kaya nag-overlap yung schedules, kaya hindi ko na magawa yung sa kabila. We should be happy for other artists na nabibigyan ng opportunity.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa press visit sa set ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay kahapon, Setyembre 12, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

Nag-e-enjoy si Goma sa paghu-host ng Quiet Please! “Gusto ko talaga ng game show, e. Basta gusto ko ng masaya na show.”

Happy rin si Goma sa magagandang feedback na natatanggap ng Quiet Please!

Pahayag niya, “Natutuwa yung mga tao kasi yung games hindi complicated at saka yung concept niya.

“At saka yung mga ginagamit namin talagang mga regular household items lang, kaya madaling sakyan, madaling intindihin.

“I think dapat ganun talaga ang game show, e. At saka doon mo mare-realize na kahit ginagawa mo siya on a regular basis pero ’pag may set up nang mic, maingay pala, ’no?”

K BROSAS AS CO-HOST. Isa pa sa ine-enjoy ni Goma sa show ay ang click na tandem nila ng kanyang co-host na si K Brosas.

Lahad pa ni Richard, “Give and take lang. Ang importante naman diyan hindi mo sasapawan yung isa, e. Kunwari kapag bumabanat si K, dapat suportahan mo lang siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puring-puri nga ni K si Goma na kahit nakilala bilang serious dramatic actor ay may comic side ding ipinapakita sa kanilang show.

Sabi pa ni K hanggang ngayon daw ay napanatili pa ni Goma ang pagiging heartthrob ng aktor. Ano ba ang sikreto niya?

“Wala, you just have to live well and be happy. Kailangan positive lang lagi yung outlook mo sa buhay,” sagot ni Richard.

LUCY TORRES AS GUEST? Kung sakali, mapapapayag kaya ni Richard ang asawa niyang si Lucy Torres na maglaro sa Quiet Please?

“Naku, ’pag sasabihin ko sa kanya na sali ka sa Quiet Please!, ’Sayaw ka sa dance show ko,’ sasabihin niya.

“Actually, inimbita nga nila ako doon sa show niya dati na Celebrity Dance Battle kaso yung pagsayaw talaga ang stage fright ko, e,” pag-amin ni Goma.

Kahit daw nagawa na niyang sumayaw noon sa variety shows, hangga’t maaari ay ayaw talaga niyang sumayaw.

“Pero hindi n’yo alam kung gaano yung kaba ko noon. Nakakalimutan ko yung dance steps talaga. ’Pag dancing, huwag na. Pakantahin mo na lang ako, anytime kakanta ako,” diin niya.

Nag-guest na sa Quiet Please! ang ilan sa kanyang mga kaibigan gaya nina Joey Marquez, Anjo Yllana, at Wendell Ramos.

Sino pa ba ang gusto niyang mag-guest sa show?

Kuwento pa ni Richard, “Kasi gumagawa sila ng lineup ng mga posibleng mga artista. E, ang gusto ko siyempreng mag-guest dito, sina John [Estrada]. Siguro one day papayag din ang ABS-CBN.”

Mapapanood ang Quiet Please! Bawal Ang Maingay tuwing Linggo, 8pm sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN