Jeric Gonzales admits crush on Jasmine Curtis Smith while shooting Dementia

Natutuwa si Jeric Gonzales na makakasama niyang muli ang Dementia co-star niyang si Jasmine Curtis Smith sa pagpo-promote ng kanilang pelikula. Nagka-crush kasi siya sa dalagang aktres ngunit wala naman siyang magawa dahil may boyfriend na ito.


Masiglang humarap sa press si Jeric Gonzales sa grand launching ng Strawberry Lane, ang bagong GMA-7 primetime drama series na magpi-premiere telecast sa Lunes, September 15.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media last Tuesday, September 9, sa Imperial Palace Hotel, sa Timog Ave., Quezon City.

Ang interview ng PEP with Jeric came after the presscon proper, kung saan binanggit muna ng young actor ang ilang bagay tungkol sa participation niya sa youth-oriented drama series.

"Mabait ang character ko dito [sa Strawberry Lane], pero medyo torpe, kasi yung looks niya hindi gano’ng kaayos," bungad ni Jeric.

Bilang si Georgie Bustamante ang ginagampanan ng aktor.

"Hindi siya marunong pumorma, pero may nagugustuhan; na gusto niyang ligawan," ani Jeric.

Makaka-triangle nga ba ni Jeric sa serye sina Rita de Guzman at Kim Rodriguez?

"Hindi, e," salungat niya.

"Medyo complicated...

"At first kasi, kay Rita ako magkakagusto, then later on, habang tinutulungan ako ni Kim Rodriguez, magkakagusto ako sa kanya."

Ano ang kuneksiyon ni Georgie (Jeric’s character) kina Bea Binene at Jake Vargas, ang main loveteam ng series?

"Ah, sa ngayon, wala pa... pero, at some point, magkikita-kita kami sa ’Strawberry Lane’," ani Jeric tungkol sa common place kunsaan magge-get together ang maraming young cast ng drama series.

READY FOR COSMO BACHELOR’S BASH. Inamin naman ni Jeric na kinailangan niyang magpapayat para sa lalahukang Cosmopolitan Bachelor’s Bash, on September 24.

"Sa 24 [September] na ito, sa World Trade Center [Pasay City]," banggit ni Jeric.

"It’s a fashion show. Rampa. Kung meron sa magazine, ito naman yung live.

"Sobra kong pinaghahandaan," wika pa ng young actor, who was the big winner of 2012’s Protege: The Battle for the Big Artista Break of GMA-7.

Bukod sa nasabing fashion show, regular din ang out-of-town shows ni Jeric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga regional shows, usually kapag may Kapuso night, ipinapadala kami ng GMA,’’ sabi niya.

Sa Cosmo Bash, rarampa ba si Jeric in his underwear?

"Topless lang," ngiti niyang banggit.

Ibig sabihin, with his pants on, pero magpapakita siya ng dibdib at abs.

"Yun lang muna siguro, kasi first time ko pa lang naman," sambit pa niya.

MORE BLESSINGS. Sa kanyang career, patuloy naman daw ang blessings na dumarating sa 22-year-old actor (John Eric Salvanera Gonzales in real life).

"Oo, more blessings!" nakangiting sambit ni Jeric.

"Lalo ngayong September, kasi magsu-showing na ang Dementia. Kaya blessing talaga ito."

Ang nasabing pelikula ay ang horror movie na kung saan bida ang Superstar na si Nora Aunor.

This year, na-introduce sa movies si Jeric, sa Hustisya (a Cinemalaya Filmfest entry), na si Nora rin ang bidang aktres; sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pangalawang introductory role ni Jeric ang sa Dementia, na idinirek ni Perci Intalan, his debut film.

"Magpi-premiere night ito [Dementia] sa September 21," excited pang banggit ni Jeric.

GOOD FRIENDS WITH JASMINE. Lalong excited si Jeric na ang kasama niyang young actress sa Dementia, si Jasmine Curtis Smith, ay makakasama niya sa pagpu-promote ng movie.

"Magpu-promote kami, sa mall shows," nangiti uli ang young actor.

"Actually, hindi naman kami loveteam ni Jas dito; parang friends lang [ang characters namin], e.

Sa Dementia, Jasmine plays Rachel, Nora’s niece na nag-alaga sa kanya sa Batanes island, their hometown, while Jeric is Vincent, an Ivatan native na naging kaibigan ng mag-tiya.

Aminado rin si Jeric na nagka-crush siya kay Jasmine, habang ginagawa nila ang Dementia at naging maganda ang simula ng pagkakakilala at pagiging friends nila.

Pero hindi masalita si Jeric; idinadaan niya sa mga ngiti ang pagkagiliw niya sa dalagang aktres ng TV5.

At natapos ang closeness nila (kung masasabi mang closeness yun) nang magtapos ang shoot, sa Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At the time na nagkaroon naman ng issue between Jasmine’s sister, Anne Curtis, and Jas’s actor-boyfriend, Sam Concepcion.

Read: PEP SCOOP: Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: "You’re not even classy enough to be here!"

Jeric recalled he was still at the location when Sam visited Jasmine.

PEP asked Jeric kung ano ang naramdaman niya sa pagkakataong iyon.

"Wala naman," aniya.

"Kasi ipinakilala naman siya [si Sam] sa akin. Bumati naman sa akin si Sam."

Otherwise, sila raw ni Jasmine ay hindi na nagkaroon ng communication simula nang matapos ang shooting nila at umuwi nang Manila si Jeric.

"Wala, wala," saad niya.

As for Rita and Kim na kanyang supposed love interests in Strawberry Lane, wala pa rin daw komunikasyon sa kanila, dahil hindi pa sila nagte-taping.

Kaya walang lovelife na mababanggit si Jeric, sa puntong ito.

"Wala," nangiti uli siya.

"Oo, loveless ako...

"Meron lang mga ka-textmates, na friends... gano’n lang. Friends. Good friends..."

VIEWS ABOUT SERIOUS ACTING. Importante sa ngayon kay Jeric Gonzales ang mapaghusay pa niya ang kanyang talento sa pag-arte.

In fact, sumailalim siya kamakailan sa isang extensive acting workshop bilang pagtugon sa hinihingi sa kanya ng kanyang home studio.

"Marami akong na-realize, lalo na yung [tungkol sa] professionalism sa work," Jeric shared.

"Yung pag-arte, may mga proseso ’yan, na hindi lang [basta] umarte ka.

"[Rather], yung buhay mo yun, yung experiences, na maire-relate mo sa pag-arte mo.

"Then, doon na pumapasok yung heart, na sinasabi, ’pag nai-relate mo na yung buhay mo [sa character na gagampanan mo], para maging mas totoo."

Nai-apply na ba ni Jeric ang natutunang yon, sa kanyang pinakahuling mga pagganap?

"Oo, nai-apply ko na," sambit niya.

"Sa mga nakasama ko na—sina Nanay Guy [Nora Aunor], si Tita Bing [Loyzaga, gumanap na nanay ni Jasmine sa Dementia], nakikita ko sa kanila kung paano sila mag-work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda yung bonding namin [sa set]. Kaya, ’ayun, in-adapt ko," lahad pa ni Jeric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN