Rita de Guzman relishes kontrabida role in Strawberry Lane: “Todong tarayan na ito. Masaktan na ang masaktan!”

Rita de Guzman doesn’t mind being typecast in kontrabida roles: “Na-realize ko kasi na iilan lang kaming mga nagkokontrabida, lalo na po sa age ko. ’Tsaka nae-enjoy ko na ngayon. Before kasi, medyo pigil pa po ako. Ngayon nga, full force na.“


Hindi na raw mapipigilan si Rita de Guzman sa pagtodo ng kanyang pagiging kontrabida sa bagong primetime series ng GMA-7 na Strawberry Lane.

Sa ginanap na press launch nga para sa naturang teleserye last September 16 sa Imperial Palace Hotel in Quezon City, si Rita ang nag-iisang kontrabida sa apat na bida ng Strawberry Lane na sina Bea Binene, Joyce Ching, Joanna Marie Tan, at Kim Rodriguez.

Malaking pressure daw ito para sa young singer-actress dahil kailangan daw niyang panindigan ang kanyang character lalo na ang name pa niya sa teleserye ay Lavinia na pangalan ni Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning.

“Full force na po itong pagkokontrabida ko. As in, todong tarayan na ito. Masaktan na ang masaktan!” malakas na tawa pa ni Rita.

“Kinatutuwa ko naman na ako ang lone villainess dito sa Strawberry Lane. ’Tapos apat pa silang papakitaan ko ng kamalditahan ko. So ang saya-saya, ‘di ba?

“Pero sa una, hinay-hinay po muna. Sa bandang kalagitnaan na lalabas talaga ang pagiging super kontrabida ni Lavinia!”

KONTRABIDA TAG. Ilang beses na ngang nagkontrabida si Rita at inamin niyang hindi niya feel noong una. Pero ngayon ay super like na raw niya ito.

Naging kontrabida na siya kay Bea Binene sa Pahiram Ng Isang Ina at Alice Bungisngis; kay Kris Bernal sa The Last Prince; kay Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin; kay Barbie Forteza sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa; at kay Janine Gutierrez sa Villa Quintana.

“Na-realize ko kasi na iilan lang kaming mga nagkokontrabida, lalo na po sa age ko.

“Yung mga dating kontrabida, medyo iba na po ang ginagawa nila like sila Ms. Gladys Reyes at Ms. Jean Garcia, they are into TV hosting now.

“Si Ms. Glaiza de Castro, mababait na ang mga nagiging roles niya.

“So kailangan galingan ko na ito kasi effective naman daw po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka nae-enjoy ko na ngayon. Before kasi, medyo pigil pa po ako. Ngayon nga, full force na.

“Kung sa pagiging kontrabida po ako makikilala nang husto ng marami, then huhusayan ko na po.

“Wala nang makakapigil pa sa pagtataray ko sa Strawberry Lane!” natatawang pagbabanta pa ni Rita.

Pero nasa pangarap pa rin naman ni Rita ang maging bida balang-araw. Makilala man siyang kontrabida, nais din naman niyang maging bida rin.

“Siyempre gusto ko rin naman na ako yung aapihin balang-araw. Yung ako naman ang tatarayan.

“Gusto ko yung tulad ng nangyari kay Ms. Glaiza de Castro. Nagsimula siya as kontrabida po, ‘di ba? Pero pinagbida siya sa Grazilda. Na naging okey naman po.

“Ngayon, bihira na siyang magkontrabida kasi lagi po siyang leading lady.

“Sana mangyari din ang gano’n sa akin,” diin niya.

SEXIER IMAGE. Nagbabago na rin ng kanyang image si Rita ngayon. Nakakapagsuot na ito ng mga sexy na damit kunsaan kita na ang mga kurba ng kanyang katawan.

“Noong mag-18 po ako last year, kailangan may change of image na.

“Ni-reinvent namin ng manager ko [Ms. Ana Puno] ang image ko since young kontrabida ako.

“’Tapos may album din po ako na lalabas before the year ends. Medyo edgy and sexy yung mga songs na ni-record ko.

“First album ko po ito after nine years since manalo ako sa Popstar Kids in 2005.

“Matagal ko na pong dream to have a solo album at matutupad na nga ito this year.

“Kaya I am hoping na magustuhan nila kapag ni-launch na ito.”

MISS SAIGON HEARTBREAK. Isa si Rita sa sumubok noon na mag-audition para sa Miss Saigon.

Nakapasa nga siya sa first round of auditions, pero hindi na raw siya nakatanggap ng second call back.

Kuwento niya, “Iniyakan ko po ’yon.

“Kasi dream ko ang makagawa ng musical—yung internationally-acclaimed musical na tulad ng Miss Saigon. Dito kasi sa atin, nakalabas na ako sa ilang mga musical stage plays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nagkaroon ako ng call back after my first audition, natuwa ako kasi po parang first step na iyon. Pero noong hindi na ako na-call back for the second time, doon na ako nalungkot.

“I knew na it was a tough competition during the auditions. Marami talaga kaming hoping makapasa sa unang round pa lang.

“I was lucky enough na ma-call back after the first round. Siguro nga po it wasn’t meant for me. The role of Kim was meant for somebody else.

“Hindi lang naman po kasi dito sa Pilipinas sila naghanap kundi sa iba’t ibang bansa pa. Kaya super lucky talaga yung mapipili at mabigyan ng role sa Miss Saigon.”

Masaya nga si Rita sa success na inaani ngayon ni Rachelle Ann Go ngayon sa London playing Gigi in Miss Saigon.

“Lahat naman tayong Pinoy ay proud for Ms. Rachelle. Nakasama ko na siya ilang beses sa Sunday All Stars. She deserves all the praises kasi magaling po talaga siya.

“Someday, gusto ko pong maabot ang tulad nang narating ni Ms. Rachelle. Hindi lang siya mahusay na singer dito sa ating bansa pero kilala na siyang mahusay na stage performer sa ibang bansa,” pagtatapos pa ni Rita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN