Melissa Ricks says no wedding plans yet with father of her baby Charles Togezaki

Melissa Ricks says she and boyfriend Charles Togezaki have talked about marriage but are not planning to do it soon... “Napag-usapan na namin, pero wala pang official, siyempre malaking gastos din yun. Saka kailangan din niya mag-propose muna. Siyempre, ‘di ba?"


Aminado si Melissa Ricks na kabado siya nang sa unang pagkakataon ay makikita silang magkasama ng lalaking nakabuntis sa kanya na si Charles Togezaki.

Nangyari ito nung 8th Star Magic Ball.

“First time ako makitang public na malaki na yung tiyan ko at kasama ko yung boyfriend ko. It’s something big, kinakabahan ako! Hindi sana ako pupunta, pero last minute, I decided to go.

“Pinipilit ako ni Bianca Manalo na pumunta kasi minsan lang naman daw ito mangyayari. Pero nag-enjoy naman ako sa ball.

“Very thankful ako na wala akong naging haters, kasi yun ang kinatatakot ko, e. Kaya tingnan n’yo tinago ko muna nang matagal. Nakita ko naman na everyone is very supportive and they are happy for me, kahit sa Instagram, sa Twitter, wala ‘kong nakita na bad comments, so very thankful ako at very blessed ako na marami ang nagpe-pray para sa akin,” kuwento ni Melissa nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP si Melissa kahapon, September 12 sa FAB Bazaar sa Metrotent Metrowalk, Ortigas Center, Pasig City. Ang FAB Bazaar ang pinagkakaabalahan ngayon ni Melissa at negosyong sinimulan niya kasama ang aktres na si Ara Mina at non-showbiz friend nilang si Farah Ongkingco.

WHO IS CHARLES? Sino nga ba si Charles Togezaki?

“Schoolmate ko siya noong nasa OB Montessori pa ako. Ako Grade 6 siya fourth year high school.

“Sobrang tagal na naming hindi nagkita. Isang beses ko lang siya nakita when I was in high school, nagpakilala siya sa akin.

“Then, recently, birthday ni Bianca Manalo last year, doon ko siya nakilala uli. Kaibigan siya ni Bianca Manalo at Gretchen Fullido na mga kaibigan ko din. Doon na nagsimula ang lahat.”

“He is a chef, and a businessman now, kasi may mga partner siya sa mga restaurant business nila,” patuloy ni Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SMOOTH PREGNANCY. Kumusta na ang pagbubuntis niya?

“Ngayon mas madali na, kasi nung first tri-mester mas mahirap. Ngayon, mas swabe na. Parang lumalaki lang yung tiyan ko, pero everything else is normal.

“Hindi na ako nagsusuka, smooth naman so far. Sabi ng doktor mag-enjoy muna ako ngayong 5 ½ months pa lang ako. Kasi, ‘pag 7 months na ako, baka hindi na ako makalabas at pahinga na lang.”

Alam na ba nila ni Charles kung babae o lalaki ang magiging baby nila?

“Secret! Alam ko naman na, pero secret muna para masaya.

“Siyempre I shared na kung sino ang boyfriend ko and I’m pregnant. So kung ano ang sexuality ng baby, i-secret muna natin para may aabangan kayo,” may pambibitin pang saad ni Melissa.

Pinlano ba nilang magkasintahan na magka-baby muna bago ikasal?

“Siyempre, hindi naman inaasahan or planado, pero I consider it as blessing from God.

“Hindi lahat ay binibigyan ng biyaya na magkaanak, at ako ay binigyan ng baby ni God.

“Ako kasi even before, ang goal ko naman talaga ay to have a baby at age of 25, sakto lang. I’m 24 years old now going to 25, I think it’s a good thing, sigurado marami akong matututunan.

“Saka para maging responsible na rin ako,” ani Melissa.

No regrets?

“Wala. Very happy ako,” sagot niya agad.

Walang panghihinayang na nabuntis siya habang may career pa naman siya?

“Hindi naman ako nanghihinayang na sa peak of my career ay nabuntis ako. Kasi babalik pa naman ako after, na ‘pag na-lose ko na yung baby weight at kaya ko na iwan yung bata.

“Kasi siyempre may attachment na sa anak ko. Babalik naman ako. Gusto kong umarte pa rin.

“Sana suportahan pa rin nila ako pagbalik ko. I’m excited to be back. Part ng life yan,” aniya pa.

NO WEDDING PLANS YET. May plano na bang magpakasal very soon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-usapan na namin, pero wala pang official, siyempre malaking gastos din yun.

“Saka kailangan din niya mag-propose muna. Siyempre, ‘di ba?

“Right now, yung priority namin ay yung bata, kung ano yung best na maibibigay namin sa baby namin.”

Sobrang supportive din daw si Charles sa kanya.

“Sobrang supportive niya, sabi nga niya, tutulungan niya akong mag-diet. Siya na magluluto ng food ko after kong manganak para mag-lose akong weight.

“Saka yung pagbabalik ko sa showbiz, okey lang sa kanya, para rin naman sa baby namin yun, para makaipon din ako para sa kanya.”

MELISSA AS A BUSINESSWOMAN. Sa ngayon nga ay pinasok ni Melissa ang pagnenegosyo sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Ara at Farah.

“Kasi, right now wala akong work, siyempre kailangan ko ng income para sa future ni Baby. So, sinuportahan ako ni Ara Mina sa ganitong klaseng business kasama niya si Farah na friend din namin. Saka para may income din ako habang wala akong ginagawa, ever since naman part na ako ng iba’t ibang bazaar like selling things pero not as an organizer.

“It’s at the FAB Bazaar, this is the third bazaar na in-organize nina Ara at Farah, yung first at second bazaar silang dalawa lang ang magkasosyo, itong third, isinama na nila ako as their partner.

“It’s my first time to do any kind of business talaga, medyo exciting pero mahirap, saka nakita ko naman na worth it.

“Okey naman ako being a businesswoman, tinuturuan pa nila ako. Nagta-try ako at nagpapanggap ako. I have a lot of things to learn pa. Sina at Ara at Farah muna ang gumagawa ng mahirap, ako support lang muna, pero at least unti-unti natutunan ko yung business.”

Ano naman ang masasabi niya na katulad din niyang buntis ang business partner niyang si Ara?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know! One month ahead siya sa akin. Matagal na kaming nagkakasama sa mga bazaar. Biro nga namin, sobrang uso yata. Sabay pa kami nabuntis, ‘tapos may business pa kami, what a coincidence,” nakangiting sagot ni Melissa.

Sa huli, ano ang masasabi niya sa mga nagkokomento na sana raw ay ikinasal na muna si Melissa bago nagbuntis?

“Ako, as long as you’re happy, as long as wala kang sinasaktan na iba, at nagmamahalan kayo, I think it’s okay!

“Kesa naman na ikasal kayo as long na ikasal pero hindi naman kayo masaya.

“Right now, sobrang saya ko, sobrang blessed ko. I think kung isasabay pa namin yung kasal, medyo magulo.

“Kasi siyempre mahirap magbuntis, mahirap magpa-check up. Saka malaking gastos din ang pagbubuntis at hindi rin biro. You have to save talaga for the best of the baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN