Maricel Soriano thankful for positive reviews of her TV comeback: “Ipinagdasal ko ’to.”

Maricel Soriano remains thankful to fans for her successful TV comeback: “Natutuwa ako at siyempre, kapag mag-isa na lang ako, nata-touch ako. They still love me and I think, yun ang minahal nila sa akin, yung pagkaluka-luka ko.”


Consistent ang Diamond Star na si Maricel Soriano na ang karakter na ginampanan niya sa kanyang seryeng nasa huling Linggo na, Ang Dalawang Mrs. Real ay kabaligtaran kung ang pag-uusapan ay ang paniniwala niya kung sakali at napunta nga siya sa ganoong situwasyon sa totoong buhay.

Aminado si Maricel na hindi naging madali sa kanyang tanggapin ang “conviction” ng karakter niya bilang si Millet Real nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presson ng serye sa Wheatberry sa may Scout Tuazon, Quezon City, noong September 11.

Ayon kay Maricel, “Nahirapan ako kasi hindi naman ako siya. Mahirap magbigay ng ganung klase ng pagmamahal.

“Imagine-in mo, mahirap, ’di ba?”

Hanggang sa huli, hirap pa rin siyang tanggapin ang karakter niya bilang si Millet Real?

“Hirap na hirap ako,” natatawa na lang niyang pag-amin.

“Minsan, magte-take, sandali, sandali, magka-countdown. Sabi nila, ’Bakit daw po, Miss Maricel?’ Sabi ko, ’Sandali, puwedeng teka lang, time first, naiinis na ’ko sa sarili ko. Hindi pa ’ko ready.’”

HAPPY FOR ENDING. Masaya ba naman siya sa magiging ending ng Ang Dalawang Mrs. Real ngayong Biyernes, September 19?

“The mere fact na sinabi kong, hirap na hirap ako, ang feeling ko, ang tanga-tanga naman niyan.

“At least, hindi ako nagpo-portray sa isang taong buhay kundi sa isang character lang.

“Hirap na hirap talaga ako na kausapin ang sarili ko rito at kumbinsihin siya na, ’Ne, ano lang ‘to, taping.’ Alam mo yun?

“Hindi ko kayang magbigay ng ganoong unconditional love,” saad niya.

Kaya naman nang magkaroon na sila ng eksenang kumprontasyon nina Dingdong Dantes at Lovi Poe, doon niya parang nailabas ang emosyon niya na talagang nasampal niya nang husto ang mga ito.

“Nailabas, oo,” sabi niya.

THANKFUL FOR COMEBACK. Sa kabila naman ng sinasabi niyang hirap siyang tangapin ang karakter niya, napakarami namang nanonood at pumupuri sa naging pagganap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin ang natutuwa sa pag-comeback niya.

“Ang saya-saya ko,” nakangiti niyang sabi.

“Ipinagdasal ko ‘to. Nakaluhod ako kapag nagdarasal ako. Yung thank you ko kay Lord, with matching tears.

“Actually, kinukuwento nila sa akin na sabi nga raw ganito ang mga comments. Pero natutuwa silang talaga.

“At bakit, hindi ba ako natutuwa? Natutuwa ako at siyempre, kapag mag-isa na lang ako, nata-touch ako.

“They still love me and I think, yun ang minahal nila sa akin, yung pagka-luka-luka ko.”

NO MORE EXTENSIONS. Masaya raw siyang talaga sa naging kinalabasan ng Ang Dalawang Mrs. Real na maituturing din naman na comeback niya pagdating sa teleserye.

Kung may susunod man daw siyang gagawin, naniniwala si Maricel na dapat daw matapatan o malagpasan man lang ito.

Sa kabila ng tagumpay ng serye nila, mas gusto rin daw ni Maricel na magtapos ito sa talagang itinakdang pagtatapos talaga.

Aniya, “Para sa akin, kung talagang tapos, tapos na dapat. ‘Yan ang tinatawag na kapag ini-stretch mo kasi ‘yan, hindi na nagiging maganda, ‘di ba?”

STORY IDEAS. May naiisip daw na kuwento si Maricel na gusto niyang gawin. Pero ayaw nitong sabihin kung ano yun.

Soap opera pa rin?

“Oo, pero hindi bumubula,” pabiro niyang pahayag.

Sa show, ano ang mami-miss niya?

Pag-amin niya, “Alam n’yo, ang requirement ko kasi sa show, ang sisimple. Kailangan every day, tumatawa tayo.

“Dapat masaya tayo.”

May plano siyang magbakasyon muna?

Aniya, “Gusto ko, pero parang hindi puwede yata.”

NO VACATION WITHOUT HER DOG. Bakit naman hindi siya puwedeng magbakasyon?

Paliwanag niya, “Hindi ko kasi kasama ang aso ko, hirap akong matulog. Kasama ko siya sa kama. Sa kili-kili ko, nakasiksik ‘yan.”

Hindi raw niya naisasama sa taping ang aso niya na isang Maltese at Bella ang pangalan.

Rason pa niya, “E kasi, maingay siya. Parang ako. Siyempre, sa taping, kailangan tahimik. E, kapag nakakita ng pangit, maingay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano siya, ha, nagsa-salon, nagtsi-change ng polish once-a-week.”

ON MARIAN-DINGDONG WEDDING. Tinanong din namin si Maricel na ang kanyang leading man, si Dingdong Dantes ay engaged na at ikakasal na kay Marian Rivera.

Nakangiting sabi naman ni Maricel, “Ay, happy ako siyempre.

“’Di ba, at least, magse-settle na sila at ilang taon na rin silang magkasama. I wish them love. At alam kong love nila ang isa’t isa, more love.”

Alam na rin ba niyang engaged na ang dalawa noon pa?

“Alam ko na,” nakangiti niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN