Boy Abunda surprised by advance birthday gift from Kris Aquino—a Hummer

Boy Abunda on what he wants to do after his ordeal: "I just wanna say this, sana hindi na ako maging mayabang sa harap ng Diyos. Sana ipagpatuloy ko ang listening to His whisper. Yun po ang pagkukulang ko, na hindi ho ako nakinig, I was not listening… I’m looking forward to a life na sentro ang Diyos sa buhay ko."


Gaya ng kanyang inanunsiyo, nagbalik na sa paghu-host ng The Buzz si Boy Abunda simula kahapon, September 14.

Ito ay matapos ang mahigit isang buwang pagkawala sa mga programa niya sa ABS-CBN dahil sa kanyang pagkakaospital.

Read: Boy Abunda admits being humbled after successful liver abscess treatment; forgives his detractors and rumormongers

Bago nagtapos ang showbiz talk show ng ABS-CBN The Buzz kahapon ay nakasama ni Boy ang co-host niyang si Kris Aquino at ang kaibigan na si Gretchen Barretto.

Ayon kay Boy, noong hindi pa niya pinapayagan ang sinuman na makita at madalaw siya sa ospital ay halos araw-araw na pumupunta sina Kris at Gretchen sa St. Luke’s Bonifacio Global City, at nangungulit kung ano talaga ang kanyang sakit o ano ang nangyayari sa kanya.

Magkaiba nga lang daw ang paraan ng pangungulit ng dalawa at instructions nila.



GRETCHEN’S RUSE. Kuwento ni Boy sa ginagawa ni Gretchen, “Dahil hindi makapasok sa hospital, reversed isolation.

"Pumupunta ‘yan, then I would hear her voice, ’Ito yung sinigang. Iinitin niyo ito at siya lang ang kakain, ha.’

"Ganun ‘yan, and there were days that I hear her talk, ’Bakit ang tagal-tagal niya? Ano ba ang paliwanag? Ano ba ang sakit?’”

Paliwanag naman ni Gretchen, “E, kasi, ilang araw na... let’s say nine days na, may fever pa rin si Boy.

"So, tinatanong ko, ano ba ang sakit niya?”

Nilinaw naman ni Boy na wala na siyang lagnat noon.

“Sabi yata ni Bong [Quintana, Boy’s partner], ’Tahimik na muna tayo, Gretch.’

"’Tapos sabi niya, ’Okay, I’ll shut up for today.’”

Kuwento naman ni Gretchen, “Hindi ba si Boy, nasa 16th floor… parang may common area dun.

"Doon kami, Dominique [her daughter] and my friends.

"Lahat kami nandoon and I brought Father [Fernando] Suarez.

"Kasi sabi ko, ayaw niyang kulitin ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEAR DEATH. Natatawang sabi ni Boy, “Dinig na dinig ko ang boses mo.

“You know, that day po when Father Suarez came, pumasok ako sa hospital na 43.5 ang fever.”

Ayon kay Kris, close to death na raw yun.

Pagkumpirma ni Boy, “Nagdeliryo, nagkumbolsiyon... I don’t know what’s happening.

“Three days after, nagkaroon po ng infection ang buong mukha ko, para po akong leper and Father Suarez saw that.”

Sabi ni Gretchen, hindi raw yun ikinuwento ni Father Suarez sa kanya.

Nangyari raw yun dahil bumaba ang immune system ni Boy.

Pero pagkatapos daw ng pitong araw ay umayos na ang kalagayan niya, at nagpasalamat ang TV host sa 16 doctors na tumingin sa kanya.

Sabi ni Gretchen, “Magpapasalamat na rin ako sa lahat ng mga doctors mo.

"’Di ba, Kris, I was frustrated already when Boy was sick? Ang tagal-tagal na.

"Parang I was starting to question, ’Ano ang nangyari, bakit ang tagal-tagal?’"

Dagdag niya, “Sana welcome din ako sa St. Luke’s. Annoying talaga ako!”



LOVING FRIENDS. Naging malapit si Boy kina Kris at Gretchen dahil nang mag-host si Boy ng Show and Tell sa GMA Network, si Gretchen ang una niyang co-host at si Kris naman ang una niyang guest.

Saad ni Boy, “With Kris and Gretchen... ito ho totoo, sabi ko, ’What good did I do to deserve the love and friendship of these two girls?’

"I kept on saying that."

Kuwento naman ni Kris, magkaiba sila ni Gretchen.

“If she’s the type na present and all, ako, nagbibigay ng space.”

Sabi naman ni Boy, inaaway naman daw pareho ng dalawa ang lahat.

Paliwanag ni Gretchen, “Kasi ako, kapag may sakit, ako ang minumura talaga. I’m always kontrabida.

"I want answer. I want result right away.

"Kaya sabi ko nga kay Bettina [Aspillaga, Gretchen’s road manager], papatayin ako ni Boy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kris naman daw ang librarian dahil nagpapadala ito ng mga libro at kopya ng mga TV series sa kanya.



LOOKING FORWARD. Tinanong ni Kris si Boy kung ano ang mga gusto niyang gawin pagkatapos ng pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Sagot ng TV host, “I just wanna say this, sana hindi na ako maging mayabang sa harap ng Diyos.

"Sana ipagpatuloy ko ang listening to His whisper.

"Yun po ang pagkukulang ko, na hindi ho ako nakinig, I was not listening.

"I’m looking forward to a life… ‘eto, wala ho akong pangarap na maging pastor.

"I’m looking forward to a life na sentro ang Diyos sa buhay ko.

“Of course, I still want to go to the Maldives with the two of you.”

Pero sabi ni Kris, kapag wala na raw giyera sa Israel, gusto niyang doon sila pumunta.

Sabi pa ni Boy, “I’m looking forward to a quieter, simpler life. Totoo yun…”

Natatawang sabi naman ni Gretchen, “Ay, ayokong sumama dun. Puwedeng quiet, pero huwag simple!”



KRIS’S GIFT. Bago naman sila maputol sa ere, sinabi na ni Kris kung ano ang ibibigay niyang birthday gift kay Boy.

Ipagdiriwang ni Boy ang kanyang 59th birthday sa October 29.

Saad ni Kris, “Sana birthday mo na kasi excited na ko sa gift ko sa ‘yo.

"O, sige, ibigay ko na nga, kasi hiningi mo, ‘di ba?

"Sinabi mo yung Hummergusto mo.

"Noong binuhay siya, sabi ko, ’Gusto niya ‘to.’

"Sumakay siya sa Hummer, ’tapos sabi niya, ’Gusto ko ‘to, bigay mo na.’

“Sinabi ko, noong binuhay siya... I talked to the boys. Kasi kay Bimby yun at kay Kuya [Josh].

"Sabi ko, ’Let’s give it to Tito Boy.’

"’Tapos sabi ni Bimb, ’Of course.’

"And every night, when he prays, sinasabi niya, ’Mama, don’t forget to pray for Tito Boy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una ka na kay Tito Noy, Tito Boy na first niya.

"I love you, papadala ko na bukas. Enjoy it.”

Sa huli, masayang sabi ni Boy, “Wow! Okay lang na putulin niyo na kami [sa ere], okey na ’ko!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN