Jeric Gonzales works hard to rise above comparison to Ruru Madrid

Jeric Gonzales is bent on improving himself three ways. He attends speech and acting workshops to hone his craft, he swims and exercises for camera-ready physique, and he’s starting a boy band to show he can serenade his fans.


Hindi raw nagtatampo si Jeric Gonzales na siya ang grand winner sa Protégé: The Big Artista Break, pero ngayon lang siya muling nagkaroon show pagkatapos ng anim na buwan.

May mga nagsasabi ring napag-iwanan na siya ni Ruru Madrid, na runner-up ni Jeric sa artist search ng GMA Network.

Reaksiyon dito ni Jeric, "Tapos na po yung Protégé, nanalo na ako dun, e.

"Parang bagong chapter na naman na… hindi naman ito competition, e.

“Kung sino yung magkaroon [ng show], parang okay lang na ganun.

“At ngayon na nagkaroon din ako, masaya ako, parang ganun.

“Pero hindi ako nalulungkot, hindi ako naiinggit.”

Dagdag pa niya, “I think marami pa naman talagang kulang sa akin, lalo na sa acting.

"Kaya nag-acting workshop ulit kami ng advanced level, so natapos na namin yun.

"And then, ngayon, nagte-take ako ng English na workshop and then singing ulit.

“So, iyon, dine-develop lahat sa akin kaya natutuwa naman ako sa GMA, hindi nila ako pinapabayaan.”

Nagbunga naman ang pagsisikap niya dahil kasali siya sa bagong drama series ng GMA na umeere na ngayon, ang Strawberry Lane.

Dito ay gumaganap siya bilang si Georgie.

ADVANTAGE. Kasama rin si Jeric sa cast ng pelikulang Dementia, na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor, at si Jasmine Curtis ang kapareha niya dito.

Pangalawang pelikula na niya ito na kasama ang Superstar. Ang una ay sa Hustisya.

Ito ba ang advantage ni Jeric sa ibang kapanabayan niyang new male stars, na nakatrabaho na niya ang Superstar?

Sagot niya, “Opo, malaking factor sa akin ’tsaka inspiration na nakatrabaho ko ang Superstar!”

Hindi naman daw siya nahirapang sumabay sa akting ni N.ora

“Hindi, kasi mabilis akong naging comfortable sa kanya, e.

“Sobrang bait kasi niya.

“Sa husay ng akting kasi, ’pag eksena na, parang ibang tao na siya kaya nadadala ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakamagandang naituro o naipayo sa kanya ng Superstar sa pagiging artista?

“More on ano, e, more on attitude yung itinuro niya talaga sa akin.

"Na magpakabait lalo na sa lahat ng mga fans na humahanga sa iyo.

"Huwang mong kakalimutan.

“’Tapos sa lahat ng tao, maging fair ka. Kahit anong klaseng tao ’yan.”

Kaya naman daw hindi pabor si Jeric na hindi ibinigay kay Nora ang National Artist award.

“Siyempre po, hindi po!

“Nalungkot po ako para sa kanya kasi bilang nakasama ko siya, nakita ko naman talaga na deserving siya.

"Bilang Superstar at magaling na aktres, sobrang bait niya, sobrang humble.

“Halos lahat ng mga fans, kapag lumalapit sa kanya, lahat ini-entertain niya kahit pagod na.”



DISADVANTAGED. Sa kabilang banda, si Ruru Madrid ay umaariba ang showbiz career at hindi nababakante sa regular shows sa GMA. Ang latest nga ay ang role nito sa My Destiny bilang si Paul Andrada.

Kaya may mga nagsasabing napag-iwanan na ni Ruru si Jeric.

Reaksiyon ni Jeric, “Ano siyempre, kahit papaano, nalulungkot din po pagka ganun, pagka naririnig ko yun.

"Pero ayun nga po, mas lalo akong nagpupursige.

"Nagwo-workshop ako ’tapos naghintay lang talaga ako ng tamang break para sa akin.

“Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi gusto ko naman talaga ito, e.”

At magkaibigan pa rin daw sila ni Ruru, “Oo naman po!

“’Tsaka magkaiba naman po kami ni Ruru.

"Kaibigan ko siya, yun nga lang, hindi po kami nagkikita masyado."



THEA. Si Thea Tolentino, na female counterpart ni Jeric bilang Protégé winner, ay kasama naman ngayon nina Barbie Forteza, Andre Paras, at Derrick Monasterio sa The Half Sisters. Ikinalungkot rin ba niya na pinaghiwalay na ang loveteam nila?

Sagot ni Jeric, “Opo siyempre.

“In-expect ko naman po talaga na kung saan si Thea, parang partner pa rin kami sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero since yun nga, hindi, nakakalungkot din siyempre.

“Kasi ilang shows na din po kaming magkasama, e.

“Pero ayun nga, siguro for good na mag-ano kami, maghiwalay.

"Pero sooner sana magkaano ulit kami, magkatambal.”

Bakit ba sila pinaghiwalay?

“Hindi rin po namin talaga alam yung reason, e.

“’Tapos, ako din po, na-partner ako sa iba—yung indie film, yung kay Jasmine—so parang …”



BOY BAND. Binanggit din ni Jeric na may bago siyang papasukin na linya sa showbiz, ang pagkanta.

“May binubuo kaming group na bago, na boy band. Kasama ko si Jak Roberto ’tsaka si Abel Estanislao.”

Mga artists din ng GMA Artist Center sina Jak at Abel, na nakasama ni Jeric dati sa teen show na Teen Gen.

Silang tatlo raw ang bokalista sa naturang boy band.

“’Tapos lahat kami maggigitara. Yung concept nito, parang Apo Hiking Society daw po.”

Wala pang pangalan ang boy band nila.

“Kasi kaaano pa lang, binubuo pa lang. Pero maganda ito ’tsaka maganda yung concept ng grupo.”

Gawawa ba sila ng album sa GMA Records?

“Hopefully po, sana po, para sa mga Koreanovela daw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN