Kylie Padilla rejects Aljur Abrenica’s offer of reconciliation

Kylie Padilla on rejecting Aljur Abrenica’s offer for a reconciliation: “Kailangan ako ang maka-realize kung bakit hindi ko na lang balikan. Mas masasabi ko ngayon na masaya ako hindi dahil sa lalaki. Hindi dahil may boyfriend ako. Masaya ako dahil sa masaya ako.”


Hindi itinanggi ni Kylie Padilla ang balitang gustong makipagbalikan sa kanya ng ex-boyfriend na si Aljur Abrenica.

“Totoo po yun, pero hindi talaga nag-work,” mabilis niyang sagot nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, sa pictorial ng pelikula niyang Dilim ng Regal Entertainment, kagabi, September 14.

Mayroon daw silang komunikasyon noon, pero ngayon ay wala na.

Sa tingin ni Kylie, malabo nang mabalik ang dati nilang magandang pagtitinginan.

Saad ng 21-year-old Kapuso actress, “Ang mga nangyari kasi, hindi madaling kalimutan, e.

“Para na lang, alam mo yun… para may respeto sa relasyon namin, mabuting huwag na lang.

“Kung meron pang samaan ng loob, hindi rin maganda na magsama kayo.

“Ibabalik mo yun, e. So, ayoko nang masira.”

CHANGED WOMAN. Malaki raw ang ipinagbago ni Kylie dahil sa karanasang iyon, kaya nagpapasalamat pa rin siya dahil marami siyang natutunan sa relasyon nila ni Aljur.

“Hindi naman ako nagkamali sa kanya,” sambit ni Kylie

“I sacrificed too much. Immature pa ako nun, mas nag-mature na ako ngayon.

“Thank you for that.”

Inamin din ni Kylie na sobra niyang dinamdam ang breakup nila ni Aljur.

Iniyakan niya ito nang husto at nagkasakit pa raw siya. Pero ngayon ay iba na raw siya at nagbago na.

“Mas gusto ko na yung sino ako ngayon talaga.

“Yun ang nagpu-push sa akin na mag-move on na, e.

“Kasi, ibang-iba ang Kylie nun kesa sa Kylie ngayon.”

Dagdag pa niya, “Mas naalala ko na yung mga importanteng bagay.

“‘Tulad ng ‘pag nagdadasal ako, nagpapasalamat ako every day, hindi ako ganun dati.

“Mas okay ako ngayon.”

NO TO RECONCILIATION. At tama raw ang kanyang ina na si Liezl Sicangco na huwag siyang makipagbalikan.

“Sinabi sa akin ni Mama yun, hindi ko pa tanggap, e.

“Kailangan ako ang maka-realize kung bakit hindi ko na lang balikan.

“Mas masasabi ko ngayon na masaya ako hindi dahil sa lalaki. Hindi dahil may boyfriend ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako dahil sa masaya ako.”

Nakikita naman daw ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na masaya siya ngayon at nakapag-move on na siya kaya hindi na raw nila ito pinag-uusapan.

Pero sinasabi raw sa ng ama na huwag muna siyang pumasok sa panibagong relasyon.

“Ayaw muna ni Papa.

“Tingin ko nga, ayaw niya hangga’t kasal na, e.

“Naintindihan ko naman si Papa nun,” sabi ni Kylie.

Isa rin si Kylie sa nagulat sa desisyon ni Aljur namaghain ng reklamo laban sa GMA Network.

Kung siya ang tatanungin, hindi dapat ginawa iyon ng dating kasintahan.

“Nagulat ako na medyo kinabahan nang konti. Kasi station yun, e.

“Basta ano na lang… ipinagdadasal ko siya parati na sana maayos,” pahayag ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN