Ruffa Gutierrez: “Whether my mom likes it or not, I think I’m ready to fall in love.”

Ruffa Gutierrez on her ideal man: “Alam mo, ang importante para sa akin, he has the leadership qualities. Ang dami kasing lalaki, pero yung taong mai-in love ka talaga, bihira mo makikita ‘yon. Kaya nga ang tawag doon ay ’one true love.’"


“Whether my mom likes it or not, I think I’m ready to fall in love.”

Ito ang nakangiting pahayag ni Ruffa Gutierrez nang tanungin kung ano ang mga aabangan sa kanya sa bagong season ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Katabi pa ni Ruffa ang kanyang inang si Annabelle Rama, sa press conference ng show kaninang tanghali, September 15, nang sabihin niyang handa na siyang magmahal muli.

Dagdag pa niya, “I’m really excited.

“Hopefully, this person comes into my life this year.

“It’s been three years, Mom, it’s about time...”

Sa hiwalay na panayam ng TV at online entertainment reporters, sinabi ni Ruffa na panahon na para muli siyang ma-in love.

Paliwanag niya, “I’ve been single for three and a half years.

“Any girl wants to fall in love and any girl wants to share her experiences with an inspiration.

“You know, siyempre naman kahit papaano, kailangan may textmates tayo, may chatmate.”

Dagdag pa ni Ruffa, “For me, siguro more than getting married and having more kids, siguro yung pinakaimportante is yung may kasama ka sa buhay, who will be there to hold your hand during your ups and your down.

“’Yon ang nami-miss ko.

"Siyempre, I’m a girl, I miss having that in my life, whether my mom likes it or not.

“Hello, sayang naman ang beauty ko, ‘no! Puwede ba ma-in love naman ako paminsan-minsan?

“I’m so picky kasi kaya ang tagal ko nang walang boyfriend.

“Sa tingin ko naman, yung kayang magpatibok sa puso ko, I’m sure he’s somewhere out there.

“Kung may Pilipino diyan na guwapo, hello, kahit hindi kayo masyadong matangkad.”

Tiniyak naman ni Ruffa na tama ang magiging dsesisyon niya sakaling makahanap na siya ng bagong magpapatibok ng kanyang puso.

Sabi ng 40-year-old actress-TV host, “I won’t naman introduce someone to my mom and dad that I know who’s not worth it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if I introduce someone, I’m sure na dapat tanggapin na niya.

“I’m not 12 anymore, tanggapin na niya ang decision ko ‘cause I know that I’m gonna be making the right decision.”



IN FOR SHOWBIZ PERSONALITY. Sa mga nais pumorma kay Ruffa, may isa lamang siyang paalala.

“Well, you know, if somebody wants to approach me and gustong manligaw sa akin, they should already know what my life is about.

“So, kung takot sila and private sila, huwag na silang magtangkang manligaw.”

Paliwanag ni Ruffa, “You know, I’m a showbiz personality.

"We’re very showbiz and we’re in the public eye, and my life has always been like that since I was 13.

“So, kung medyo takot ka sa camera, huwag na, doon ka na lang sa mga non-showbiz manligaw.”

Paalala rin niya sa mga lalaking gusto siyang ligawan: “Kailangan humarap din sila kay Annabelle.”

Nang tanungin kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki, sagot ni Ruffa, “Alam mo, ang importante para sa akin, he has the leadership qualities.

“Ang dami kasing lalaki, pero yung taong mai-in love ka talaga, bihira mo makikita ‘yon.

"Kaya nga ang tawag doon ay ’one true love.’

“Kasi, kung mabilis ka ma-in love, and love exists, hindi naman puwedeng lahat ng taong dumating sa buhay mo, e, love mo na.

“Para sa akin, it’s really getting along with that person and, at the same time, someone who will hold my hand and bring me toward the right direction, and someone who will make me happy.”

Kinumusta rin ng entertainment reporters kay Ruffa ang napabalitang “constant date” niyang si Jordan Mouyal.

Natawang sabi bi Ruffa, “Akala nga ni Mommy kasi lahat ng manliligaw, e, boyfriend na.

"Hindi naman ganun, ’di ba? Masyado naman siyang makaluma.

"Gusto niya siya ang naghahabol kapag type niya kaya hinabol-habol niya si Daddy...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s still there,” sabi pa niya tungkol kay Jordan.

Ngunit diin ni Ruffa, “For me, siguro ready na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN