Kris Aquino gives Boy Abunda a Hummer for staying "alive"

Kris Aquino posted this caption on Instagram after she gave Boy Abunda a Hummer: "Because he is my best friend, because I’m so grateful he’s alive & because I want to make him happy. I gave Boy the Hummer tonight after A&A."


Gaya ng kanyang ipinangako, ibinigay na ni Kris Aquino ang sasakyang Hummer sa kaibigan at co-host na si Boy Abunda bilang advance birthday gift niya.

Sa October 29 pa ang aktuwal na 59th birthday ni Boy, ngunit inagahan na ni Kris ang pagbibigay ng regalo sa kaibigan dahil nalagpasan nito ang matinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Matatandaang mahigit isang buwan na hindi napanood si Boy sa kanyang mga programa sa ABS-CBN—kabilang na ang The Buzz at Aquino and Abunda Tonight kunsaan magkasama sila ni Kris—matapos sumailalim sa surgical procedure upang tanggalin ang nana sa kanyang atay.

Read: Boy Abunda admits being humbled after successful liver abscess treatment; forgives his detractors and rumormongers

At noon ngang Linggo, September 14, ay nagbalik si Boy sa paghu-host ng The Buzz.

Sa mismong programa ay sinorpresa ni Kris si Boy nang sabihin nito na ibibigay na niya ang hinihingi nitong Hummer bilang advance birthday gift.

Read: Boy Abunda surprised by advance birthday gift from Kris Aquino—a Hummer

Kagabi, September 15, pagkatapos ng programa nilang Aquino & Abunda Tonight, ay ibinigay na nga ni Kris kay Boy ang Hummer, na nakaparada sa labas ng ABS-CBN building.

Nag-post pa ng maikling video si Kris sa Instagram ng pagbibigay niya ng Hummer kay Boy.

Caption niya dito: "Because he is my best friend, because I’m so grateful he’s alive & because I want to make him happy. I gave Boy the Hummer tonight after A&A. Uulitin ko, kulang pa this gift because sobra sobra ang pagmamahal, pagtiwala at pag aasikasong naibigay at patuloy na binibigay nya sa kin. Together w/ my brother & my 2 sons, it’s with Boy that I continue to experience the gift of true & unconditional love. #‎throughtheyears‬ ‪#‎iloveboyabunda"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN