Paolo Ballesteros admitted to hospital after “mini stroke”

“[H]yper tension daw. transient schemic attack. mild stroke pero hindi naman nagprogress. salamat naman,” Paolo Ballesteros relates his condition to his Instagram followers by posting photos taken from the hospital.


Na-admit sa ospital ang Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros matapos makaranas ng transient ischemic attack kagabi, September 15.

Ipinaalam ni Paolo sa kanyang Instagram followers ang tungkol sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng pag-post ng collage ng mga larawan niya na kuha sa ospital.

Sa caption ay sinabi ng “Juan for All, All for Juan” host, “[S]taying in tonight. Marikina Valley Medical Center. hyper tension daw. transient schemic attack. mild stroke pero hindi naman nagprogress. salamat naman. doing some lab tests tomorrow. 200 ang bp antandaaa ko na!! hehe. feeling better now. thanks @doryisbabe @eatbulagaselfie @joelrelleve @yayin_1203 @chiquitita03 @zhukini #dietpagow #bangkokpillspahihistopmuna #vicemayorcadiz

Ayon sa website ng American Stroke Association, ang transient schemic attack ay karaniwang tinatawag na “mini stroke” dahil kadalasan ay tumatagal lamang ito ng hindi lalagpas sa limang minuto at walang permanenteng epekto ng brain damage.

Gayunman, sabi sa www.associationstroke.org, madalas ay sinasabing isa itong “warning stroke,” isang babala na dapat agapan agad tulad ng karaniwang uri ng stroke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN