Ai-Ai delas Alas formally introduces 20-year-old boyfriend to showbiz and non-showbiz friends

Ayon kay Ai-Ai delas Alas, pinag-retire na niya ang boyfriend na si Gerald Sibayan mula sa paglalaro ng badminton para maipagpatuloy nito ang pangarap na maging piloto. Saad ni Ai-Ai, “Pina-retire ko na para… kailangan kasi, bago ka mag-four years sa PAL, graduate ka ng four-year course. So, kailangan niyang bilisan ang pag-aaral niya. Kung nasa national team siya, hindi ‘yan ga-graduate nang maaga.”


Sa unang pagkakataon ay ipinakilala na ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang 20-year-old boyfriend na si Gerald Sibayan sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Ito ay naganap sa 48th birthday celebration ng direktor na si Wenn Deramas noong Sabado, September 13.

Bago ito, isa si Gerald sa mga in-acknowledge ni Ai-Ai during her annual Mass celebration para sa kaarawan ni Virgin Mary, noong September 8, na ginanap sa clubhouse ng subdivision na tinitirhan niya.

Doon ay nakilala na ng non-showbiz friends ni Ai-Ai si Gerald.

Isang araw pagkatapos ng kaarawan ni Direk Wenn, noong September 14, inamin ni Gerald ng relasyon niya sa Comedy Queen sa pamamagitan ng mga larawang ipinost nito sa Facebook.

Kinumpirma rin ni Gerald ang relasyon nila ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 15.

Read: La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas



FUTURE PILOT. Sa party ni Direk Wenn, nakausap ng PEP sina Ai-Ai at Gerald, na hindi naghiwalay mula pagdating sa party hanggang sa kanilang pag-alis.

“Ex-army ang pamilya niyan,” tukoy ni Ai-Ai kay Gerald na nasa tabi lang niya.

Dagdag pa ng Kapamilya star, “Nanay at tatay niya, mga sundalo. Retired army na sila.”

Wala bang plano na sumunod si Gerald sa yapak ng kanyang mga magulang?

Sagot ng 49-year-old actress, “A, piloto. Yun ang gusto niya.”

Nag-aaral ba si Gerald?

Ayon sa komedyana, “Hindi… dati siyang [member] ng [badminton] national team.

“Pina-retire ko na para… kailangan kasi, bago ka mag-four years sa PAL, graduate ka ng four-year course.

“So, kailangan niyang bilisan ang pag-aaral niya.

“Kung nasa national team siya, hindi ‘yan ga-graduate nang maaga.”



NO WEDDING PLANS YET. Magpapakasal ba sila ni Gerald?

“Ay, hindi! Waley, waley. Ayaw, ayaw!” mabilis na tanggi ni Ai-Ai.

"Okey na yung ganyan… tahimik lang kami."

Hindi rin alintana ni Ai-Ai ang malaking agawat ng kanilang edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey na sa mas bata, kesa naman sa may asawa. O, ‘di ba, naninira ng pamilya!

“Ayoko nung matanda na may asawa. Saka hiwalay, ‘tapos may mga anak pa! Napakakumplikado!

“Pakikisamahan mo pa yung anak. Pakikisamahan mo pa yung nanay ng anak.

“Ay, ano ba ‘yan?!

“’Tapos ipagsa-shopping mo yung tatay. Ipagsa-shopping mo rin yung nanay."

Biro pa niya, “At least, yung ngayon, isang team lang! National pa, ‘di ba?

“National at saka De La Salle… dalawang teams lang.

“Pero wala na siya sa national,” pagtukoy ni Ai-Ai sa badminton teams na kinabibilangan noon ni Gerald.

Paano sila nagkakilala ni Gerald?

“Ay, ‘eto, hindi ko hinanap ‘to talaga. ‘Eto totoo, hindi ko hinanap.

“Dumating na lang siya talaga sa buhay ko,” sabi niya.

Tumanggi naman si Ai-Ai na idetalye kung paano sila nagkakilala ni Gerald.



AI-AI’S CHILDREN. Ano ang reaksiyon ng mga anak niya sa relasyon nila ni Gerald?

Saad ni Ai-Ai, “Oo, mga anak ko naman, as long as happy ako, e, happy din sila.

“Huwag lang niya akong anuhin, alam mo na yun,” sabi niya.

Paano niya sinabi sa kanyang mga anak na sina Sophia at Nicolo, na parehong nasa Amerika, na may bago siyang boyfriend?

“Dahan-dahan,” sambit niya.

Hindi ba sila uuwi ng Pilipinas?

“Uuwi… December.”

For good na ba sila sa bansa pag-uwi nila sa December?

“Hindi na [babalik dito], for good na sila doon.

“Parang sanay na sila doon, e.

“‘My gosh!’ gumaganun-ganun… marami raw lamok [dito sa Pilipinas].

“Pero totoo naman na maraming lamok ngayon, panahon ‘ata.

“At bakit kaya ganoon, ‘no? Kapag galing Amerika, parang sila yung kinakain [ng lamok]? Ang weird, ‘no?

“Sabi ko, ‘Bakit ang dami mong pantal?’

"‘Ewan ko, Ma.’ Kaya gusto na tuloy umuwi [ng U.S.]."

Umuwi raw ng Pilipinas sina Nicolo at Sophia habang school break nila sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, pero nakaalis na sila. Two weeks lang sila dito.”

First year college na raw si Sophia sa U.S. at kumukuha ng kurso tungkol sa child development.

Habang si Nicolo naman ay papasok bilang U.S. Army.

“Exam, tapos na. Pero kailangan niya munang mag-aral ng one term bago siya pumasok ng army.

“’Tapos, nagtatrabaho ngayon. Nagsasalansan ng mga ano ng eroplano, parts ng eroplano.

“Taray, ‘no, nagtatrabaho na doon, ‘di ba?”

HER CHILDREN’S LOVELIFE. Pinapadalhan na ba siya ng dollars ng mga anak niya?

“Hindi, ako ang nagpapadala!” natatawag sabi ni Ai-Ai.

“Ako pa rin, ‘te!

“Si Budang [palayaw ni Sofia] nga nakakatawa, e, ‘Huwag mo na ngang padalhan ‘yan si Kuya, Ma. Marami nang pera, e. Nagtatrabaho na siya.’

“‘Huwag naman, kawawa naman ang kuya mo,’ sabi ko sa kanya.

“Ang daming dream noon [Nicolo], e, maiuwi ang syota niya. Nasa Europe ang syota niya.

“Alam mo ba si Nicky [pet name ni Ai-Ai kay Nicolo], ang tibay nun?

“Grade Five, syota na niya yun hanggang ngayon na ano, ha, long-distance. London yun, ha. Sila pa rin.”

Gusto na bang pakasalan ni Nicolo ang girlfriend niya?

“Oo, pero matagal pa yun.

“Pero ano, ha, pansin ko, pagdating sa mga anak ko, ang lovelife nila successful. Ewan ko ba!” tawa niya.

Patuloy ni Ai-Ai, “Kinakamot-kamot ko na nga lang ang ulo ko.

"‘Bakit ganoon ang mga anak ko? Lahat ng anak ko, maganda ang lovelife, bakit ako hindi?’

“Kabuwisit! Hehe!”

Natatawang bawi niya, “Ngayon lang gaganda! Tingin ko, ngayon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN