Richard Gutierrez on marrying Sarah Lahbati: “That would be the next step for us.”

Richard Gutierrez on son Zion as a TV star: “He’s very natural. Hindi siya naiilang sa camera… Well, minsan, minsan may mga times na naiilang siya, pero most of the time, happy siya... He’s the real star of the show.”


Sa Season 1 ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, naging “malaking pasabog” sa reality show na ito ng Gutierrez family ang pag-amin ni Richard Gutierrez na may anak na sila ng girlfriend niyang si Sarah Lahbati, si Zion.

Ngayong Season 2 ng kanilang show, na mapapanood simula October 5 sa E! channel, ano namang “pasabog” ang gagawin nila?

Sagot ni Richard, “Well, sa season one kasi, parang introductory pa lang ng family. Naipakilala namin si Zion.

“Actually, maraming nabitin sa season one, kasi six episodes lang yun.

“Ngayon, it’s gonna be ten episodes and Sarah will be part of the main cast.

“Parang mas makikilala pa kami nang husto ng mga viewers.”

“Ngayong Season 2, makikita rin nila kung ano ang progress ni Zion.

“Kasi, sa Season 1, nakita nila, hindi pa naglalakad, hindi pa kumikibo.

“Ngayon, malikot na si Zion.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa press conference ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez kahapon, September 15, sa R Space, Makati City.



SCENE STEALER. Kumusta si Zion kapag nagti-taping sila?

Ayon kay Richard, “He’s very natural. Hindi siya naiilang sa camera…

“Well, minsan, minsan may mga times na naiilang siya, pero most of the time, happy siya.”

Aminado si Richard na kahit isang taon pa lang ang anak, “scene stealer” na si Zion basta lumabas at nakita ng tao.

“He’s the real star of the show,” nakangiti niyang sabi.



WHAT’S NEXT. Kinumusta ng PEP si Richard kung ano ang kanyang mga plano ngayon pagkatapos niyang hindi mag-renew sa GMA Network.

Wala ba siyang lilipatang TV station?

Sabi ni Richard, “May offers, pero as of now kasi, I really want to focus on this reality show and I want to be able to, kumbaga, manage my time.

“Actually, yun ang pinakaimportante sa akin ngayon, to be able to manage my time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And being a producer for this show, medyo sobrang hectic din. Marketing kami, lahat kami.

“Everything from pre-production to post-production, tinututukan namin.”

Sa Season 1 ng kanilang reality show, hindi raw sila nakialam pagdating sa technical side.

Pero ngayon, dahil solo production na sila, hands-on na raw sila sa lahat.

Yun nga lang, bilang producers na rin sila, hindi kaya magkaroon ng limitasyon ang ipapakita nila sa mga manonood?

Sagot ni Richard, “Hindi, mas gusto pa nga ng director namin kapag may nangyayari.

“Kasi, kapag kinontrol din namin, it’s gonna be bad for the show.

“Gusto lang din naming maging totoo, ‘di ba? Parang ayaw rin namin na, ‘O, tanggalin ‘yan.’

“So, yung director namin is very strict. She’s done a lot of reality shows.

“Alam niya kung ano ang magwo-work. Alam niya kung ano ang itatanong sa amin para lumabas ang emotion namin.

“So, she’s very good and we’re very happy na siya ang nakuha naming director.

“As producer, halos wala kaming magawa.

“Kahit may mga scenes na medyo ayaw namin, hindi puwede.”



CELEBRITY WEDDINGS. Madalas din tanungin si Richard kung kailan ang plano nilang magpakasal ni Sarah, lalo pa nga’t nauuso ngayon ang celebrity weddings.

Kabilang na rito sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at gayundin sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

“Okey lang na mauna sila para makita ko kung ano ang mga maling ginawa nila… Hindi, joke lang!” natatawang sabi niya.

Nagulat ba si Richard nang malaman niyang magpapakasal na sina Dingdong at Marian, lalo pa nga’t nagkakasama yata silang madalas ngayon?

Sagot niya, “Hindi ako nagulat siyempre, kasi parang kutob ko na, e. Medyo alam ko na.

“Matagal na ring usap-usapan yun, ang tagal na rin nila, e.

“Happy kami kung saan sila masaya.”

Pero napag-uusapan na ba nila ni Sarah ang tungkol sa bagay na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kami ni Sarah, napag-uusapan namin.

“Tinatanong ko rin siya. Nagpi-fish ako kung ano ang gusto niya.

“Kahit ano, pinaplano namin.

“Pero kasi, may revelation sa Season 2 na dapat din abangan.”

May proposal ba na magaganap?

“Abangan niyo na lang,” nakangiti niyang sabi.

Kung ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ang tatanungin, mas gusto nitong huwag lang madaliin ang pagpapakasal kahit na may anak na sila.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Well, we’re not rushing into things.

“Gusto talaga namin na nasa tamang lugar kami ni Sarah—emotionally, spiritually, and mentally, nasa tamang lugar kami.

“Ngayon nga, this year, parang ngayon lang namin na-enjoy ang relationship namin, especially with Zion.

“Parang nandoon pa kami sa moment na ini-enjoy pa namin ang time na yun.

“Of course, that would be the next step.

“That would be the next step for us.”

BENCH FASHION SHOW. Isa si Richard sa rarampa sa The Naked Truth, ang Bench denim and underwear fashion show na gaganapin sa September 19.

Nakahanda na siya?

“Yes, I feel like I’m prepared,” sagot niya.

Sabay silang rarampa ni Sarah?

“Malalaman pa lang namin sa Thursday ang gagawin but, definitely, may segment na magkasama kami.

“Pero yung mga solo-solo, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari dun.

“But definitely, merong magkasama kaming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN