Michelle Gumabao says their family remains strong and close after dad Dennis Roldan’s imprisonment

Michelle Gumabao on dealing with bashers: “Ako naman, ever since naman, tinatak ko na sa isip ko na hindi naman lahat kakampi ko. ’Pag may ganun, lagi na lang akong nagpapasalamat kasi, at least, pinapa-realize nila sa akin na kailangan pa rin naming ipakita sa lahat ng tao kung sino kami as family and kung sino din ang daddy ko. Kung sino siya, nagre-reflect din sa amin yun."


Bagamat mahirap, sinusubukan daw ng pamilya ni Dennis Roldan na maging matatag matapos hatulan ng life imprisonment ang aktor dahil sa kasong kidnapping ng Pasig Regional Trial Court.

Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005

Isa sa nagbibigay ng lakas ng loob sa aktor ay ang anak niyang si Michelle Gumabao, dating housemate sa Pinoy Big Brother All In at dating volleyball player ng De La Salle University.

Ayon kay Michelle, hindi madali ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon.

“Mahirap, pero we’re strong as a family.

“So, nakita ko yung importansiya ng pagiging strong namin at close namin.

“’Pag may dumarating na problema, may dumarating na trials, kung strong naman ang foundation namin as family, hindi naman kami mabubuwag.

“So, very thankful ako dun on what’s happening.

“Taas-noo pa rin and always smiling.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Michelle sa debut party ni Jane Oineza, noong Linggo, September 14, sa Fernwood Gardens, sa Quezon City.

Kumusta na ngayon ang kanyang ama, na nakapiit sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa?

Pahayag ni Michelle, “He’s okay.

“Alam ng lahat na siguro, downtime ito for him, pero I can say na he’s happy.

“He chooses to be happy and he still thank God for everything.

“Okay naman siya, we visit him every week.”

Ito raw ang kauna-unahang Pasko na hindi makakapiling ng pamilya Gumabao ang aktor.

Pero ayon kay Michelle, “Kung gusto talaga, may paraan.

“Kung kinakailangan naming pumunta nang malayo para lang makipag-Christmas sa kanya, gagawin namin yun as a family.

“Sama-sama, susuportahan namin siya sa kahit na anong gusto niya.”

Sa kabila ng suportang natatanggap ni Dennis mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan, marami rin ang namba-bash dito at nagsasabing dapat lang na pagbayaran ng aktor ang pagkakasalang nagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman apektado si Michelle sa sinasabi na ito ng ilan.

Saad niya, “Ako naman, ever since naman, tinatak ko na sa isip ko na hindi naman lahat kakampi ko.

“’Pag may ganun, lagi na lang akong nagpapasalamat kasi, at least, pinapa-realize nila sa akin na kailangan pa rin naming ipakita sa lahat ng tao kung sino kami as family and kung sino din ang daddy ko.

“Kung sino siya, nagre-reflect din sa amin yun.

"Naniniwala naman ako sa kanya and proud naman ako sa kanya kahit ano ang nangyari.

“Sa relationship na lang namin siguro yun mauuwi kung gaano ka-strong.”



ENTERING SHOWBIZ. Kinikilala bilang mahusay na volleyball player, pero katulad ni Gretchen Ho ay balak din ni Michelle na pasukin ang mundo ng showbiz.

“Oo, siguro more on hosting, dun ang focus ko ngayon, and volleyball.

“Sana, sana… pero gusto ko pa ring mag-try mag-artista kasi never ko pang nata-try.

“Dream ko na magkasama kaming dalawa ng kapatid ko.”

Si Michelle ay kapatid ng Star Magic talent na si Marco Gumabao.



JANE OINEZA. Bilang kapwa-housemate sa Bahay ni Kuya, ano naman ang birthday wish ni Michelle para kay Jane Oineza?

Mensahe niya, “Jane, happy, happy birthday!

“Ginawa na natin ito dati, so the second time, I just wish you a happy birthday.

“May God bless you with your career, your family, good health.

“Always stay happy, always stay stay the same.

“I really wish that everything comes your way.

“We love you always and happy birthday.”

Patuloy niya, “Si Jane, totoong tao siya sa loob [ng Bahay ni Kuya]. Siguro late ko nang nalaman yun.

“Ang dami na naming napagdaanan, pero I can really say na yun talaga ang nagpatibay ng friendship namin, which is happening now.

“Maraming rocky roads noon, pero okay lang, nakapag-usap na kami, everything, naklaro na namin yun paglabas ng bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN