Mother Lily backs up son Dondon Monteverde’s stand on Erik Matti-Lovi Poe tiff; tells PAMI to investigate first

Nanawagan si Mother Lily Monteverde sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) na sana ay nag-imbestiga muna ang kanilang grupo bago naglabas ng statement tungkol sa sigalot ni Direk Erik Matti at ng kampo ni Lovi Poe. Ito ay dahil sa pagtanggi ng aktres na gawin ang sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan ang anak ng Regal matriarch na si Dondon Monteverde ang isa sa mga producers.


Suportado ni Mother Lily Monteverde ang anak na si Dondon Monteverde kaugnay ng naging pahayag nito laban sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).

May kaugnayan pa rin ito sa Facebook rant ng direktor na si Erik Matti laban sa aktres na si Lovi Poe at sa talent manager nitong si Leo Dominguez.

Ito ay dahil daw sa pagtanggi ng kampo ni Lovi na gawin ng aktres ang sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

Si Lovi ang gumanap na pregnant girlfriend ng bidang si Dingdong Dantes sa first installment ng pelikula.

Sa sequel nitong Kubot: The Aswang Chronicles, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, kahit hindi na siya ang gaganap na partner ni Dingdong ay kailangan pa rin ang karakter ni Lovi sa simula ng istorya para sa continuity.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Dahil sa pagsisiwalat ni Direk Erik ng kanyang saloobin sa Facebook, naglabas ng maikling statement ang PAMI kung saabn kinondena nila ang ginawa ng direktor at inihayag din nila ang kanilang suporta kay Leo, na miyembro ng kanilang grupo.

Ayon sa PAMI: “After careful deliberation, PAMI expressed its support to Dominguez and condemned the reckless, arrogant, and vulgar statements of Matti in his social media account.”

Bilang sagot dito ay naglabas naman ng mahabang pahayag si Dondon sa kanyang Facebook account noong Lunes, September 15, upang kuwestiyunin ang naging aksiyon ng PAMI nang hindi pa naririnig ang kanilang panig.

Sina Dondon at Erik ay co-producers at co-founders ng Reality Entertainment, isa sa mga producer ng The Aswang Chronicles movie franchise.

Read: Dondon Monteverde reacts to PAMI statement on Erik Matti-Lovi Poe issue



PAMI SHOULD INVESTIGATE FIRST. Kahapon, September 16, bago magtapos ang question-and-answer portion sa presscon ng pelikulang Dementia, na ginanap sa pag-aari nitong Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, nagbigay ng maiksing talumpati si Mother Lily kaugnay sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Regal Entertainment ang distributor ng Dementia, ang directorial debut ni Perci Intalan na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Saad ng Regal matriarch, “Ako naman, it’s nothing. It’s nothing talaga.

“These things that happen to Dondon and also Lovi Poe...

"What I really want to advise PAMI, to justify the situation.

"Ma-justify muna kung ano’ng nangyayari para ma-resolve.

"At I know, isa lang, mabait si Dondon.

"Hindi naman ‘yan basta-basta magsasalita nang hindi totoo."

Pagkatapos ng presscon, kinausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mother Lily.

Saad niya, “Tama naman yung sagot niya [Dondon]. PAMI will have to investigate muna bago magbigay ng statement.”

Bukas ang PEP sa panig ng PAMI tungkol sa pahayag ni Mother Lily.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN