Mikael Daez done with sexy stage shows: "Fulfilled na ako dun."

Mikael Daez on Ang Lihim ni Annasandra: “Maraming makaka-relate dito dahil lahat naman tayo may mga lihim, lahat naman tayo may mga minamahal.”


Dalawang magkasunod na sexy stage shows ang magaganap ngayong huling bahagi ng Setyembre.

Una na rito ang The Naked Truth ng Bench sa September 19, at ang Cosmo Tower 69 Bachelor Bash ng Cosmopolitan Magazine sa September 24.

Pero para sa Kapuso actor-TV host na si Mikael Daez, tapos na siya sa mga ganitong klaseng pagpapakita ng katawan on stage.

Ayon sa 26-year-old model turned TV host-actor, “Sumali na ‘ko sa Cosmo Bash noong 2012.

“Ang saya nga e. Saya nga, pero parang feeling ko, fulfilled na ako dun.”

Read: Mikael Daez makes a mark at his first Cosmo Bachelor Bash appearance

Wala naman daw nagbabawal sa kanya, pero talagang tama na yung naranasan na niyang rumampa nang sexy sa stage.

Dagdag pa niya, “Hindi naman bawal.

"Dun nga, noong 2012, hindi bawal.

“Ngayon, hindi pa rin bawal, ayoko lang.

"I was very happy with what I’ve experienced in [Cosmo] 2012.

"So, para sa akin, okay na yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa pocket presscon ng bago nitong teleserye, Ang Lihim ni Annasandra, noong Lunes, September 15, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City.

ANG LIHIM NI ANNASANDRA. Sa Ang Lihim ni Annasandra, muling makakatambal ni Mikael ang kanyang ka-loveteam na si Andrea Torres.

Gagampanan niya rito ang role ni William Benitez, isang mayaman at guwapong negosyante na mai-in love kay Annasandra.

Saad ni Mikael tungkol sa show, “Isa siyang fantaserye, pero yung premise niya is based on a love story.

"Paano ka magmamahal... yung parang basic concept dito is paano ka magmamahal ng tao na may sikreto.

“Kaya mo ba magmahal? Paano mo mamahalin?

"Paano mo malalampasan ang mga lihim ng mga taong minamahal mo?

“So, yung mga katanungan na yun, yun yung driving force sa likod ng teleserye namin.

"Kaya para sa akin, maraming makaka-relate dito dahil lahat naman tayo may mga lihim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman tayo may mga minamahal.”

Bukod sa Ang Lihim ni Annasandra, mapapanood din si Mikael sa Saksi, Ismol Family, at Bubble Gang.

Wala naman daw problema sa kanya ang kabi-kabilang trabaho.

Saad pa nito, “Sige lang, buhay pa naman ako, go lang.

"‘Pag patay na ‘ko, may problema tayo.

"Pero kung buhay pa, e, di go lang.”

Sa October 13 na mapapanood sa Afternoon Prime ng GMA ang Ang Lihim Ni Annasandra.

View Gallery : Andrea Torres and Mikael Daez paired anew in Ang Lihim ni Annasandra


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN