Alden Richards feels bad about delayed movie with Aljur Abrenica

Alden Richards on having a lovelife: “Hindi ko hinahanap kasi siguro masyado lang malakas yung urge ko na kailangan kong magtrabaho. Dahil kailangan kong mabigyan ng magandang buhay ang family ko. Kaya siguro hindi ko hinahanap pa na magkaroon ulit ng girlfriend. ’Pag dumating, so be it!”


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-resume ang shooting ng naumpisahan nang pelikulang Cain At Abel, kung saan bida sina Alden Richards at Aljur Abrenica.

Hindi pa rin kasi naaayos o nareresolba ang problema sa pagitan ni Aljur at ng management ng GMA Network, pagakatapos maghain ng reklamo ng aktor laban sa kanyang home network.

Ikinalulungkot naman ni Alden ang pagkakabinbin ng kanilang movie project.

Sabi niya, “Nakakalungkot, sayang.

“Kasi marami ang nagsasabi na Aljur is the next… ang daming naniniwala na siya na ang susunod kay Kuya Dong [Dingdong Dantes].

“Kaya lang siguro, siyempre may mga instances talaga na nakakagawa tayo ng desisyon na minsan nakakabigla. And hindi rin natin gusto.

“Sana gabayan si Aljur ni Lord na makagawa ng mga tamang desisyon para sa buhay niya.

"Hindi na lang sa career, pero sa buhay.

"So, I’m really praying that he would find the right way. And sana maayos na soon."

Kung sakaling matuloy pa rin ang Cain At Abel, papalitan na ba si Aljur sa role nito?

Ayon kay Alden, “Sa pagkakaalam ko po, ang sabi, parang pahinga muna raw siya working with soaps, movies...

“So, I don’t know po what the production would decide, kung papalitan siya or iha-hang muna yung project until he’s available already.

"I really don’t know po, pero mukhang matatagalan po bago mag-resume yung shooting."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden noong Linggo, September 14, pagkatapos ng Sunday All Stars.



CONSOLING KYLIE. Sa isang banda, malaking bagay raw na nahinto ang shooting ng Cain At Abel dahil puspusan ngayon ang taping ni Alden para sa Ilustrado, ang "bayani-serye" ng GMA kung saan gumaganap siya bilang Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Leading ladies dito ni Alden sina Kylie Padilla at Solenn Heussaff.

Hindi ba nila napag-uusapan ni Kylie si Aljur?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Alden, “Hindi siya nag-o-open up sa akin. And I respect her.

“Kumbaga, she’s really leaving the issue behind. Hindi po niya inu-open.

“Kung ano lang yung dapat naming gawin, dun lang kami.

"And si Kylie, ang dali din niyang katrabaho."

Sa tingin niya, naka-move on at masaya na si Kylie ngayon?

“Hindi madali, the way I see her.

“Kapag merong mga moments na siya lang, I can see na may iniinda pa rin siya, kasi mabigat po talaga.

“And mabigat din yung role niya sa Ilustrado.

"So, sa tingin ko, nakakatulong na may paghuhugutan siya.

“Kasi mahal na mahal niya yung kanyang role bilang si Leonor Rivera na naging girlfriend ni Rizal.”

Ano ang ginagawa ni Alden kapag napapansin niyang malungkot at very low ang pakiramdam ni Kylie?

Saad niya, “Nag-workshop po kasi kami ni Kylie, so nagkaroon din kami ng chance and time to share yung sa buhay, para magkaroon kami ng connection as Rizal and Leonor.

“So, si Kylie, kapag nakikita kong ganun, meron lang akong tapik diyan or hand gesture sa kanya, tatango na siya.

“Wala po akong idea kung ano ang nangyari between her and Aljur.

"Pero in that simple way na ma-comfort ko siya, malaking bagay na sa kanya iyon para makapagtrabaho na kami nang maayos.”



LOVELESS. Pareho silang single ngayon ni Kylie. Bukas ang posibilidad na dahil magkapareha sila sa Ilustrado ay ma-link din sila.

Reaksiyon ni Alden dito, “Hindi naman mawawala ‘yon.”

Puwede ring mangyari na mapalapit sila nang husto ni Kylie sa isa’t isa at magkagustuhan, gaya ng ibang mga nagiging magkapareha sa isang project.

Sabi ni Alden, “I’m not saying no to anything.

“Basta ako po, magtatrabaho lang, and will just go with the flow.

“Ako, ’andito lang ako para kay Kylie as a friend.

“Nandito lang ako for her to make her feel better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tutulungan ko siya at my utmost para mapaganda namin ang kalalabasan ng aming trabaho.

“At saka may fire towards work yung team ng Ilustrado.

"Kaya mahihiya kang hindi gawin yung part mo nang mabuti.

“Kasi ultimo production assistant, sobrang involved sa project. ’Tapos ikaw, tatamarin kang aralin at gawin ang trabaho mo?

“Kaya buong-buo kami para sa Ilustrado.”

May kissing scene ba sila ni Kylie?

“Nakunan na po,” sabi ni Alden.

How was it?

“Wala lang po. Just, ’Action!’ then kiss.

“Bago mag-take, tinanong ko naman po si Kylie, ’Okey ka lang?’

“Kung gusto ba niyang dayain ko kasi puwede namin dayain.

“Sabi naman niya, ’Hindi, go.’ Okey lang daw siya.”

Five years na ang nakararaan mula nang huling magka-girlfriend si Alden, at hindi naman daw niya hinahanap ang pagkakaroon ng lovelife sa ngayon.

“Kung dumating, malay mo, nasa tabi-tabi lang.

“Hindi ko hinahanap kasi siguro masyado lang malakas yung urge ko na kailangan kong magtrabaho.

"Dahil kailangan kong mabigyan ng magandang buhay ang family ko.

“Kaya siguro hindi ko hinahanap pa na magkaroon ulit ng girlfriend.

“’Pag dumating, so be it!” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN