Ciara Sotto "excited and nervous" about the arrival of her first baby

Ciara Sotto on her fear as a future mom: "Kasi hindi ko alam kung magiging okey ako na mom. Kasi cool aunt ako sa mga pamangkin ko, pero hindi ko alam kung cool mom din ako! Baka mas strict ako as a mom, ganun. So, hindi rin ako sure."


Kahit apat na buwan nang buntis, hindi pa rin halata ang tiyan ng actress-singer na si Ciara Sotto.

“Ang tagal naming hintay ito. Four years na kaming married ng husband ko [Jojo Oconer], ‘tapos biglang dumating,” masayang bungad ni Ciara nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa green room ng Studio 6 ng GMA Network kagabi, September 17.

Isa si Ciara sa celebrities na naging contestants sa taping ng Celebrity Bluff, ang game show na hinu-host ni Eugene Domingo sa Kapuso network.

Hindi raw malilimutan ni Ciara yung time na nalaman niyang buntis siya.

Kuwento niya, “I was so excited.

“Actually, I’m nervous, kasi hindi ako sure.

“Kasi sobrang busy ko nung time na ‘yon. We were doing Hari Ng Tondo,” pagtukoy niya sa isang indie film na kanyang ginawa para sa Cinemalaya.

Patuloy ni Ciara, “And then we were rehearsing pa for Celebrity Dance Battle [TV5].

“Akala ko, delayed lang ako because of the stress that I’m going through at saka tension.

“Yun pala, nandiyan na pala yung baby. ‘Yon!

“So, super happy kami.”

Sino ang kauna-unahan niyang pinagsabihan na buntis siya?

Sabi ni Ciara, “Actually, I took a picture of the test.

“’Tapos tinanong ko kay Danica [Sotto]. Sabi ko, ‘Girl, positive ba ‘to?’

“Kasi first time na lumabas na ganun.

“’Tapos sabi niya, ‘Oo, Ate.’ Sobrang taranta siya.”

Si Danica ay pinsang buo ni Ciara.

“And then, ‘yon, sinabi ko na sa mommy ko [Helen Gamboa].

“Excited sila. Super-excited sila.

“Kasi ano, e, they’ve been wanting na magkaroon ako ng baby.

“So, they’re all super-excited. They’re very protective of me.

“Gusto nila akong ingatan na, ‘Uy, huwag ka nang mag-drive, mag-driver ka na lang.’ Sobrang protective.

“My husband, very, very happy din siya.”

THE COMING. Alam na ba nila kung lalaki o babae ang ipinagbubuntis niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ciara, “Hindi pa.

“Actually, parang boy siya dun sa ano… ultrasound.

“Pero mas sure daw kasi kapag five to six months, so uulitin.”

May mga plano na ba silang napag-uusapan ng husband niya hinggil sa parating nilang baby?

“Wala naman. Kasi ano, e… yun lang, we were just waiting na lumabas siya.

“Of course, we’re making room dun sa condo namin na… kung saan puwedeng mag-stay ang baby.

“Pero since maliit pa yung place namin, baka dun na rin sa master’s [bedroom]. ‘Yon!”

CIARA’S PREGNANCY. Hindi naman daw maselan ang kanyang pagbubuntis. Parang wala rin daw siyang specific na napaglilihian.

“Nagiging matakaw lang ako masyado.

“Pero wala naman akong hinahanap na certain food. Hindi naman ganun.

“Pero minsan talaga, may morning sickness.

"‘Tapos medyo hiluhin at nagsusuka lalo na nung first three months ko. Konting may maamoy lang na hindi ko gusto.

“Actually, hindi ako masydaong maarte, pero kapag may mga amoy na kunyari sobrang bango, ‘tulad nung fabric conditioner, minsan nasusuka ako.”

Nagkakaroon din ba siya ng mood swing because of her pregnancy?

“Minsan!” tawa ni Ciara.

Sinusungitan o inaaway ba niya ang kanyang mister?

“Not on purpose.

“Pero minsan lang, wala ka talaga sa mood na makipagkuwentuhan.

“Yung ganun? Parang gusto mo tahimik lang.”

May fears din ba siya ngayon kaugnay ng pagbubuntis niya?

Sabi ni Ciara, “Meron. Kasi hindi ko alam kung magiging okey ako na mom.

“Kasi cool aunt ako sa mga pamangkin ko, pero hindi ko alam kung cool mom din ako!

“Baka mas strict ako as a mom, ganun. So, hindi rin ako sure.

“Yung family ko and some of my friends, lagi nila akong ina-advice na, ‘Easy ka lang, iwasan mo kung ano yung mga bad for the baby.’

“Huwag din daw akong masyadong magpataba para hindi masyadong maging malaki yung baby. Yung gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga sisters ko rin naman kasi, may mga kids na, so they’re also guiding me.”

May mga naiisip na ba silang posibleng kuning mga ninong at ninang ng kanilang magiging anak?

“Wala pa… wala pa.”

Pero sino sa isip niya ang siguradong hindi mawawala sa listahan ng godparents?

“Si Danica. For sure, si Danica.

“At saka si Ate Sharon [Cuneta], yun.”

Ilang baby ba ang plano nila ng husband niya?

“Wala kaming plano… kung ilan ang ibigay ni Lord.”

Pagkapanganak niya, does she see herself na magla-lie low na sa showbiz at ipa-prioritize ang kanyang pagiging ina at asawa?

Sagot ni Ciara, “Hindi ko pa alam talaga.

“Pero kung may magandang project, siyempre, ‘di ba, why not? Kasi work din ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN