Eugene Domingo on Ai-Ai delas Alas’s relationship with a 20-year-old student: "May sarili na siyang pag-iisip at saka may sarili naman siyang mga pangangailangan."

Nilinaw ni Eugene Domingo na hindi siya choosy pagdating sa pagpili ng manliligaw. Sabi niya, “Wala namang nagpaparamdam lately sa ngayon. At saka hindi naman ako intimidating. Kapag may bastos, bastos talaga ako! Kapag may gusto sa ‘yo, may gusto talaga, ‘di ba? Ako naman, e, appreciative naman ako sa mga blessings ni Lord. Alam mo ‘yon? Yung minsan, kapag hindi ibinibigay sa ‘yo, kasi hindi mo kailangan.”


Bilang matalik na kaibigan ni Ai-Ai delas Alas, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Eugene Domingo hinggil sa pagkakaroon ng 20-year-old boyfriend ni Ai-Ai.

Read: La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

“Na-shock ako!” natatawang sabi ni Eugene nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng taping ng game show niyang Celebrity Bluff kagabi, Miyerkules, September 17.

Kung ang bagong boyfriend ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan ay 20 pa lamang, ang komedyana ay magdiriwang na ng kanyang 50thbirthday sa November 11.

Dahil dito, may mga negatibong sinasabi ang netizens tungkol kay Ai-Ai. Na kesyo parang anak na lang nito ang bagong karelasyon at parang hindi pa rin daw natututo ang komedyana sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Pahayag ni Eugene tungkol dito, “Actually talaga, sa totoo lang, wala tayong pakialam, ‘no?

“Kasi, si Ai-Ai, may sarili na siyang pag-iisip at saka may sarili naman siyang mga pangangailangan.

“E, hindi naman natin… we have no right, you know, even to react.

“But I just hope that she’s happy.”

Si Eugene, nai-imagine ba niya ang sarili na ma-in love sa isang lalaki na mas bata sa kanya ng maraming taon?

“No,” mabilis na sagot ni Eugene.

“Hindi ako mahilig sa bata, e. Gusto ko yung mas matanda sa akin.

“Kasi gusto ko baby ako forever.”

Parang yung pangbi-baby sa kanya ni Jose Manalo kapag nagkakatuksuhan na sila at naghaharutan sa Celebrity Bluff, na ikinaaaliw ng maraming viewers?

Natatawang pagsang-ayon “Oo, carried na carried talaga ang mga tao, ano? Cute naman talaga!”



STILL LOVELESS. Matagal na panahon na siyang walang lovelife, at tila hindi naman niya hinahanap ang pagkakaroon ng special someone.

Ayon kay Eugene, “Kasi ang paniniwala ko diyan, kapag masyado mong hinahanap or masyado mong pinaghihirapan, hindi ‘yon.

“Love should be easy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pihikan ba siya pagdating sa pagkilatis ng manliligaw? Hindi rin ba siya intimidating o mahirap lapitan ng mga guys na gustong magparamdam o pumorma sa kanya?

Tugon ng actress-TV host, “Hindi, and wala namang nagpaparamdam lately sa ngayon.

“At saka hindi naman ako intimidating.

“Kapag may bastos, bastos talaga ako!” natatawang biro pa niya.

“Kapag may gusto sa ‘yo, may gusto talaga, ‘di ba?

“Ako naman, e, appreciative naman ako sa mga blessings ni Lord. Alam mo ‘yon?

“Yung minsan, kapag hindi ibinibigay sa ‘yo, kasi hindi mo kailangan.”

Wala man siyang lovelife, lagi pa ring blooming at fresh ang kanyang aura.

“Wala kasi akong stress. Wala rin akong pagod!” nakangiting sabi niya.



SPECIAL COURSE. Light lang daw ngayon ang kanyang schedule dahil wala siyang iba pang project na pinagkakaabalahan.

Kaya may sapat na oras siyang pagtuunan ang iba pang mga bagay na gusto niyang gawin, gaya ng pag-aaral ulit.

Kuwento ni Eugene, “I’m taking up a special course, yung Spanish Language and Culture sa Instituto Cervantes.

“At talagang nagsimula ako sa ano, ha… yung Curso Uno. ‘Tapos tuluy-tuloy siya.

“Kasi, every course na 30 hours, meron kaming matatanggap na certificate.

“’Tapos tuluy-tuloy lang siya until umabot ako dun sa parang special courses.

“Yung puwede kang mag-Master ng kunyari, puwede mong pag-aralan yung Noli Me Tangere, yung Spanish. Pipili ka ng gusto mong course.

“Personal interest ko talaga ang Spanish course.

“Kasi nung college, sa UP [University of the Philippines], meron kaming tinatawag na elective na Foreign Language.

“Spanish yung pinili ko, kasi gusto ko siya talaga.

“Malapit ko nang matapos yung unang kurso… almost three months na ako sa pag-aaral nun.”

Kumusta naman ang mga kaklase niya?

“Ang cute! Mga kaedad ko, mga 23… 25!” natatawang biro niya.

Paano siya i-treat ng mga ito?

“Nung una, parang chill lang sila.

“’Tapos nung nag-break na ako ng ice, na sabi ko, ‘Meron akong dalang baon, sa inyo na lang, kasi malapit na siyang ma-expire.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinain naman nila!” tawa niya.

“’Tapos ‘yon, nag-picture-picture-an kami, ‘tapos okey na.

“Sa ngayon, hindi ko pa kayang mag-two or three times a week sa klase dahil marami pa akong inaasikaso.

“So, every Saturday ako nag-a-attend ng class, pero matagal, buong hapon.”



EUGENE’S SENTIMENT. Pinag-usapan ang insidenteng naging emosyunal si Eugene sa presscon ng pelikula niyang Barber’s Tales.

Ito ang pinakahuling pelikulang ginawa niya kung saan nanalo pa siyang Best Actress sa isang international film festival sa Japan.

Naibuhos ni Eugene ang kanyang pagkadismaya hinggil sa hirap magbenta ng pelikula kahit gaano man kaganda ang pagkakagawa nito.

Naka-get over na ba siya sa ganung sentimiyento at pakiramdam niya?

Sagot niya, “Oo. Kasi nakita ko na ang dami-daming sumuporta sa mga indie films or independently-produced films nitong mga nakaraang buwan.

“So, nakakatuwa talaga.

“Kasi sabi ko, I think kung sasabihin man nila na parang grabe naman na naging emotional ako, natutuwa ako kasi kahit na papa’no, naantig naman na… siguro naintriga rin yung mga tao, ‘no?

“So, ako naman, e… I was just being honest about how I feel.

“Kasi passion mo yun, e, ‘di ba?

“So, gusto mo lang talaga na sana, kapag may mga pelikula na bago or puwedeng magustuhan ng mga manonood, bigyan nila ng chance.

“I’m not only talking about Barber’s Tales. I am talking about all the Filipino films in general.”

Establisado na si Eugene bilang isang mahusay na komedyante at dekalibreng dramatic actress.

Bagamat hindi siya nawawalan ng movie offers, hindi raw niya priority ngayon ang paggawa ng pelikula.

Paano na ang fans niyang mami-miss siyang mapanood sa big screen?

Saad ni Eugene, “Pero palabas naman lagi sa Cinema One yung mga pelikulang kasama ako.

“And siyempre, hindi naman mawawala yung pagiging artista mo, ‘di ba?

“Kaya lang, sometimes, kailangan mo ring mabuhay nang normal para may bago kang dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, baka kasi yung maibigay mo ay hindi na fresh.

“So, you have to live as a person first.

“And then, kung ano yung bago mong matututunan, because you live a life na normal and you learn so many things about the normal people, baka may mas maganda kang dating ‘pag napanood ka nila ulit sa screen.”

Gaano pa kaya katagal bago siya magkainteres ulit at magkaroon ng drive na gumawa na naman ng pelikula?

“Hindi ko masabi kung gaano katagal, pero hindi ko siya priority.

“So, if I will be given a choice, I think I will still study.

“Or if I miss acting, maybe uunahin ko yung entablado.”

How about having another TV show?

“Kung hosting, okey lang.”

Ayaw niya ng sitcom?

“Ayoko!” natatawang sagot ni Eugene.

“Kasi ang haba ng working hours, e.

“Unlike kapag hosting, ‘tamo tapos agad. At saka ang saya.

“’Tapos kapag stage naman, ganun din. Maiksi lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN