Yul Servo feels lucky to work with Nora Aunor for the third time

Yul Servon on working with Superstar Nora Aunor: "Pagka hindi mo makuha, talagang tutulungan ka niya. Nag-a-acting coach pa ito si Nanay! Kaya napakagaling talaga. Mata pa lang, madadala ka na!"


Balik-tambalan si Yul Servo at ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Dementia na idinirek ng first-time director na si Perci Intalan.

Kaya sa presscon ng Dementia noong September 16, ang tungkol sa muli nilang pagtatrabaho ng Superstar ang kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yul.

Saad ng aktor, “Bale nakakatuwa po na, kumbaga, makatrabaho ko uli si Nanay Guy.

“Pangatlong pelikula, pangatlong trabaho na po namin ito.

“Yung una yung Naglalayag [2004] ‘tsaka yung pangalawa, yung madre siya sa TV5 po. ‘Tapos ngayon dito sa Dementia.

“Siguro isa ako sa pinakamasuwerteng artistang lalaki sa henerasyon namin.

“Kasi, biruin mo, pangatlong movie ko pa lang po, nakatrabaho ko siya.

“Hindi lang po basta trabaho, naging leading man niya po ako dun kaya…

“Pero ito pong pangatlong trabaho namin, talagang naging close na po kami."

Kuwento pa ni Yul, “Kasi sa Dementia po… kasi sa pangalawang pagtatrabaho namin, nahihiya po ako lagi sa kanya.

“Parang nakakahiya po, parang nakaka-intimidate.

“Pero napakabait niya po.

“Pagka nakikita ko silang dalawa ni Miss Bing [Loyzaga], pagka ano, talagang akala mo hindi Superstar.

“At saka talagang yung bonding nila sa Batanes, kakaiba.

“Kaya ang cute ni Nanay, e. Ang sarap hong katrabaho!

“’Tsaka talagang ano, mahahawa ka sa kanya, yung galing niya puwede niyang ibigay sa mga co-actors.

“’Tsaka minsan, kahit hindi niya eksena, biruin mo, susuportahan niya miski hindi siya ang kinukunan sa kamera, talagang susuportahan niya. Hihintayin ka niyang matapos.

“’Tsaka isa pa yung ano, pagka hindi mo makuha, talagang tutulungan ka niya.

“Nag-a-acting coach pa ito si Nanay!

“Kaya napakagaling talaga. Mata pa lang, madadala ka na!”

Ano naman ang mga napansin niyang nabago sa Superstar?

Ayon kay Yul, “Ano, nung dati kasi, nung Naglalayag at saka yung madre siya, ano bale, parang seryosong-seryoso siya nun.

“Parang ano, nakaka-intimidate nung una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ito ngang pangatlo, itong sa Dementia, yung nakikita ko yung bonding nila ni Miss Bing Loyzaga, parang ano… ibang klase si Nanay dito, e. Parang masiyahin.

“Dati, hindi ako nakakapagsalita sa kanya, e.

“Ngayon, nakapagsalita na ako sa kanya. Nakakakuwentuhan ko na. Dati hindi, e.

“Nakakakuwentuhan ko lang siya ‘pag sa set, pero ngayon, miski hindi [lang sa set].

“Parang ang nagbukas sa akin na mapalapit kay Nanay Guy si Miss Bing Loyzaga nga, kasi kami yung magkakasama, e.

“Yung samahan kasi nila, parang nagiging kalog din si Nanay.”

Tumatawa namang sinegundahan ito ni Bing mismo.

Sinabi ng aktres na dahil tahimik si Yul at siya ay madaldal, ang madalas na nagsasalita ay si Bing on behalf ni Yul.

Dahil daw dito ay naging madaldal na rin si Yul.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Dementia sa September 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN