Kris Bernal to ex-boyfriend Carl Guevara: "Alam mo yung totoo, alam mo yung nangyari, alam mo yung dahilan kung bakit nawala."

Kris Bernal is surprised that she is getting all the blame for the unhappy ending of her relationship with Carl Guevara. Still, she says, “Masaya ako para sa kanya.”


Patuloy sa kanyang sentimiyento si Kris Bernal kaugnay sa mga rebelasyon ng ex-boyfriend niyang si Carl Guevara tungkol sa kanilang relasyon at rason ng breakup nila.

Ayaw man daw niyang magsalita, hindi na napigilan ni Kris na ilabas ang kanyang mga saloobin tungkol sa hiwalayan nila dahil sa mga pahayag ni Carl tungkol sa kabanata sa buhay nilang dalawa na dapat ay sarado na.

Read: Carl Guevara reveals his relationship with Kris Bernal lasted for two years

Saad ng Kapuso actress, “First I was surprised, nagulat ako na parang he’s telling everyone that we had a two-year relationship.

"Well, oo. Ako, iisipin ko na ganun nga siya katagal.

“Pero ako kasi, hindi ko na siya nabilang, it was an on-and-off relationship.

"Pero siya, kinunfirm [confirmed] niya ’ata na talagang naging kami and two years yun.

“Hindi ko naman siya masisisi, hindi naman sumasama ang loob ko doon.

"Kaya lang, for me, naging tahimik ako and ipinaglaban ko kung ano ang relasyong meron kami.

“Nagulat ako na sinasabi niya lahat nang ito ngayon.

“Nagugulat din ako sa mga sinasabi niya na parang naging tanga raw siya.

"Na hindi ko naman alam kung kailan at paano.

"Kasi kung ako ang tatanungin, parang hindi tama na sabihing naging tanga siya.

“Ayokong sabihing siya ang may kasalanan, pero may pagkakamali rin siya.

"Kaya huwag niyang sabihing naging tanga siya.

“Kaya nga naging on and off yung relationship namin dahil nga may mga hindi na kami napagkakasunduan.

"I think ginawa ko na yung best ko, I adjusted sa mga gusto niya at I’ve given my all.

"Yung mga oras ko, yung makakaya ko, ’tapos parang ako pa yung masasabihan na... sasabihin niya na tanga siya, ganun?

“Kasi feeling ko, hindi ako nagkulang doon.

"Kung on and off yun, may pagkakamali siya doon."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa GMA Studios noong September 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REGRETS. Sinabi ni Kris na kung may pagsisisi si Carl, sa parte niya ay wala.

"Kasi, honestly, I learned a lot from the relationship.

“Ang dami kong natutunan at saka feel ko rin na marami siyang natutunan.

“Kung nagsisisi siya, okay, fine.

"Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako nagsisisi.”

Sinagot ni Carl ang isyu na hindi umano siya nagpapaalam kay Kris sa mga pinupuntahan nitong mga gimik.

Sa naging takbo ng komento ng model-turned-actor, parang lumalabas na possessive si Kris sa nasabing boyfriend niya.

Sagot ni Kris dito, “It’s not that I’m possessive.

"It’s just that nature ko lang na… I’m so protective and maalaga akong tao.

“Yes, lumalabas siya noon na hindi niya sinasabi sa akin, tumatakas siya.

"Marami akong nakikitang mga pictures na may mga kasama siya na hindi ko gusto.

“Ang babaw sige kung iisipin ninyo, pero paulit-ulit na.

"Hindi lang siya nangyari nang ilang beses, siguro naka-six times na niyang nagawa yun, napuno na rin ako.

"Ano ba? Nag-adjust na ako, bakit kailangan pa ring magtago, bakit kailangan pa ring magsinungaling?"

MORE HEARTACHES. Marami pang hinaing si Kris dahil naging mabait naman daw siya sa dating boyfriend.

“Naisip ko, naging mabuti naman ako, naging mabait naman ako.

"Wala naman siyang masasabing hindi maganda, never siyang makakakita sa akin ng butas o mali.

"Never ko naman sinasabing perfect ako, pero yung ganung klaseng bigat na problema, wala siyang makikita.

“Pero bakit ganun yung balik sa akin ni Carl?”

Ayon sa interview ni Carl, hindi na raw nito kailangang magpaalam dahil ang mga kasama lang niya ay ang mga kapatid niya, miyembro ng pamilya, o mga kaibigan.

Tugon dito ni Kris, “Sa totoo lang, napag-usapan na namin ’yan ni Carl.

"Kasi, sa totoo lang, when he gets drunk, talagang he becomes a different person. Nag-iiba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko basehan yung mga kasama niya, yung mga kapatid niyang kasama niya.

"It was because meron akong nakikita sa mga pictures na ibang kasama na nalalaman ko na may kuwento kung bakit kasama niya yung ibang tao.

“Hindi ito mga taong kaibigan lang niya o ano.

"Yung mga taong kakakilala lang niya sa bar o mga babaeng nakakasama niya na hindi ko naman kilala.

“Ang point ko nga, bakit kailangan mong tumakas?

"Bakit kailangan mong magtago sa akin e pumapayag naman ako, okey naman sa akin na uminom ka?

“At tinanggap ko yun sa kanya kahit hindi ako umiinom na tao.

"Sige, kahit kailan mo gusto, kahit kailan mo gusto umuwi, okey lang.

“Yun lang, pumayag na ako, bakit kailangan mo pang tumakas?

“So, ano bang iisipin ko, ’di ba?

"’Tapos nakakakita pa ako ng ilang pictures, ang dami-daming pictures.

"Ang dami-daming kuwento na may mga iba na nga siyang kasama na nakakakilala lang niya sa bar."



HEMMED IN. Bakit sinabi ni Carl sa interview niya na napagod umano siya sa relasyon nila? Parang nasasakal ba siya sa relasyon ninyo?

Saad ni Kris, “Ewan ko, sa totoo lang, lahat naman okey sa akin.

"Oo, may time naman na nasasakal ko siya, pero dahil gusto kong mag-work yung relationship.

"Talagang nag-adjust ako. Pinayagan ko na siya.

"Lahat ng gusto niya, gawin niya.

“Pero bakit yung balik sa akin, ganun pa rin... hindi naman mataas ang expectation ko sa tao.

"Pero feeling ko lang, I don’t deserve that treatment kasi nagbibigay ako ng buong-buo pero siya hindi."

Isa pa sa naging isyu ay ang pagtanggi ni Kris sa pagiging official na ng relasyon nila ni Carl. Ayaw raw kasi ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA na nangangalaga sa career ni Kris, na ihantad ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ito ng Artist Center at sinabing hindi sila nakikialam sa personal life ng kanilang talent.

Paliwanag ng aktres, “Wala naman talaga kahit sa GMA Network, hindi nila sinasabi na avoid Carl or anything.

"Hindi nila ako pinagbabawalan at all, pero siyempre, may limits.

“Hindi puwedeng all-out ako, dapat ganito lang tayo, dapat hindi tayo masyadong…

"Ayoko rin kasing nasasawsawan yung trabaho ko, na mas nagpu-focus ako sa personal life ko.

"Ayoko nang ganun kaya binigyan ko ng limitasyon.

“Nong nililigawan pa ako ni Carl, sinabi ko sa kanya na may ganitong limits.

"It’s either you accept it or you don’t."



UNKINDEST CUT. Sa lahat ng kinasasama ng loob ni Kris kay Carl sa pagbubukas nito tungkol sa kanilang dalawa, pinakamabigat daw ang pagwawalang bahala ng aktor sa magiging epekto nito sa dating girlfriend.

Pahayag ni Kris, “Kung ako nga na-feel ko na dapat ako yung may sama ng loob, pero iniingatan ko pa rin siya.

"Hindi ako nagsasalita ng masama tungkol sa kanya.

"Lagi kong sinasabi na napakabait niyang tao, mapagmahal, after everything.

“Pero bakit yun ang balik niya sa akin? Anong nagawa ko?

“So, nasasaktan ako kasi parang doble ba.

"Ako yung nasaktan, ’tapos ako ngayon ako pa rin yung nasasaktan.

"Sa totoo lang, nasasaktan ako kasi bakit ako yung sinisisi ng lahat?

"Same with him na bakit sa akin nagagalit or may sama ng loob?"

Ibig sabihin, wala nang pag-asang magkabalikan pa kayo?

Umiling na sabi ni Kris, “Ang dami nang nasira, ang dami nang nagkapatung-patong na rin.

“Ang dami ko ring naririnig sa kanya nung magkasama kami, nung okey pa kami, na hindi maganda.

“Hindi ako judgmental na tao na gusto kong sabihin na, ’Ay, totoo nga, ganyan-ganyan.’

"Pero, kumbaga, sa dami kasi ng mga naririnig ko, natatauhan ako na siguro hindi na dapat ituloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe ba si Kris sa dating kasintahan?

“Well, message ko, okay, Carl, alam mo yung totoo, alam mo yung nangyari, alam mo yung dahilan kung bakit nawala.

"Sana wala nang samaan ng loob para maging masaya na tayo.

“Kung ano yung mga nagawa dati na mali, sana maayos natin yun na sa atin lang.

"Kasi nahahaluan ng ibang kuwento, mas nagiging mabigat."

Sambit pa ng aktres sa bandang huli, “Masaya ako para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN