Edward Mendez confirms Vicki Belo and Hayden Kho are close again: "You’ll never know, someday mag-rekindle yung flame."

The model-actor affirms that Vicki Belo has become a sex symbol to a lot of people, but to Edward Mendez, she’s simply beautiful inside out.


Naniniwala ang model at fitness instructor na si Edward Mendez na may pag-asa pang magkabalikan ang celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho Jr.

Lalung-lalo na ngayong muling close sa isa’t isa ang dalawa matapos nilang maghiwalay noong nakaraang taon.

Samantala, si Edward naman ay naugnay kay Dra. Belo matapos ang nasabing hiwalayan.

Kalaunan naman ay itinanggi ito ni Edward at sinabing close lang siya sa pamilya Belo.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippinr Entertainment Portal) tungkol kina Vicki at Hayden, "Ang hirap magsalita nang patapos, ’di ba?

"You know, time will tell, they keep in touch and they are great friends.

"Siyempre, hindi talaga mawawala yung friendship.

"But that’s all I know.

"Hayden is gonna be always special to her, but as far as I know, they’re just friends [now].

"But, you’ll never know, someday mag-rekindle yung flame.

"Kung saan masaya si Vicki, okey ako dun."

Malaking factor din daw sa pamosong doktora ang pagkakalapit ng ex-boyfriend nito sa Diyos.

Ibang-iba na nga raw ang personalidad ni Hayden kung ikukumpara ito noon.

Paliwanag ng newbie actor, "Hayden has a religious background before pa.

"With the things he went through, yun ang pinakasolusyon niya.

"I’m happy for him, kasi when I speak with him, talagang sobrang napakaganda ng energy na ibinibigay niya.

"At saka he’s so sincere that he’s into God, and more power to him.

"But what brought him talaga is himself, ang lahat ng pinagdaanan niya."

LAUGHABLE. Tungkol naman sa kanila ni Vicki, alam naman daw ni Edward noon pa na maiintriga sila kaya napaghandaan na niya ito.

Natatawang pahayag niya, "Matagal na akong nagtatrabaho kay Vicki.

"When I entered showbiz, dun na nagkaroon ng intriga.

"Actually, prepared na ako nun, kasi being an actor, you are not a complete showbiz personality kung walang ganung intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, I’m close to Vicki, so hindi maiiwasan yung ganun."

Dugtong pa niya, "I handle it with poise.

"It’s good na nang pasukin ko ang showbiz ay nasa mature age na ako.

"Kaya ko nang i-handle yun, wala na yun sa akin."

Diretsahang tinanong ng PEP kung hindi ba siya na-attract kay Vicki.

Sagot ng fitness directorng Belo Medical Group, "We laugh about it.

"We laugh at the things na naririnig namin ’pag tungkol sa ganyan.

"I mean, it’s hard to explain to every person na it’s not the case, so I just let it."

Apektado ba ang magandang samahan nila ng doktora?

Aniya, "No, hindi naman.

"’Di ko binago ang pakikisama ko sa kanya before and after showbiz regardless of the issues.

"Why should I? I’ve been really close to her and to her family.

"We really started kasi as friends, e. That’s how we are."



BEAUTIFUL PERSON. Hindi naman daw niya itinatanggi na very attractive si Dra. Belo.

Saad ni Edward, "Kaya nga, I can’t blame Hayden dahil she’s really a very beautiful person inside out.

"When you get to know her and spend sometime with her, hindi lang siya yung glamourous Vicki that you see sa magazines at TV.

"She’s really a very, very beautiful person.

"She does a lot of charity works na hindi na niya pinapa-broadcast.

"She’s always active doing things for a good cause.

"You know, maraming bagay talaga na napakaganda sa kanya na most of you don’t know yet."

Hindi niya inisip na makaramdam ng romantic love for her?

Giit ni Edward, "No, because she’s more of a family to me.

"The kids are like my siblings. I get invited for lunch sa kanila every Sunday and spend time with her family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They consider me as like an adopted child, I hang out a lot with them, her ex-husband [Atom Henares] is my barkada.

"So, alam niyo, wala na sa akin ang ganun, e.

"For me, yeah, I can say that a lot of guys are attracted to her, like my friends.

"I can’t blame them, she’s a sex symbol to a lot of people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN