Loisa Andalio on finding sudden fame after PBB: "Marami din akong bashers paglabas ko."

Loisa Andalio is both flattered and humbled that people see her physical likeness to Angel Locsin and Andi Eigenmann. She says, "Ang pinagkaiba, magagaling na silang artista, magaling silang umarte, ako wala.”


Kapansin-pansin na malaki ang pagkakahawig ng dating Pinoy Big Brother All In housemate na si Loisa Andalio kina Angel Locsin at Andi Eigenman.

Malaking karangalan daw kay Loisa ang paghahambing sa kanya sa dalawang may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Sabi niya, “Siyempre Andi Eigenmann yun, kilala ko siya, ang ganda-ganda niya.

"’Tapos si Angel pa, sobrang wow!

"Maraming nagsasabi na kahawig ko raw, sobrang nakaka-flatter.

"Ang pinagkaiba, magagaling na silang artista, magaling silang umarte, ako wala."

SUDDEN FAME. Balita ring makakasama si Loisa sa upcoming soap ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Sa kabila nito ay ayaw namang mag-expect ni Loisa hangga’t ’di pa nagsisimulang gumiling ang kamera.

“Hindi ko pa alam kung tuloy, kung final kasama ako.

"Kasi, puwede pa akong mawala kaya ’di ako nag-e-expect na sa akin ’yang character na ’yan."

Aminado rin si Loisa na maraming nabago sa kanya paglabas niya ng Bahay ni Kuya. Bukod kasi sa nagkaroon siya ng maraming tagahanga ay marami ring namba-bash sa kanya.

“Paglabas ko, nagulat ako, sobrang daming sumusuporta sa akin, marami din akong bashers paglabas ko.

"Pero okay lang kasi natural yun, lahat naman ng tao nagdya-judge.

"Lahat naman tayo may kanya-kanyang opinyon, natural lang naman yun.

"Kaya naiintindihan ko sila."

ON JANE. Dumalo rin si Loisa sa debut ni Jane Oineza sa Fernwood Gardens noong nakaraang Linggo, September 14.

Housemates sila sa PBB All In at sa pananaw ni Loisa, matapang na tao si Jane bukod sa mahusay itong umarte.

Sabi niya, “Alam ko naman na strong person si Jane, kumbaga, dito sa labas yung challenge, sa career niya.

"’Tapos nakikita ko naman… may ginawa kaming movie sa loob ng Bahay ni Kuya, nakita ko na magaling si Jane at kaya niya.

"Sobrang strong niya na tao, kilala ko siya na sobrang focus siya sa dream niya, sa goal niya sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN