Miguel Tanfelix assures fans there’s life for BianMig after Niño

Miguel Tanfelix on being told he’s now in league with young top stars, "Ayoko po, basta happy po ako sa magandang nangyayari sa career ko."


Last week ay nagwakas na ang primetime series ng GMA na Niño. Pangunahing tampok dina sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at ang child actor na si David Remo.

“Masaya po ako kasi yung pinaghirapan namin ay na-appreciate ng mga tao,” masiglang bungad ni Miguel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Celebrity Bluff noong Miyerkules, September 17.

Isa si Miguel sa celebrity guests sa kinunang episode ng nasabing game show hosted by Eugene Domingo.

Kasama niyang naglaro ang ka-loveteam na si Bianca Umali.

Patuloy pa ng teen actor, “Yung mga pagpupuyat na ginawa namin habang nagti-taping ng Niño at yung pagpapakabasa sa ulan.

"Nakakatuwa na may maganda naman pong kinalabasan.

“Ang sarap po sa pakiramdam na na-appreciate nila po talaga.

"Kasi para naman talaga sa kanila ‘yon, para mag-enjoy yung mga viewers.

“Masaya ako na may mga aral kaming naibahagi sa mga tao, may mga magagandang values na naituro po.

"Masarap kasi sa feeling na nakakapag-inspire ka ng mga tao."

TOO SOON. First lead role niya ang Niño at marami ang nagsasabi na napalinya na si Miguel sa hanay ng mga pangunahing teen stars sa ngayon.

Saad niya tungkol dito, “Masaya po ako na mas kilala na ako ngayon kesa sa dati.

"Kapag nasa labas ako, may mga ang tawag na sa akin ay Niño.

“So, nakakatuwa po talaga.

“Matagal ko rin naman pong pinaghirapan bago ako nabigyan ng ganito kalaking break.

"Since StarStruck Kids pa po, nagpupursigi na ako.

“Pero hindi ko naman po iniisip na ka-level na ako ng mga sikat na young stars ngayon.

"Ayoko po, basta happy po ako sa magandang nangyayari sa career ko.

"At sana nga ay magtuluy-tuloy lang ito."

Halos five months din ang itinagal ng pag-ere ng Niño at marami raw na mami-miss ang teen actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung bonding namin ng buong cast… yung buong production staff at crew.

“Mami-miss ko rin na katrabaho si Direk [Maryo J. delos Reyes, na mentor din niya]."

PUPPY LOVE? Natapos man ang Niño, hindi raw dapat malungkot ang supporters ng BianMig.

Hindi raw ibig sabihin nito ay mawawala na ang nabuong tambalan nila ni Bianca.

“Kami pa rin naman ang magka-partner sa Ismol Family,” pagtukoy niya sa sitcom kung saan bida sina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.

“Magkasama rin kami sa SAS [Sunday All Stars]. So, nandito pa rin loveteam namin ni Bianca.

“Naging very close na kami ni Bianca.

"Nagsasabihan na kami ng mga secrets namin at saka mas kakulitan ko na siya ngayon."

Sixteen years old si Miguel. Si Bianca naman ay 14.

Posible kaya na may mabuong puppy love sa pagitan nila?

“Siguro hanggang crush lang po, crush ko naman siya.

“Pero hindi muna ng yuseryoso.

"Darating naman yung love, sa tamang panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN