Nora Aunor’s camp reacts to Cristy Fermin’s latest tirade

"Laging unfair kay Guy ang pambibira ni Cristy! Pambabastos ang ginagawa niya!" pahayag ng manager ni Nora Aunor na si Boy Palma kaugnay ng bagong pambabatikos ng radio host na si Cristy Fermin laban sa Superstar.


Lumikha ng alingasngas ang tirada laban kay Nora Aunor ng kontrobersiyal na radio program host/columnist na si Cristy Fermin noong Huwebes ng hapon, September 18, nang magbitiw ito ng pagpapayo o matinding pamumuna laban sa Superstar.

Sa radio program na Cristy Ferminute, sa istasyong 92.3 NewsFM, na napapanood din bilang teleradyo program sa Aksiyon TV-41 ng TV5 Kapatid network), ay nagbitiw diumano ng mga pananalita si Cristy laban kay Nora.

Kasama ni Cristy ang kanyang co-anchor na si Richard Pinlac, isa ring showbiz reporter-columnist, sa programa.

Ang ulat ay naiparating sa writer na ito sa pamamagitan ng text message ng veteran showbiz scribe na si Ronald Carballo, na malapit din kina Cristy at Richard.

Sa programa nina Cristy at Richard ay binabasa ng dalawang host-anchors ang mga text messages ng listeners, kabilang ang ilan na tahasang nagpahayag na, diumano, "walang utang na loob" o "walang history of sense of gratitude" si Nora Aunor, among other derogatory remarks, dahil sa umano’y napaulat na pahayag ng aktres na tila wala na itong balak pang mag-renew ng kontrata sa TV5 matapos ang napipintong expiration ng three-year guaranteed contract na pinirmahan nito pagkatapos ng October 28, 2014.

Matatandaang pumirma ng tatlong taong kontrata si Nora sa TV5 noong 2011, pagbalik niya sa bansa matapos ang walong taong pamamalagi sa Amerika.

Nagbigay ng pahayag si Nora sa mga nag-interbyung press people, sa presscon ng Dementia noong Martes, September 16, sa Imperial Palace Suites, sa Quezon City.

Ang Dementia ang latest lead-starrer ni Nora, isang horror movie, na magsisimulang itanghal sa September 24.

Ayon pa kay Ronald, matapos niyang marinig ang mga panimulang tirada nina Cristy at Richard sa unang gap pa lamang ng programa ay agad siyang nag-text kay Cristy upang iwasto ang pahayag nito.

Sabi ni Ronald, "Pinagsabihan ako on-air ni Tita Cristy.

"Sinasabi ko lang naman na nandoon ako sa presscon at makakapagpatunay ako na walang sinabing masama si Mama Guy sa interview sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos ayaw nga niyang sumagot sa mga tanong na tungkol sa kontrata niya [sa TV5], e."

Ang bahaging iyon ng panayam kay Nora ay nabanggit nga sa artikulong isinulat ng PEP staff writer na si Arniel C. Serato, na lumabas sa online site noong hapon ding iyon, September 16.

Narito ang bahagi ng artikulo:

... Ngayong isang buwan na lang halos ang kanyang [Nora] kontrata sa TV5, balak pa ba niyang pumirma muli sa istasyon sakaling mag-offer muli ito sa kanya?

Diretsong sagot nito, "Hindi na siguro. Wala na siguro."

Nilinaw naman niyang wala pa siyang offer sa ibang istasyon at okey na rin daw sa kanya ang maging freelancer muna.

"Inulit din niyang malaki pa rin ang utang na loob niya sa istasyong muling nagbigay ng break sa kanya matapos ang ilang taong pamamahinga sa Estados Unidos..."


Read: Superstar Nora Aunor feels neglected during TV5 show press conference


Ayon pa kay Ronald, ginawang basehan ni Cristy ang ulat ng iba’t ibang reporters na may kanya-kanya nang opinyon na napalathala sa showbiz columns ng mga ito.

"Hindi puwedeng magsinungaling ang 15 reporters na nag-interview!" sabi raw sa kanya ni Cristy.



REACTIONS. Agad naiparating ng writer na ito ang ulat sa manager ni Nora na si Boy Palma.

Sumagot sa text message sa amin si Boy, bandang ika-7 ng gabi, ayon sa naiparating din sa kanya ni Ronald.

Kasalukuyang nasa Bicol province sina Nora at Boy Palma nang mga sandaling iyon. May ilang personal na kaabalahan si Nora sa Iriga, Camarines Sur.

Sabi ni Boy, "Oo nga daw... grabe naman si Cristy, hindi man lang ako tinawagan kung totoo o hindi.

"Ang sama-sama ng loob ni Guy... galit na galit siya kay Cristy!"

Nang mga dakong ika-siyam ng gabi, nakausap naman ng PEP si Boy sa telepono.

"Nag-text na ako kay JoAnn [Bañaga], hindi pa lang nagre-reply," panimula ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si JoAnn ay deputy chief content quality officer at business unit head ng TV5.

Sa text ni Boy kay JoAnn, sinabi raw niya ang mga sumusunod:

"Una, ano ang karapatan ni Cristy Fermin na magbigay ng comment gayung wala siya sa presscon [ng Dementia]?

"Pangalawa, ano ba naman yung kumontak siya sa akin at kausapin ako, through phone patch, para malinawan niya kung may issue man siyang pinaniniwalaan? Laging unfair kay Guy ang pambibira ni Cristy! Pambabastos ang ginagawa niya!

"Pangatlo, I asked JoAnn... siguro naman narinig nila ang mga sinabi sa radyo... why allow it to happen na si Cristy, empleyado ng TV5, sinisiraan ang isang contract talent ng TV5 din? It was such in bad taste at napaka-unethical!

"I asked her [JoAnn], ’What will you do about it?’ Hinihintay ko lang ang sagot.

“Depende sa sagot nila... we intend to make a move!"

Ang inaasahang susunod na public appearance ni Nora ay sa premiere night ng Dementia sa Linggo, September 21, sa Trinoma Cinema.

By then, malalaman ng PEP ang mga susunod na pahayag at posibleng hakbang na gagawin nila ng kanyang manager laban sa pambabatikos na ito ni Cristy.

Samantala, mananatiling bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN