Joyce Ching goes back to school; enrols in film course

Joyce Ching explains why she decided to take a film course: “Para sa akin, tama lang kasi nasa linya ko naman. Who knows, baka balang-araw maisipan kong maging isang director? Mahaba-habang pag-aaral pa iyon.”


Back to school ang Kapuso tween star na si Joyce Ching.

First year college si Joyce sa Meridian International School sa McKinley Hill, Taguig City, kunsaan kumukuha siya ng isang film course.

Hangad ng tween actress na makatapos ng kanyang pag-aaral kaya kahit na magkaroon ng conflict sa kanyang schedule sa taping ay itutuloy pa rin daw niya ang kanyang pagpasok sa paaralan.

Inspired naman daw si Joyce sa kanyang kurso dahil para na ring paghahanda ito kung sakaling gustuhin niyang magtrabaho sa likod ng kamera.

“Pag-prepare ko na rin ito para sa magiging future ko sa TV or film.

“Medyo interesado rin po ako sa TV and film production. Kaya tama lang itong kinuha kong kurso.

“Para sa akin, tama lang kasi nasa linya ko naman. Who knows baka balang-araw maisipan kong maging isang director? Mahaba-habang pag-aaral pa iyon.

“Kaya focused ako sa studies ko ngayon.

“Kahit na may work tayo ngayon, it won’t stop me from getting my diploma,” ngiti pa ni Joyce nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Strawberry Lane sa Imperial Palace Hotel sa Timog Ave., Quezon City.

ENJOYING STUDENT LIFE. Isa pang nami-miss ni Joyce ay ang pagiging ordinaryong mag-aaral.

Kahit na alam daw ng mga kaklase niya na artista siya, maganda ang pakikitungo sa kanya at may mga naging kaibigan na raw siya sa campus.

“Okey naman sa school na pinapasukan ko ngayon. They know na artista ako at okey naman sa kanila.

“Yung ibang foreign students naman, hindi sila nakakapanood ng local shows natin. Nalalaman na lang nila na artista ako sa ibang tao.

“Ang mga students naman doon, they don’t mind kung taga-showbiz ka. Basta okey ka naman with them, maayos ang pakikitungo nila.

“May mga friends na nga ako sa campus at bumalik nga ang feeling ng pagiging student ulit,” pagmamalaki pa ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO CONFLICT WITH TAPING SKED. Dalawang beses isang linggo lang naman daw ang pasok ni Joyce. Tuwing Martes at Huwebes lang daw. Pero yun din kasi ang schedule ng kanyang taping para sa Strawberry Lane.

Kaya pagkatapos ng taping ay pumapasok na siya sa paaralan.

“Very strict sila sa attendance. Kaya I do my best para makapasok talaga. Kesehodang sa set na ako naliligo para hindi na ako umuwi pa, at diretso na ako sa pagpasok sa school.

“Twice na akong nagkaroon ng absent dahil sa taping ng Strawberry Lane. Pero nakakahabol naman ako sa mga na-miss out ko sa dalawang araw na iyon.

“Sabi ko nga, kahit na igapang ko itong pag-aaral ko, gagawin ko para lang matupad ang promise ko sa parents ko na makakakuha ako ng college diploma,” diin pa niya.

ROLE MODEL. Maganda ngang modelo si Joyce para sa katulad niyang artista na hindi binabale-wala ang pag-aaral porke’t kumikita na ito sa pagiging artista.

Pag-amin ni Joyce, “Never ko naman naisip na hindi ako magtatapos ng pag-aaral.

“Lagi na lang akong may plano na mag-enrol pero minsan nale-late ako or minsan may sumasabay na project.

“So, ipon lang tayo nang ipon para na rin sa pambayad ng tuition fee. Until heto na nga, nag-decide na akong mag-enrol at maging student ulit.

“Alam naman ng GMA Artist Center ang mga plans ko at supportive naman sila sa akin.

“Sana rin ang ibang mga artista na kaedad ko, huwag nilang i-set aside ang pag-aaral.

“Importante yung may natapos para kung sakaling gusto na nilang tumigil sa showbiz, may makukuha pa rin silang work kasi may natapos naman.”

NO LONGER KONTRABIDA. Huling ginawang mga teleserye ni Joyce ay ang Villa Quintana at Paraiso Ko’y Ikaw. Sa Strawberry Lane ay hindi kontrabida ang role niya.

Masaya niyang lahad, “For a change naman, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait ang role ko dito as Dorina. After ng ilang mga kontrabida roles, binigyan ako ng good girl role.

“Si Rita de Guzman ang nag-iisang kontrabida namin dito kaya siya ang pangingilagan namin nila Bea Binene, Kim Rodriguez at Joanna Marie Tan.”

Si Joyce nga lang daw ang walang ka-partner sa naturang teleserye.

“Hinahanapan pa ako kung sino ang puwede.

“Pero magkakaroon naman ng konting involvement si Dorina sa character ni Kiko Estrada na si Paul.

“Pero magkakagusto rin naman siya kay Kim who plays Jack. So medyo may love triangle ng konti,” kuwento pa niya.

WILLING TO WORK WITH KRISTOFFER. Kung sakaling ang ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin ang kunin na maging partner niya, okey lang ba kanya?

“Si Kristoffer pa rin?” sabay tawa niya.

“Okey lang naman. Trabaho ito, e.

“’Tsaka friends naman kami ni Kristoffer. We can work with one another anytime.

“’Tsaka si Kristoffer, he’s also busy with school. Pareho kaming mga students na rin at nakakatuwa naman ang gano’n.

“Kung sakaling kunin nga siya, walang problema,” pagtatapos ni Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN