Nora Aunor dismisses Cristy Fermin’s insinuations; attends Dementia screening in high spirits

Nora Aunor shows brilliance in Dementia, which will be shown at the Fantasporto Oporto International Filmfest in Portugal in February next year.


May kontrata pa si Nora Aunor sa TV5 hanggang mag-expire ito sa October 28, 2014, patunay na walang namamagitang matinding away sa pagitan ng Superstar at ng Kapatid network.

Bukod dito ay ang suportang kaloob ng station management sa bagong pelikulang pinagbibidahan ni Nora, ang Dementia.

Kaya non-committal si Nora at ang kanyang manager na si Boy Palma hinggil sa nangyaring pambabatikos sa aktres ng radio host na si Cristy Fermin noong September 18, sa istasyong bahagi ng TV5 network.

Read: Nora Aunor’s camp reacts to Cristy Fermin’s latest tirade

Wala raw sinasabing paninira sa TV5 ang award-winning actress "at hindi kami nag-walkout [ni Boy]," pagsalungat ni Nora sa naging insidenteng kaugnay ng launching ng bagong teleseryeng Trenderas, kung saan mayroon siyang special participation.

Nais magbigay ng official statement ni Boy hinggil sa insidente, pero hinihintay pa nila ang feedback mula sa management, sa pamamagitan ng business unit head na si JoAnne Bañaga.

"Nag-text si Boy kay Ma’am JoAnne, wala pa raw sagot," sabi lang ni Nora.

Higit na positibo ang ipinahiwatig ni Nora sa entertainment media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bago magsimula ang gala screening ng Dementia kagabi, September 21, sa TriNoMa Cinema 7.

Nagpasalamat siya sa mga dumalong press.

"Maraming salamat sa mga pagtulong at pagtitiyaga sa amin," aniya.

Nananatili raw inspirasyon sa Superstar "ang mga taong naniniwala pa rin... lalo na ang mga fans..."

WELL-ATTENDED. Napuno ang sinehan na pinagtanghalan ng pelikula kagabi ng mga taga-industriya at moviegoers, kasama ang stars and crew.

Dakong ika-walo ng gabi nang simulan ang screening ng Dementia, ang kauna-unahang pelikulang idinirek ni Perci Intalan, dating entertainment and creative department head ng TV5.

Iprinodyus ito ng October Train at The Idea First Productions Inc. ng partners na sina Perci Intalan at Jun Lana, at co-investors na kinabibilangan ni Manny V. Pangilinan, top honcho ng TV5, at Tony Tuviera, may-ari at namumuno ng APT Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Regal Entertainment Inc. ni Mother Lily Monteverde ang releasing outfit ng pelikula.

Sa kanyang speech, bago magsimula ang screening ng Dementia, pinasalamatan ni Direk Perci ang lahat ng involved sa pelikula, lalo na si Nora, "na kung hindi siya pumayag na ako ang maging direktor ng pelikula ay hindi ito magagawa."

In full force na dumalo sa premiere night sina Yul Servo, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, Jeric Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.

Naroon din sina Lou Veloso, Celio Aquino, at Lui Quiambao Manansala.

May special participation sina Alice Dixson at Nadine Samonte sa pelikula pero hindi sila namataan sa premiere.

Dumalo si Eugene Domingo bilang pagsuporta at si Adolf Alix Jr., ang direktor ni Ate Guy sa susunod niyang mga pelikula—Padre de Familia sa Oktubre, at Whistleblower sa Nobyembre.

Masayang-masaya at in high spirits, ’ika nga, si Nora dahil sa napakagandang response na nakuha niya at ng mga kasamang nagsiganap.



WELL-APPLAUDED. Sa kanyang papel bilang si Mara, na may sakit na dementia, si Nora ang nagsilbing kaluluwa ng pelikula.

Ilang ulit pinalakpakan ang mga eksena ng aktres na halos walang dialogue, pero dama sa kanyang mga kilos at reaksiyon ang iba’t ibang matitinding emosyon sa mga mapanghamong eksena.

Sa isang extreme close-up ni Nora, makikita sa mga mata niya ang magkakahalong lungkot, poot, panghihinayang at pagkatakot habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha kasabay pati pagtulo ng sipon sa kanyang ilong.

Kuwento niya, "Magpapa-retake sana ako dun, pero naisip ko, totoo namang lalabas, kaya hindi na lang."

Sabi ni Nora, "Nasa direktor naman kasi kung paano niya ididirek ang isang artista."

GRADED A. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Direk Perci, sinabi nitong extremely overjoyed siya sa sa pagtanggap ng mga nanood sa Dementia.

Saad niya, "Sa reaction ng mga tao, sobra akong happy. Sulit!

"Nasunod naman yung vision, kung paano ko siya pinicture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, nahigitan kasi nandoon yung grading, yung cinematography [ni Mackie Galvez].

"Basta ako, I feel, naniniwala kasi ako sa divine, sa blessings.

"Hindi ko naman hiningi specifically, humingi ako ng tulong...

"Hindi mababayaran yun ng special effects, yung ibinigay ng Batanes [location shoot] na nature."

Bilang isang horror movie na lalahok sa main competition sa Fantasporto Oporto International Filmfest sa Portugal sa February 2015, isang malaking achievement ito para sa first-time director bukod sa nakagawa siya ng pelikula kasama ang legendary superstar-actress.

"So tuwa... happy ako!" bulalas ni Direk Perci.

Hindi naman itinatago ni Ate Guy ang paghanga niya sa kanyang bagong direktor.

Sa premiere night ay dumalo rin, bilang guest ni Nora, ang kanyang abugadong si Atty. Lorna Kapunan na kanyang pinasalamatan sa simula ng programa.

Nagpahayag din si Nora ng pakikidalamhati para sa mga naulila ng pinaslang na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Hangad ni Ate Guy na mabigyang hustisya ang nangyaring krimen.

MORE PROJECTS. Nabanggit din ni Ate Guy na magsisimula na ang shooting na isa pa niyang pelikula sa September 26, sa Tacloban, Leyte.

Yolanda ang tentative title nito at ididirek ni Brillante Mendoza.


Ang partner naman ni Perci na si Jun Lana, movie director at creative director ng GMA, ay may nakalaan sanang special Magpakailanman episode para kay Nora.

Pero sa bandang huli, ang napag-usapan nila ng aktres ay isang full-length film, matapos ang cameo appearance ni Nora sa Barber’s Tales, a Eugene Domingo-starrer.

"Ang daming pelikula!" masayang banggit ni Direk Perci.

"Meron at maganda ang gagawin namin [ni Direk Jun]… magugulat kayo!" patotoo ni Ate Guy.

Dagdag naman ni Perci, "Tandaan niyo, si Jun came from a family of Noranians. Buong pamilya niya... from Bicol sila, e."

PEOPLE’S NATIONAL ARTIST. Bagama’t hindi ito official na titulo na may conferment ng Malacañang, nagiging pangmalagian na ang titulong "People’s National Artist" na ibinansag kay Nora ng mga matataas na opisyal ng mga paaralang Ramon Magsaysay at PUP-College of Mass Communications, at ng Concerned Teachers Association.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiwalay naman ang parangal na Gawad Plaridel ng University of the Philippines-CMC para sa trans-media achievements ni Nora.

Pag-ulit ni Ate Guy, "Sa umpisa pa lang, hindi ko inisip ’yon, kasi naniniwala akong mas marami pang karapat-dapat bigyan ng parangal bilang National Artist."

Ang panukala ay nagmula naman noong 2012 kay Bacolod Representative Anthony Golez.

"Nagpapasalamat ako, pero marami pa... ano lang ’yan, may mga kapalit na nangyayari sa isang tao," makahulugang sambit ni Nora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN