Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: "Tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo."

Si Daniel Padilla (kana, kasama si Kathryn Bernardo) nga ba ang nagsasalita sa isang kumakalat na audio-video kung saan may ka-text siyang kinakikiligan niya at pinasaringan ang isang "Sam," na pinaniniwalaan ng ilang netizens ay si Sam Concepcion (kaliwa)?


Isang audio-video ang lumalabas ngayon sa online sites kunsaan si Daniel Padilla raw ang nagsasalita habang kausap ang isang kaibigan.

Sa kabuuan ng audio-video, na tumagal lamang ng 1 minute and 33 seconds, ang pinag-uusapan daw na “Sam” ay si Sam Concepcion at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel ay ang co-star niya sa pelikulang Bonifacio na si Jasmine Curtis-Smith.

Girlfriend ni Sam si Jasmine.

Dahil sa paglabas ng audio-video na ito, labis na naapektuhan ang fans ng KathNiel—ang loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Marami rin ang namba-bash sa TV5 princess na si Jasmine.

Ngunit sa kabila ng kontrobersiyang ito, tila ipinapakita naman nina Daniel at Kathryn na hindi sila apektado.

Sa The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench, noong Sabado, September 20, nasaksihan pa nga ng mga nanood ang pagiging sweet ng dalawa.

View Gallery: The Naked Truth: Bench Body Fashion Show 2014 (Part 1)

Nakunan din ng The Buzz na magkasabay umalis sina Daniel at Kathryn sa MOA Arena, at hindi binibitawan ni Daniel ang kamay ng ka-loveteam.

Nang tanungin si Daniel kung ano ang masasabi niya sa lumabas na audio-video diumano niya, maikling pahayag nito: “Gusto ko lang sabihin, tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo.”

Nag-post din si Daniel sa kanyang social networking site ng mensahe para sa kanyang mga tagahanga.

Saad niya, “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin.

“Maraming salamat dahil kayo ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon at kung bakit maginhawa ang buhay namin ng aking pamilya.

“Maraming-maraming salamat at kayo ang pumuprotekta sa akin sa kahit anuman ang sabihin ng iba tao sa akin.

“Pasensiya na din po kung minsan na nagkukulang po ako sa inyo. Malaking-malaki ang utang na loob ko sa inyong lahat.

“Maraming-maraming salamat po uli sa inyong at sana magkakasama po tayong lahat habang buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kathryn naman ay nag-post sa kanyang Instagram account (bernardokath) ng larawan nila ni Daniel na magkasama at may caption na: “Best Guy ever...”

Sa isang banda, nakunan din ng pahayag ng The Buzz ang pinaghihinalaang diumano’y “Sam” na tinutukoy sa audio-video—si Sam Concepcion—sa The Naked Truth din.

Maikling pahayag ni Sam, “I’m sorry, it’s not for me to answer or talk about.”

Okay ba sila ni Jasmine?

“Yeah, definitely,” nakangiting sagot ng young singer-actor.

Narinig niya ba ang audio-video na pinag-uusapan?

“Sorry, I can’t talk right now. I have to go,” iwas ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN