Sid Lucero on Alessandra de Rossi: "She’s perfect!"

Sid Lucero on dad Mark Gil’s death: “I don’t know... I don’t know kung tanggap ko na. But sometimes, I forget. Sometimes, I go on my day. But there are times or days na something like I can’t go on anymore.”


“In a scale of 1 to 10, she’s perfect!”

Ito ang natatawang reaksiyon ni Sid Lucero nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kung paano niya ilalarawan ang rumored girlfriend niyang si Alessandra de Rossi.

Nakausap ng PEP si Sid sa unang araw ng Mark Gil: Retrospective, kung saan ipinalalabas ang mga pelikula ng yumaong ama ng Kapuso actor na si Mark Gil, sa Cinema 5 ng Greenbelt 3, Makati City, kagabi, September 22.

Ang Batch ’81 ang unang pelikulang ipinalabas.

Sa una ay nag-aalangan pang sumagot si Sid at puro tawa lang ang isinasagot niya, sabay tingin pa kay Alessandra, na kasama niya sa nasabing okasyon.

Sumbong pa ng aktor kay Alex: "We’re talking about you."

Kumunot-noo naman ang aktres sabay iling bilang reaksiyon sa sinabi Sid.

Kasunod nito ay biniro namin si Sid na sa tinagal-tagal na hindi nagka-boyfriend si Alex, masasabing masuwerte ang aktor dahil siya ang pinili nitong maging boyfriend—kung totoo mang silang dalawa na nga.

Natatawang pahayag ng 33-year-old actor, “I guess so… why, what’s the question?

“Hindi ko alam, I don’t want to talk about this anymore.

“She’s perfect...”

Ano sa palagay niya ang qualities na nagustuhan sa kanya ni Alex na naging dahilan para mahulog ang loob nito sa kanya?

Sagot ni Sid, “I don’t know... you should ask her. I mean… ‘di ba?”



HEART-CHIZ WEDDING. Dahil tumatanggi na siyang pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alex, pahapyaw na lang naming binanggit kay Sid na malapit nang ikasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero.

Sina Heart at Chiz ay nakatakdang ikasal sa February 15, 2015.

Matatandaang naugnay sa isa’t isa sina Heart at Sid nang ginagawa nila ang teleserye ng GMA na Legacy noong 2012.

Si Heart ay umaming nagde-date sila ni Sid sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-Ibig? noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakling pagbati ni Sid kay Heart sa napipinto nitong kasal, “Oo nga, congrats!”

Iniisip na rin ba niyang sila ni Alessandra ang magkakatuluyan?

Sagot ni Sid, “Yeah, siyempre.

“I mean, every time you’re in a middle of a relationship, di ba?

“But then, it just happens.

“Let’s just say na, I never get into a relationship where I never think na I wouldn’t end up with the person.

“When I’m with her, I want to end up with her.

“Ano ba ‘yan?” nakatawa pa ring paninita niya.



MARK GIL. Sa puntong ito ay pinag-usapan naman namin ang tungkol sa kanyang yumaong ama.

Si Sid ay anak ni Mark Gil sa aktres at modelong si Bing Pimentel.

Ano ang leksiyon na itinuro sa kanya ng yumaong ama sa usaping pag-ibig?

Pagbabalik-tanaw ni Sid, “Lagi lang niyang sinasabi na, ’You take care of her!’

“’Tapos, sasabihin niya sa babae, ‘You... good luck, you should be patient.”

Ano naman ang fond memories niya sa kanyang daddy?

Kuwento ni Sid, “Noong may sakit na siya, nakita ko siyang iika-ika, na parang na-chicken out siya.

“That’s why I can’t forget it and I just don’t want to remember it.

“Kaya yung event na ito for my dad, it’s awesome.

“It’s a good representation that he’s already a part of the book.

“And he always wanted something like this naman, e.

“But, yun nga, it’s inappropriate kung buhay pa siya, ‘di ba?”

Tanggap na ba niya ang pagkawala ng kanyang ama?

Saad niya, “I don’t know... I don’t know kung tanggap ko na.

“But sometimes, I forget.

“Sometimes, I go on my day.

“But there are times or days na something like I can’t go on anymore.”

Dugtong pa niya, “There’s always something in him about gifts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once someone gives you something, you don’t give it away, or you don’t see anything about that.

“There is something I will never forget...

“He wrote me a letter.. it was a longer letter, and he said, ‘Welcome to the ugly world of show business, now, we have something to talk about.

“’If there’s anything I will tell you about your job, love it, and it will love you back.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN