Geoff Eigenmann remains silent over breakup with Carla Abellana

Geoff Eigenmann on possibility of being friends with ex-girlfriend Carla Abellana: “No, I’m not open to anything, it’s all in the past. Ako, I’m not planning to do any move, anything... nothing.”


Ayon kay Geoff Eigenmann, matagal na siyang nakapag-move on matapos nilang maghiwalay ni Carla Abellana, noong unang bahagi ng 2014, pagkatapos ng apat na taon nilang relasyon.

Kahit manaka-naka’y nababanggit pa rin ang kanyang pangalan sa mga panayam sa dating girlfriend, hangga’t maaari ay umiiwas na rin si Geoff na pag-usapan ito.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Matagal na, matagal na… I have way moved on.

“I haven’t spoken for the longest time for specific reasons, and I don’t say anything up to now.

“Wala, wala kayong maririnig sa akin and I’ll just keep it like that.”

Saad pa ni Geoff tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang emosyon, “Ako, masaya ako moving on with everything.

“Matagal na yun, it’s already past, and it seems everybody has moved on.

“Everything is well... I had the chance to focus, to do for me, for myself, for my career…

“I suppose, yun, doing everything I can for me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Geoff sa unang bahagi ng Mark Gil Restrospective, noong Lunes, September 22, sa Cinema 5 ng Greenbelt 3, Makati City.

Ito ay bahagi ng binuong proyekto ng pamilya Eigenmann bilang pagpupugay at pagbibigay-halaga sa mga nagawang pelikula ng yumaong tiyuhin ni Geoff na si Mark Gil.



CARLA-TOM. Ngayong nali-link si Carla kay Tom Rodriguez, ano ang pakiramdam niya?

Sagot ng 29-year-old Kapuso actor, “I don’t have any idea.

“I don’t want watch their show [My Destiny], and I don’t watch TV.

“Nothing, nothing talaga.”

Nasasaktan pa rin ba si Geoff kapag may naririnig siya tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan nina Carla at Tom?

Mabilis at mariin niyang tugon, “No, no!

“Like I said, it’s all in the past.

“I feel better about myself now than six months ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am not worried anything, ang inaalaala ko ngayon is...”

Muli niyang ipinagdiinan na wala siyang gustong sabihin tungkol kay Carla o mensahe mang gustong iparating dito.

“I haven’t said anything to anyone in the past, ever since.

“Wala, like what I said, I don’t wanna start, everybody talks... everybody talks."

Kapag hindi sinasadyang magkita sila nina Carla at Tom sa isang okasyon, ano ang gagawin niya?

Sagot ni Geoff, “I don’t know… I’ll probably give them a high five.

“I really don’t know, let’s see if…”

Ano ang impresiyon niya kay Tom?

“I don’t really see any problem.

“I met him before, okay naman kami, we talked… wala yun.”



FROM LOVERS TO FRIENDS? Wala ba siyang balak na ibalik ang nakaraan nila ni Carla, kahit man lang ang dating pagiging magkaibigan nila?

Diin ni Geoff, “No, I’m not open to anything, it’s all in the past.

“Ako, I’m not planning to do any move, anything... nothing.”

Totoo bang tinanggal na niya si Carla sa kanyang followers sa Instagram?

Sagot ng aktor, “I have Instagram, pero on my part, I haven’t blocked anybody.

“I don’t ask anybody to do anything, so wala akong ganun.”

Kumusta siya ngayon?

Saad ni Geoff, “I’m happy, I’m happy focusing on my family.

“Dating? I’m not.

“I’m working again… I’m happy I’m working with a new partner [Louise delos Reyes].

“Someone na bago kong makikilala, although before ay nakasama ko na siya.

“Basta, masaya ako na I’m back to work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN