Sam Concepcion on Daniel Padilla: “He just has to be more careful.”

“Siguro he just has to be more careful… [M]insan with the words that we say sometimes, we have to be accountable for it and we have to careful,” Sam Concepcion advises Daniel Padilla.


“Jasmine and I are okay,” pahayag ni Sam Concepcion tungkol sa kanila ng girlfriend niyang si Jasmine Curtis Smith.

Ito ay sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan ni Jasmine sa paglabas ng kontrobersiyal na audio-video recording ni Daniel Padilla.

Laman ng nasabing recording, na tumagal lamang ng 1 minute and 33 seconds, ang tungkol kay “Sam”—na diumano’y si Sam Concepcion—at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel na si Jasmine.

Inamin naman ito ni Daniel at agad na humingi ng paumanhin.

Sa panayam ni Reyma Deveza ng abs-cbnnews.com kahapon, September 24, hindi direktang nagbigay ng komento si Sam tungkol sa isyu.

“I don’t know how to react kasi, unang-una, it’s not about me naman,” sabi ng 21-year-old Kapamilya actor-singer.

Paglilinaw pa niya, “Wala naman talaga kasing kinalaman si Jas, walang kinalaman sa nangyari.”



BE MORE CAREFUL. Kasabay ng pag-amin ay humingi rin ng tawad si Daniel sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Sabi pa ng tinaguriang Teen King, “Kung may sisisihin dito, ako lang siguro yun, kaya ako na lang po.”

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Para kay Sam, maganda ang ginawa ni Daniel na pag-ako sa kanyang pagkakamali.

“I think, I’m glad he knows his mistake. He was good enough to admit.

“Yun nga, naiintindihan ko naman kasi, siyempre kapag bata ka, minsan marami kang nasasabi na hindi mo namamalayan.”

Nagbigay naman ng paalala si Sam para kay Daniel, 19, “Siguro he just has to be more careful.

“Minsan kahit mga kaibigan niya yung mga kausap niya…

“Siyempre, minsan with the words that we say sometimes, we have to be accountable for it and we have to be careful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN