Cherry Pie Picache’s cry for justice continues: “Hindi kami nagmamadali, gusto lang naming malaman talaga kung sino yung may kasalanan.”

Cherry Pie Picache on the gruesome murder of her 75-year-old mother, Zenaida Sison: “Please pray for her, please pray for the healing of our family sa nangyari. That we will be graced by God na, at the end, mapatawad namin, there will be peace, ma-accept namin. Maraming-maraming salamat po talaga sa dasal, huwag po kayong tumigil.”


Kasabay ng pasasalamat ng aktres na si Cherry Pie Picache sa lahat ng mga tumutulong sa imbestigasyon sa malagim na pagpatay sa kanyang inang si Zenaida “Baby” Sison ay ang paghingi pa rin niya ng katarungan.

Kahapon, September 24, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Cherry Pie sa cremation ng mga labi ng kanyang ina, sa Arlington Chapels and Crematorium.

Pahayag ng aktres, “Maraming-maraming salamat sa lahat ng dasal at suportang ipinakita ng maraming-maraming tao, lalung-lalo na sa mga kasamahan ko sa industriya.

“Umaasa po kami na ipagpapatuloy ninyo ang dalangin ninyo para sa mommy ko.

“Please keep on praying that justice will be served.

“Hindi kami nagmamadali, gusto lang naming malaman talaga kung sino yung may kasalanan.”

Nagpasalamat din ang aktres sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Herbert Bautista, at iba pang mga tumulong sa kanila.

“In behalf of my family, maraming salamat sa lahat ng tumulong sa amin.

“Unang-una na kay Mayor Herbert Bautista, kasi nung nangyari yun, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Si Harlene [Bautista, Mayor Herbert’s sister], yung mga kagawad namin sa barangay, yung mga helps, maraming-maraming salamat sa tulong nila, kasi mabilis silang rumesponde.

“Nagpapasalamat din ako sa Arlington with all the accommodation and pasensiya na ibinigay nila sa amin at sa pamilya ko, salamat.”

Humingi rin ng dasal si Cherry Pie para sa kanyang ina at sa kanilang pamilya.

“Please pray for her, please pray for the healing of our family sa nangyari.

“That we will be graced by God na, at the end, mapatawad namin, there will be peace, ma-accept namin.

“Maraming-maraming salamat po talaga sa dasal, huwag po kayong tumigil.”

Nanawagan din si Cherry Pie sa maaaring makatulong sa paglutas ng kasong ikinasawi ng kanyang 75-anyos na ina.

“Nakikiusap pa rin po kami, nagmamakaawa kami, kung may may alam kayong makakatulong para malutas ang kaso, ang karumal-dumal na ginawa nila sa magulang ko, sana po tulungan ninyo po kami at ipagbigay-alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo naman kung saan ang barangay, Barangay Paligsahan.

“Nakaantabay lang po sila dun para tumanggap kung ano ang impormasyon na maaari ninyong ibigay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN