Jasmine Curtis Smith on KathNiel fans who bash her: "I understand naman the hurt that they’re going through."

Jasmine Curtis Smith on Daniel Padilla: "Like I said before, more than anything, I felt bad kasi he was opening to someone that he trusted. And, unfortunately, ganun nga ang nangyari, ayun."


Sobrang nagpapasalamat si Jasmine Curtis Smith sa nakatatanda niyang kapatid na si Anne Curtis dahil sa pagtatanggol nito sa kanya sa gitna ng mga batikos na natatanggap niya mula sa netizens.

Kaugnay ito sa audio-video recording ng Kapamilya teen actor na si Daniel Padilla, kung saan ikinukuwento nito sa isang kaibigan ang pagkakilig niya nang makatanggap ng text message sa isang babae.

Bagamat hindi direktang nabanggit ang pangalan ni Jasmine sa pag-uusap ni Daniel at ng kaibigan nito, pinaniniwalaang siya ito dahil may nabanggit ang teen star na “Sam.”

Si Sam ay pinaniniwalaang si Sam Concepcion, na boyfriend ni Jasmine.

Magkasama naman sa pelikulang Bonifacio: Gusto Mo Ba Siyang Makilala? sina Jasmine at Daniel.

Read:

Dahil sa isyung ito ay katakut-takot na pambabatikos ang natatanggap ngayon ni Jasmine mula sa ilang masugid na tagahanga ng tambalang Daniel at Kathryn Bernardo.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine sa block screening ng pelikulang Dementia, sa SM North Edsa The Block, kagabi, September 24, ay pinasalamatan niya ang kanyang Ate Anne sa pagtatanggol nito sa kanya.

“Alam niyo naman si Ate, she’s very protective of me.

“Thankful lang ako na I have a sister who loves me and who’s there no matter what, and who’s backing me up.

“Sinabi nga niya na, ‘My sister is not a slut.’ Hindi naman talaga!

“Salamat, salamat talaga kay Ate.

“Alam ko na naman na she maybe also in trouble kapag dini-defend niya ako.”



BASHERS. Nasasaktan ba siya sa mga naging paratang laban sa kanya ng netizens, na ayon sa usap-usapan ay ang KathNiel fans daw ang nagsimula?

Tugon ng Kapatid star, “No! Kasi, I understand naman the hurt that they’re going through.

“You know, these kids idolize a loveteam and make it their passion… of them being together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I understand they’re hurt.

“But, at the same time, you know, alam ko naman kung hanggang saan ako mahi-hurt, kung hanggang saan ako magpapaapekto.”

Gumawa rin ba siya ng paraan para ipagtanggol ang kanyang sarili?

Ayon kay Jasmine, “No, I don’t think I need to do that.

“So, more than anything, when it comes to family talaga, hurt me all you want, call me any name you want, just don’t cross the line when it comes to family.”

Kumusta ang estado ng kanyang emosyon sa gitna ng pagsubok na ito sa kanyang career at personal na buhay?

Sagot niya, “I’m great, I’m great, thank you.”

Nagkausap na ba sila ni Sam tungkol sa isyung ito?

Nakangiting sabi ni Jasmine, “Yeah, Sam and I have a great communication and that never lost between us.

“So, nothing’s changed.

“Wala siyang tinanong tungkol sa issue, and he’s very trusting.

“I explained everything and he understood everything.”



DANIEL PADILLA. Pagkatapos ng pag-amin ni Daniel, sa tingin ba ni Jasmine ay maaapektuhan ang kanilang pagkakaibigan higit pa ang kanilang pagtatrabaho?

Naiiling na sagot ng young actress, “No, like I said before, more than anything, I felt bad kasi he was opening to someone that he trusted.

“And, unfortunately, ganun nga ang nangyari, ayun.”

Sa muli nilang pagkikita ni Daniel sa shooting ng kanilang pelikula, may mensahe ba siyang ipararating dito?

Sagot ni Jasmine, “Well, nothing specific.

“I think naman everything seems so settled right now.

“He’s in good terms with Kathryn, he’s in good terms with Sam, and there’s no bad feeling between me and him.

“So, you know, hi and hello, ganun.”

Kapag nagkita sila ni Kathryn, ano ang magiging reaksiyon niya?

Sagot ni Jasmine, “Wala… wala.

“We’re okay ni Kathryn.

"And, I think, ganun din naman siya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bilang babae, ano ang pakiramdam na may nagkakagusto sa kanyang isang lalaki na maaaring romantically involved na sa iba?

Saad niya, “Kung totoo man yun, okay, take it as it is, you know.

“But my focus is what I have and what’s in front of me.

“You should know where to place your heart and getting your attention to.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na ang “haba-haba ng buhok” niya?

Nakangiting sagot ni Jasmine, “Well, thank you, thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN