Eric Quizon sympathizes with Cherry Pie Picache over gruesome murder of her mother

Eric Quizon on the murder of Cherry Pie Picache’s mother: “Sana if you die, you die because of old age, or you’re sick, or of natural causes. Kaysa yung ganun, kasi ang hirap tanggapin, lalo na sa mga maiiwan sa buhay. Because there will always be a question of, ‘Why? Why, my mom?’ Kung natural death, kahit masakit, pero mas madaling tanggapin.”


Isa si Eric Quizon sa sobrang nalulungkot sa nangyaring pagpaslang sa ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida “Baby” Sison noong September 19.

Na-cremate na ang mga labi ng ina ni Cherry Pie kahapon, September 24.

Magkaibigan sina Eric at Cherry Pie dahil kung ilang beses na silang nagkatrabaho, katulad ng ABS-CBN primetime series na Saan Ka Man Naroroon, kung saan gumanap sila bilang mag-asawa at magulang ni Claudine Barretto.

Bukod pa rito, si Cherry Pie ang ka-partner ni Eric sa kauna-unahang TV commercial na ginawa ng actor-director para sa isang brand ng sabon.

Pahayag ni Eric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkamatay ng ina ni Cherry Pie, “It’s really gruesome kasi… like, especially for Pie.

“I’ve met her mom and she’s a wonderful woman.

“It’s so sad na ganun ang nangyari sa kanya and, I guess, nobody is spared from it, and it can happen to the rest of us.

“Pero sana, walang mangyayaring ganun sa isang mahal mo sa buhay.

“It’s just sad kasi yung nangyayari sa pelikula, nangyayari sa tunay na buhay, parang ganun.

“Ako nga, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Pie.

“Hindi ko masabi kung ano yung... ganun lang, yakap lang.

“Hindi ko magawang makipag-converse kasi I know it’s too painful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Eric sa presscon ng pelikulang Hari Ng Tondo, sa Dolce Latte restaurant, sa Quezon Avenue, kahapon, September 24.

Ang Hari Ng Tondo, na humakot ng ilang major awards sa nakaraang 2014 Cinemalaya Film Festival, ay ipalalabas na sa iba’t ibang sinehan simula sa October 1.



DEATH PENALTY. Dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa ina ni Cherry Pie, kung saan ang salarin ay patuloy pa ring pinaghahanap ng batas, nabuhay muli ang isyu tungkol sa death penalty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang opinyon ni Eric tungkol dito? Pabor ba siya o kontra rito?

Pahayag ni Eric, “Honestly? Mahirap kasi a part of me wants to say na I’m for it.

“Kasi, kunyari, ’tulad ng nangyari kay Pie, of course, I would want to have a death penalty, I want it back. I want it to be a part of our law.

“But, on the other hand, being the God-fearing person that I am, wala rin tayong karapatan na bumawi o pumatay din ng ibang tao.


“So, yun, nagkahalu-halo.

“I have a very mixed emotions about it, but I totally understand where Pie is coming from.

“And, ako rin, if I were in a situation like that, ang gusto ko rin ay ma-implement yun.”

Ang krimeng kagaya nito ay repleksiyon daw ng peace and order situation ng ating lipunan.

Reaksiyon dito ng 47-year-old actor-director, “’Tulad ng sinabi ko, it could happen to the best of us.

“Maski gaano tayo kabait or we live a normal life at wala tayong ginagawang masama, things can happen to us, ‘tulad niyan.

“I’m sure, napakabait na tao ni Pie and then, bakit kailangang mangyari yun sa kanya? Bakit siya?

"So, pag-iisipan mo na, ’Why do these happen to us?’

“It’s natural that you fear for your life. But at the end of the day, you can’t live in fear.

“Hindi naman puwedeng hindi ka na lalabas, magtatago ka na lang. Ano ang gagawin mo, ‘di ba?”

Dagdag pa ni Eric, “Kayo ako, let life take its course.

“Pero kung ganun ang mangyari, sana ay hindi.

“Sana if you die, you die because of old age, or you’re sick, or of natural causes.

“Kaysa yung ganun, kasi ang hirap tanggapin, lalo na sa mga maiiwan sa buhay.

“Because there will always be a question of, ‘Why? Why, my mom?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung natural death, kahit masakit, pero mas madaling tanggapin.”



THE COMEDY KING. Ramdam daw ni Eric ang bigat ng pinagdadaanan ng kanyang kaibigan ngayon, katulad niya na kahit dalawang taon nang pumanaw ang amang si Dolphy ay nasa balikat pa rin niya ang maraming responsibilidad na iniwan nito sa kanya.

May kinalaman ito sa ilang ari-arian na iniwan ng Comedy King, na walang last will and testament.

Saad ni Eric, “Medyo mahirap yung ibinilin sa akin ni Dad, pero okay lang.

“Pressured? Hindi naman.

“Kasi, the decision does not come from me, hindi naman kailangan akong magdesisyon.

“The decision comes from our family, ako lang ang nagma-manage, ako lang ang administrator.

“So, ako lang ang nagha-handle ng mga dirty works, yung mga kailangang gawin .

“’Tapos yung mga kapatid ko, I need their cooperation kasi, like what I said, ’pag may isang hindi sang-ayon, hindi puwede.

“It has to be a unanimous decision.”

Masaya naman daw si Eric na hindi ito nagiging dahilan para pagsimulan ng away sa kanilang pamilya.

Sabi niya, “I’m glad na, so far, wala.

“Yun lang ang mahirap ipaintindi lalo na sa... sa mga kapatid ko, walang problema.

“Ang pamilya namin, masyadong malaki, so may nagkukuwestiyon kung ‘Dapat ba sila din kasali?’

“Pero, according to the law, ang heirs ay para sa mga anak lang o asawa, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN