Bea Binene thrilled to be in same teleserye with boyfriend Jake Vargas

Not true that trouble is brewing among the girls on Strawberry Lane, Bea Binene relates, "Sabay-sabay pa kaming nagtu-toothbrush, gano’n. Magkakasundo kaming lahat. Happy lahat sa set."


Plus factor daw para kay Bea Binene kapag ang boyfriend niyang si Jake Vargas ang kanyang kapareha sa isang project.

Kaya nang muli silang pinagtambal ng GMA sa bagong primetime series na Strawberry Lane, mas lalo daw siyang naging ganado sa trabaho.

“Iba pa rin naman kapag magkasama kami, ’di ba?” sabi ni Bea nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, September 21.

Dagdag niya, “Siyempre yung inspiration nandiyan, kaya mas masaya.”

Paano ba siya alagaan ni Jake kapag nasa set sila?

Ayon kay Bea, “Maalaga siya, e. Ramdam mo yung care at concern niya lagi.

“Like sa pagkain, break na, pero may eksena pang ako ang kinukunan, hindi talaga muna siya kakain hangga’t hindi kami sabay.

“Hihintayin talaga niya na matapos ako, ganun."

Dagdag niya, “Mahilig siyang magdala ng pagkain para sa akin.

"Madalas kapag magkikita o may trabaho kami, nagte-text siya kung anong pagkain ang gusto kong bilhin at dalhin niya.

“Ganun din naman ako, kapag nagdadala ako ng food, laging para sa dalawa.

"Kahit mga drinks, laging tig-isa talaga kami."

Lagi talagang nasa isip ni Bea na kailangang kung anong meron para sa kanya ay meron din for Jake?

“Naman!” sabay tawa ng teen actress.

SOMETHING NEW. Matagal ding walang ginawang show sina Bea at Jake na sila ang magka-loveteam. Pinakahuli nilang pagsasama ay sa seryeng Home Sweet Home.

Saad ni Bea, “Ang maganda naman, kapag may bago kaming project na pagsasamahan ni Jake, palaging may iba.

"Like yung story, halimbawa, at saka yung mga roles namin.

“Dito sa Starwberry Lane, very touching yung tema ng story na tungkol sa pamilya na lahat ay makaka-relate talaga.

“At saka, ipinapakita dito kung paano yung buhay ng mga teenagers sa loob ng isang shelter.

“Hindi kami nagti-taping sa totoong shelter para sa mga teens, pero nag-workshop kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One day na intensive workshop for eight hours para sa mga characters na gagampanan namin, pati pagtayo at paglakad."

PRESSURE. Ang Strawberry Lane ang naging kapalit ng Niño na mataas ang naitalang ratings mula sa umpisa hanggang sa pagtatapos nito.

Sabi ni Bea tungkol dito, “Nakaka-pressure na kami ang pumalit sa Niño.

“Dahil si Miguel [Tanfelix] at yung show niya ay talagang tinangkilik ng viewers.

“At happy ako for Miguel. Isa sa toprating shows ng GMA Telebabad ang Niño.

“Siyempre, nakakatuwa na ang Strawberry Lane ang naging kapalit nito.

"At the same time nga, nakaka-pressure din.

“Hindi lang sa aming dalawa ni Jake kundi sa lahat ng cast, nasa aming lahat ang pressure.

“Ganun pa man, thankful din kasi kami ang pinili ng GMA na ipalit sa timeslot ng Niño.”

FRIENDS. Bida rin sa Strawberry Lane ang Kapuso young actresses na sina Kim Rodriguez, Joyce Ching, Joanna Marie Tan, at Rita de Guzman.

Kasisimula pa lang umere ng show, pero may isyu agad na hindi diumano sila nagkakasundo kaya hindi nagiging maayos ang kanilang working relationship.

“Hindi naman po totoo ‘yan!” mariing tanggi ni Bea.

“Huwag naman sanang gawan pa ng mga ganyang isyu.

“Kung makikita lang kami, sobrang close kami.

"Yung mga kama nga namin sa set, magkakatabi, ganung level ang closeness namin.

"Na sabay-sabay pa kaming nagtu-toothbrush, ganun.

“Si Joyce, nakatrabaho ko na dati.

"Sina Kim at Joanna Marie naman, first time ko lang makasama.

“Pero okey naman kami, hindi lang bilang magkatrabaho kundi as friends din.

"Nakakalungkot kung bakit ginagawan ng ganyang issue na hindi naman totoo.

“Wala naman talagang nagiging problema, friends kami kaya magkakasundo kaming lahat.

“Happy lahat sa set.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN