Jodi Sta. Maria willing to do supporting roles after Be Careful With My Heart

After two years of doing Be Careful With My Heart, Jodi Sta. Maria is goosing her fans in the horror movie Maria Leonora Teresa. For the actress, the role is "a breath of fresh air" from the goody-goody Maya.


Nilinaw ni Jodi Sta. Maria ang lumabas na balitang siya ang gaganap bilang Amor Powers sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Si Eula Valdes ang gumanap bilang Amor Powers sa original version na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo naman ang sinasabing magbibida sa kasalukuyang henerasyon.

“Gusto ko lang po klaruhin... kasi yun nga, narinig ko rin na naglabasan na sa akin napunta yung proyekto.

"Hindi po," paglilinaw ni Jodi sa presscon ng pang-umagang teleserye nila ni Richard Yap, ang Be Careful With My Heart, noong Huwebes, September 25.

Wala raw nakarating kay Jodi na offer mula sa ABS-CBN kaya wala siyang ideya tungkol sa proyekto.

Saad niya, “Ang alam po ng ABS-CBN, gusto kong magpahinga pagkatapos ng Be Careful With My Heart. I want to take a break.

"Alam ko may naka-lineup, pero kailangan ko pang i-meet sila."

Open ba siyang makatrabaho ang KathNiel tandem?

Sagot ng aktres, “Bakit naman hindi?

“Natutuwa ako sa dalawang bata na ‘yan.

"Despite the fame na meron sila ngayon, they have remained humble, ‘di ba?

"Considering their stature, pinaunlakan nila ang Be Careful.

"Nag-guest sila for a limited engagement, so walang problema na makasama sila sa proyekto."

Pagkatapos ng Be Careful With My Heart, willing pa rin ba siyang tumanggap ng supporting roles?

Sagot ni Jodi, “Alam ninyo po, sa totoo lang, hindi naman talaga isyu sa akin kung character role or lead, e.

“Sabi ko nga, e, nanggaling ako sa support na okey na okey ako.

"Kung naging lead man po ako ngayon, blessing ‘yan mula sa Panginoon at bonus ‘to para sa karera ko.

"So, wala pong problema kung bumalik po ako sa support."

BLESSING. Mahigit dalawang taon din tumakbo sa ere ang Be Careful With My Heart sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, paano ang magiging ending ng kanilang teleserye?

Ayon kay Jodi, “Isa lang ang alam namin na talagang pinaghihirapan ng mga writers at creative team…

"Kung paano nasimulan nang maganda, magsasara, magtatapos nang maganda rin."

Sa lakas ng impact ng show nila sa Pinoy audience, hindi kaya mahirapan siyang mamili ng susunod na teleseryeng gagawin niya for ABS-CBN?

“’Tulad ng sinabi ko sa management, if ever na may gagawin akong susunod na proyekto, gusto ko talaga na makakapag-impart din sa tao ng good morals, ng values.

“Siyempre, aware ako na karamihan talaga ng manonood ay mga bata.

"At hindi lang yun, yung epekto talaga at impluwensiya ng telebisyon sa mga manonood, malakas, e.

“Parang blessing ang ganito kagandang proyekto, and I think God wants me to use my position doon sa mas makakabuti sa nakakarami.”

LESSONS. Mayroon ba siyang pinaka-favorite at hindi malilimutang eksena sa Be Careful With My Heart?

Saad ni Jodi, “Actually, lahat, e. Yung simula pa lang, kung saan kekengkoy-kengkoy pa si Maya.

"Hanggang sa yung character nag-evolve sa pagiging sophisticated.

"Yun, nakaka-miss din gumawa kung paano si Maya."

May hinihiling ba siyang maging susunod na leading man pagkatapos ni Richard Yap?

“Sa totoo lang, ngayon, hindi ko pa ‘yan naiisip.

"Kapag tinatanong kung ano ang dream role ko, hindi ko rin masagot.

"Kasi kung ano ang proyekto na ibinibigay sa akin, kung sino ang makakasama ako, yun yung character na ini-embrace ko.

"Kapag ginagawa ko na siya, I put my heart into it.”

Marami rin daw na natutunan si Jodi sa Be Careful bilang tao at bilang aktor.

“Natuto ako dun sa character ko bilang si Maya na posible pala na maging positibo ang negatibong sitwasyon.

"Depende lang ‘yan kung ano ang outlook mo, perspective mo sa buhay.

“Kumbaga, kay Maya, lahat nadadaaan sa magandang usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sa kanya kasi, yung pagpapahalaga niya sa mga taong mahal mo sa buhay.”

WHAT’S NEXT? Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Be Careful With My Heart?

“Right now, wala pa rin, kasi ang gusto ko talaga ay makapagpahinga muna, makapagbakasyon,” sagot ni Jodi.

With her son Thirdy?

“Oo,” ngiti niya.

“For sure, matutuwa si Thirdy, nababanggit na nga niya yung time ko rin for him.

"Medyo hectic talaga, pero now, ’ayan, magtatapos na, super bonding na.”

Bukod kay Thirdy, may isa pang tiyak na sasaya sa pagkakaroon ng time ngayon ni Jodi. Ito ay ang boyfriend niya, ang vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla.

“Uh, hmmm, he-he-he,” sabay tikom ng bibig ni Jodi.

Kasunod ng last taping day ni Jodi para sa Be Careful With My Heart ang pagsapit ng Pasko. May plano na ba siya kung saan sila magse-celebrate?

“Mag-a-out of the country kami ng family ko sa Christmas mismo, pero hindi naman hanggang New Year.”

May pelikula ba siyang gagawin pagkatapos ng Maria Leonora Teresa?

“Wala pang naka-lineup na gagawin kasi nasa mga sinehan pa siya, 100 theaters nationwide, second week na yung movie.”

Nagpapasalamat din ang aktres na marami ang pumuri sa kanyang performance sa horror movie na ito.

“Salamat, siguro kasi nasanay na kayo kay Maya nung medyo bumali tayo sa drama ulit.

"Siguro may mga nanibago, kumbaga, a breath of fresh air.”

Lastly, ano ang reaksiyon niya sa negative comments sa suot niyang outfit sa nakaraang Star Magic Ball? Napikon ba siya?

Photo: Noel Orsal

Sagot ni Jodi, “A, no, not at all.

"Kasi ang importante naman, kumportable ako doon sa naisuot ko.

"Masaya ako doon sa isinuot ko.

"Alam ko naman na hindi ko mapi-please ang lahat ng tao.

"And hindi talaga ako nagpaapekto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN