Lovi Poe refuses to answer questions about issue with director Erik Matti

Ayaw na raw pag-usapan pa ni Lovi Poe ang isyung kinasasangkutan nito kaugnay sa pambabatikos sa kanya ng direktor na si Erik Matti kaugnay ng hindi raw pagtupad ng aktres sa kanilang kasunduan na mag-shoot pa ito sa sequel ng The Aswang Chronicles.


“Let’s not talk about it na lang, sorry po.”

Ito ang tugon ni Lovi Poe nang mausisa tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Direk Erik Matti sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, September 26, sa Cable Bar, The Fort Strip, Bonifacio Global City, Taguig.

Nasa Cable Bar si Lovi upang suportahan ang press conference ng boyfriend niyang si Rocco Nacino para sa Heart of Champions boxing event nito bukas, September 27, sa Mall of Asia Music Hall.

Ayaw na raw ng Kapuso actress na pag-usapan ang isyu sa kanila ni Direk Erik.

Dagdag pa niya, “Siguro, it’s best na lang na hindi na lang pag-usapan. Sorry po.”

Matatandaang naglabas ng kanyang sama ng loob si Direk Erik tungkol kay Lovi sa Facebook noong September 5.

Nag-ugat ito dahil sa hindi raw pagpayag ni Lovi na mag-shooting para sa sequel ng horror-comedy film na The Aswang Chronicles, ang Kubot, kung saan si Erik ang direktor.

Ang aktres ang leading lady ng bidang si Dingdong Dantes sa unang installment nito, ang Tiktik (2012).

At sa sequel ng pelikula, kailangan pa rin si Lovi para sa continuity nito.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

NEW BUSINESS. Bukod sa pagsuporta kay Rocco sa boxing event nito, nasa venue rin ng presscon si Lovi dahil isa siya sa mga may-ari ng Cable Bar Restaurant.

Saad niya tungkol sa kanyang bagong business venture, “Mga ilang buwan pa lang siya… hindi pa talaga fully-opened sa public. Soft opening pa lang.

“Mga partners ko dito mga kaibigan ko talaga.

"Meron na silang mga branches sa iba’t ibang lugar katulad ng sa original branch nito sa Pasay Road, meron na ring sa Tomas Morato.

“Ito yung sa The Fort namin ngayon.

“Meron na rin sila sa Cebu kaya masaya ako na nag-venture ako dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN