Rocco Nacino ventures into boxing promotion business: “We saw sa mga fighters nowadays na ang daming potential sa mga ito.”

Bukod sa dalawang co-owned boxing gyms ng Kapuso star na si Rocco Nacino, sumubok na rin siya bilang boxing promoter kasama ang ilang kaibigan.


Bukod sa paggawa ng teleserye, may bagong pinagkakaabalahan ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ngayon.

Ito ay ang bago niyang boxing promotion business kasama ang kaibigan na si Chris Tan.

Sa presscon ng Heart of Champions kanina, September 25, sinabi ni Rocco na malaki ang tiwala nila sa potensiyal ng mga Pinoy pagdating sa boxing.

Ginanap ang presscon sa Cable Bar and Restaurant sa The Fort Strip, Bonifacio Global City, Taguig.

Kuwento ni Rocco, “I’m part of promotions, we partnered with Elorde Boxing at kami ang nag-put up nitong event.

“Its gonna be shown in GMA [on October 5] and it’s called Heart of Champions.

"Kasi, me and Chris, we saw sa mga fighters nowadays na ang daming potential sa mga ito.

“We came together and put up Elorde Championship Boxing. At kami ngayon yung sa promotion side, sa mga events like this.”

Kahit baguhan sa ganitong klaseng negosyo, masaya raw si Rocco na maayos nilang napatakbo ang promotion ng nasabing boxing event.

Aniya, “First time ko sa ganito, so everything is parang nangangapa pa lang.

"But so far, it went well and happy naman ako."

Bukod pa rito, may dalawa na ring pag-aaring boxing gym si Rocco at ang kanyang business partner.

Ayon sa StarStruck alumnus, “Actually, ang negosyo namin ni Chris ay co-owner na kami ng Elorde Ortigas at saka Marcos Highway.

"Ito naman, bagong venture naman, boxing promotions.

"Very exciting... parang ngayon, seeing everyone fall into place, iba yung fulfillment.

"Hardwork talaga, e.”

Gaganapin ang Heart of Champions bukas, September 27, 4 p.m., sa SM Mall of Asia Music Hall, kung saan may sampung kaabang-abang na fights.

Maglalaban para sa WBC International Flyweight Championship title sina Renan "Little Pacquiao" Trongco ng Pilipinas at si Hayato Yamaguchi ng Japan.

Ayon pa sa Hiram Na Alaala star, “Bukod sa fights, may activities kami for people who want to do boxing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinuportahan naman si Rocco ng girlfriend niyang si Lovi Poe nang dumalo ang aktres sa presscon kanina. Part-owner din ang aktres ng venue ng presscon.

Read: Lovi Poe refuses to answer questions about issue with director Erik Matti

HIRAM NA ALAALA. Wala naman daw problema kay Rocco na bukod sa showbiz ay abala rin siya sa negosyo.

“Matter of balancing” lamang daw ito.

Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ng 27-year-old actor na maganda ang feedback ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA, ang Hiram Na Alaala, na nagsimulang umere noong Lunes, September 22.

Nakangiting sabi niya, “Really proud to be part of the show.

“Maganda ang feedbacks. Natuwa ako, maraming nagkagusto.

“Nag-trend nga ako sa unang araw.

"It’s a good thing, nakakatuwa na maraming tumututok at maraming interested sa flow ng story.

"Kasi, very interesting naman talaga ang mangyayari pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN