Vice Ganda finally acquires land for his dream house

Ayaw na raw isiping masyado ni Vice Ganda ang kumpetisyon sa MMFF ngayong taon. Paliwanag niya, "Kahit anong stress mo naman sa buhay mo, naka-schedule na kung ano ang mangyayari diyan. Nakatadhana na. Bago pa namin gawin ang pelikula, nakatadhana na, naka-schedule na kung ano ang mangyayari."


Kinumpirma ni Vice Ganda na finally ay nakabili na siya ng loteng tatayuan ng kanyang dream house.

Ito ang masayang ibinalita ni Vice pagkatapos niyang mawala sa bansa for one month dahil sa mga show na ginawa niya sa Europe, Dubai, at Canada.

“Ayun na, malapit… naku, sana ma-achieve na siya! Nakabili na ako ng lote,” pahayag ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng kanyang dressing room sa It’s Showtime noong Miyerkules, September 24.

Paano niya nakita ang lote?

Sabi niya, “Hinanap talaga namin. Ang dami naming pinuntahan na ano… isa ‘yan sa mga nakita namin ni Kris [Aquino].”

1,300 square meters daw ang sukat ng lote na nabili ni Vice.

Nabayaran na niya o hinuhulug-hulugan?

“Oo, nabayaran na. ‘Tapos ngayon, nagpa-bid kami sa mga architects.”

Ano ba ang gusto niyang design?

“Gusto ko ano, e, modern-industrial.”

May idea na siya kung ano kalalabasan ng modern-industrial house na type niya?

“Meron na… meron na. E, pang-third presentation na ngayon ng mga architect.”

Magkano ang budget niya for his new house?

“Maliit lang,” matipid na sagot ni Vice.

Aabot kaya ng P100 million?

Nagulat niyang reaksiyon, “Maliit lang… Naku, sana hindi naman umabot ng P100 million! Wala namang P100 million! Sobra naman yun.”

Ito na ba yung lalagyan niya ng swimming pool?

“Oo,” tugon niya.



NEW ALBUM. Bago kami pumasok sa dressing room ni Vice ay nag-usap muna sila ng executive ng Star Records na si Jonathan Manalo.

Mayroon na ba siyang gagawing bagong album for Star Records?

Sagot ni Vice, “Oo, may bagong album ako na lalabas.

“Kasi meron akong ginawang kanta, e. Kasama sa [bagong] album.”

Speaking of album, nanalo si Vice ng tatlong tropeyo sa nakaraang 6th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap sa Solaire Resort & Casino noong September 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nasa abroad siya that time, hindi niya personal na natanggap ang kanyang trophies.

“Oo nga… hindi ko alam, e. Na-miss ko naman.

“Lagi kong nami-miss, laging may eksena abroad.

“E, siyempre ako, lalo na mga awards-awards, gusto kong uma-attend.

“Bukod sa gusto kong tumanggap ng award, gusto kong uma-outfit, ‘di ba?

“Gusto kong magbihis. Gusto kong lumalakad sa red carpet, kasi lalo na kung bakla ka, ‘di ba?

“Dream mo yun, e. Dream mong magbibihis, mapi-piktyuran. Arte-arte ka doon sa red carpet, po-pose-pose ka.

“Minsan lang naman yun. Kaya nakakapanghinayang na na-miss ko yun, lalo pa nabigyan ng award.

“Kanina, nagpasalamat nga ako kanina sa Showtime. Sobra akong happy.

“At saka ngayong taon na ‘to, ang dami kong awards na nakuha. Sunud-sunod, ha.

“Nitong last month, meron din ako nakuha.

“Saka ano, laging hakot award… tatlo-tatlo, dala-dalawa.

“Kaya sabi ko, I’m so happy because the Lord has been continuously blessing me in front of my enemies.”



MMFF MOVIE. Kumusta naman ang movie niya para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December, ang Part 2 ng Praybeyt Benjamin?

Sabi ni Vice, “Ayun nga, pinapupunta ako ni Direk Wenn [Deramas] sa go-see ngayon.

“Gusto niya nandoon ako para sa kukunin na ibang members of the cast.”

Nakapag-resume na sila ng shooting?

“Hindi pa, magse-second day pa lang kami next week.”

Mas matindi raw ang mga pelikulang maglalaban-laban this year sa MMFF. At this early, nakakaramdam ba siya ng pressure na mag-number one muli ang pelikula nila sa takilya?

Saad niya, “Ako, ini-enjoy ko lang, ‘no.

“Nakaka-stress, e, kapag inano mo.

“E, kahit anong stress mo naman sa buhay mo, naka-schedule na kung ano ang mangyayari diyan. Nakatadhana na.

“Bago pa namin gawin ang pelikula, nakatadhana na, naka-schedule na kung ano ang mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN