Jake Vargas denies leaving German Moreno’s stable of talents

Jake Vargas on his manager German "Kuya Germs" Moreno: "Kasi si Tatay, sobrang laki ng itinulong niya sa akin since nag-start ako sa showbiz. Siya ang nag-buildup sa akin para tumaas yung career ko. Utang na loob ko yun kay Tatay."


Masaya raw si Jake Vargas sa takbo ng career niya ngayon.

Sabi ng Kapuso young actor, “Happy naman po, ’tsaka kuntento naman ako sa mga nangyayari na kahit papaano meron namang blessings na dumarating.

“Katulad niyan, may show na naman, so ano, masaya dahil nae-enjoy ko naman yung pagiging artista.”

Isa si Jake sa male lead stars ng bagong primetime series ng GMA na Strawberry Lane.

Nilinaw rin ni Jake ang isyu na gusto na niyang umalis sa pamamahala ng manager niyang si German “Kuya Germs” Moreno.

“Iyon nga, nagulat din ako.

"Parang last year din, nabalita na ’yan.

“Hindi, hindi ko naisip yan.

"Kasi si Tatay, sobrang laki ng itinulong niya sa akin since nag-start ako sa showbiz.

"Siya ang nag-buildup sa akin para tumaas yung career ko.

“Utang na loob ko yun kay Tatay,” saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

DREAM LEADING LADY. Sa Strawberry Lane ay si Bea Binene ang kapareha niya. Ilang shows na rin in the past ang sila ni Bea ang magpakapareha.

Kaya natanong si Jake kung sino sa iba pang female stars ng GMA ang gusto niyang makapareha sa susunod.

Sagot niya, “Ang lagi ko pong sinasabi ’pag iniinterbyu ako, si Kris Bernal.

“Kasi si Kris, nakasama ko na siya noon sa Dapat Ka Bang Mahalin, kapatid ko siya doon.

“Humahanga ako sa kanya kasi magaling umarte... ’tapos maganda, cute.

“One time nga, nag-Maynila kami, siya yung ka-partner ko, okay naman, okay naman.”

Wala na raw itong maisip na iba pang gusto niyang makapareha.

Kahit si Barbie Forteza na madalas ay nakakapareha niya sa Maynila?

“Doon sa show namin dati na First Time. Love triangle kami doon nina Joshua [Dionisio].”

Hindi rin daw sa mga kakilala niya sa ABS-CBN, kung sakali man, na sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, at Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e, hindi ko ano…” sabi niya.

TWEEN STARS. Isa si Jake sa sikat na tween stars ng GMA, pero ngayon ay sumisikat na rin ang ibang tween stars ’tulad ni Miguel Tanfelix. Wala ba siyang nararamdamang insecurity kapag ganoon?

Sagot niya, “Wala. Kasi ako, kuntento naman ako sa nangyayari sa akin ngayon.

"’Tsaka hangga’t may career pa ako, hangga’t…

“Actually, hindi naman ako nakikipagkumpitensiya sa iba.”

Ano pa ang puwede niyang ipakita sa mga tao?

“Siguro po, dadagdagan ko pa yung sa akting ko, sa pagkanta, sa pagsayaw.

"So, siguro po mas gagalingan ko pa, iyon po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN