RR Enriquez on why her showbiz career at ABS-CBN seems to have grounded to a halt: "Siguro nakitaan nila na wala akong potential."

After doing sexy roles and pictorials, born-again Christian RR Enriquez is shunning all that to the detriment of her showbiz career.


Kabilang si RR Enriquez sa competitors ng Amazing Race Philippines Season 2 na ipinakilala sa press nong September 22, sa Genting Club Resorts World.

Natanong tuloy ito kung bakit siya sumali sa kumpetisyon gayong isa na siyang established star?

Matapos sagutin ni RR na nais niyang subukan ang mapabilang sa Amazing Race, kahit takot siyang umitim, sinabi nitong wala naman nang pakialam ang ABS-CBN sa kanya at wala na rin naman itong ibinibigay na project sa kanya.

Dito ay nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may galit o sama ng loob ba siya sa Kapamilya network.

Mabilis naman itong itinanggi ni RR.

Sabi niya, “Naku, hindi, ganito lang talaga ako lagi magsalita.

"Wala, wala akong galit sa kanila, hyper lang ako talaga, ever since naman.

“Kahit nung nag-guest ako kay Kuya Willie [Revillame, sa show nito sa TV5], sinasabi ko na wala naman silang ibinibigay sa aking project.

“Pero hindi naman ako galit or may sama ako ng loob.”

Patutsada lang ba ito sa network dahil pinababayaan siya?

“Actually, wala namang ganun, wala talaga.

“Kasi noon, marami akong projects sa ABS.

"Hindi nga ako naging bida, pero binigyan nila ako [ng trabaho].

“Siguro nakitaan nila na wala akong potential o alam mo yun, na baka wala naman siyang talent na ganito.

“Hindi ko sila masisisi.

"Kasi kahit sa sarili ko rin, iniisip ko kung bakit ako naging artista.

"Bakit ako nagkaroon ng career na ganun kasi talagang hindi ako ganon…

"Hindi ko lang alam, feeling ko wala.”

Na-frustrate ba ito sa kinalabasan ng career niya sa ABS?

“Honestly, hindi, kasi nung time na nawala yung Wowowee, binigyan nila ako ng show sa Studio 23.

"Yun yung Pabida Ka, ako mismo yung host doon at nagpapatawa.

"Binibigyan naman nila ako ng show.

“Hindi naman ako na-frustrate kasi ako mismo ang nag-stop, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga ino-offer din sa akin na sexy, e, medyo nag-stop na rin akong magpa- sexy.

"Kaya yun, hindi na ako nabigyan ng project.”

GOODBYE TO SEXY IMAGE. Noong nakaraang taon lang daw humihina ang trabaho ni RR sa Kapamilya network.

Pero bago pa raw siya nag-audition para sa Amazing Race, binigyan siya ng guest o short appearances sa show na hindi niya binanggit ang title.

Wala na raw ibinigay sa kanya ang network na mga serye o appearances sa shows nito.

“Siguro nga wala na silang makitaan sa akin [talent].”

Honestly, wala siyang sama ng loob?

Diin ni RR, “Wala talaga, kasi alam ko namang hindi sila nagkulang.

"Binigyan naman nila ako ng... nag-try naman sila.

“Kaya lang siguro, nung mga panahon na yun, medyo nag-inarte na ako dahil, yun nga, pa-sexy.

Bakit kinaligtaan na nito ang pagpapa-sexy?

“Nag-Christian ako, e,” na ang tinutukoy niya ay ang pagiging Born-Again Christian.

“Hindi lang halata sa suot ko ngayon kasi nga backless,” sabay talikod niya para ipakita ang pagkakalantad ng likod niya sa suot niyang tight-filling knee-length cocktail dress.

“Sa Christian naman, puwede pa ring mag-backless.

"Nag-stop na akong magpakita ng skin… ganon.”

Hindi ba ito dahil sa boyfriend niya?

“Hindi naman kasi yung boyfriend ko, five years na kami, e.

"Wowowee days pa lang, boyfriend ko na siya.

“Ang dami kong pinag-cover-an na sexy ako, nag-FHM ako, Playboy, Maxim.

"And nandun siya nung mga panahong iyon kaya okey lang sa kanya.”

Itinanggi naman ni RR na ikinasal na siya.

“Hindi pa naman,” aniya.

COMEBACK. Paano nito sisimulan ang career niya uli ngayong kabilang siya sa Amazing Race Philippines?

“Honestly, yung pagsali ko, experience lang talaga.

"Hindi ako talaga ni-rush yung sarili ko.

"Hindi ako nag-e-expect na mabibigyan nila ako ng project or whatsoever kasi hindi na ako nagpapa-sexy.

“Pero kung bibigyan ako ng TV5, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Choosy ka pa ba? E, di sa TV5 ako.”

Kung wala siyang trabaho sa showbiz, ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“Nag-focus rin ako sa business. I have my own skin care at nail spa.

"Ang tagal ko nang walang work, one year na.

"Malakas pa rin naman yung business ko, yung skin care ko.

“And tinulungan ako ng ABS CBN doon, na-promote nila yun, sponsor-sponsor.

“Wala na siguro silang maibigay na project sa akin kasi yun nga, nag-stop na ako sa pagpapa-sexy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN